Si Kalbo

44 2 0
                                    

RECAP: KASAMA ANG MGA MEMBERS NG KULTO, NAKIPAGLABAN SINA FERNIE SA MGA KRIMINAL SA KILLING ARENA. HANGGANG SA MAKITA ULI NILA SI KALBO, ANG NAGHATID SA KANILA SA KILLING ARENA

(FOR THOSE OF YOU NA NAKALIMOT NA, ANG CONSEPT NG BLACK INVITERS AY MAY MGA TAONG MAGSASIGN UP SA WEBSITE NILA KAPAG MAY SAMA SILA NG LOOB SA ISANG KRIMINAL NA MAY GINAWANG MASAMA SA KANILA PERO HINDI NAKULONG. ANG GAGAWIN NG BLACK INVITERS, ILALAGAY SA "KILLING ARENA" ANG GRUPO NG MGA BIKTIMA NG MGA KRIMINAL AT ANG MGA KRIMINAL. ANG GOAL NG MGA "CONTESTANTS" O MGA BIKTIMA AY MAPATAY ANG KRIMINAL HABANG NA SA LOOB NG ARENA

SI FERNIE AY MAY PAPATAYING KRIMINAL. SI ROMEO AY ISANG BLACK INVITER NA SUMAMA SA KANYA AT TUMULONG, KAHIT BAWAL ITO) 

"Hala, Kalbo, bakit ka nandito?" sabi ko.

Parang sumama ang mukha ni Kalbo sa narinig mula sa 'kin. Pareho sila ng suot ni Romeo, parang uniform ng SWAT. Pareho nga pala silang Black Inviter.

Tumitig siya kay Romeo at umiling.

Napatingin naman ako kay Romeo. At nakita ko na parang nagkaroon ng pag-aalala sa mga mata niya.

IPINASOK kami ni Kalbo sa isa sa mga abandonadong bahay doon. Inutos niya na maghilamos ako at tanggalin ang plema sa mukha ko, at 'di ko mapigilang mag-comment na, "Masungit talaga 'tong si kalbo." Tinitigan lang niya ako nang masama.

"Romeo, mag-usap tayo."

Itinuro ni Kalbo ang isa sa mga kuwarto sa abandonadong bahay.

Tumango si Romeo bago magyuko ng ulo. Tumingin lang ako sa kanya, nagsimula na ring mag-alala. Naglakad sila papunta sa kuwarto at hindi ko mapigilan ang sarili kong sumunod. Bigla nga lang lumingon si Kalbo. At tiningnan na naman ako nang masama.

"Hindi mo dapat marinig ang pag-uusapan namin," sabi ni Kalbo. "Wala kang dadalhin kay Romeo bukod sa problema."

Hindi ko naman inaasahan ang narinig kong iyon. Hindi ako nakapagsalita, nakaangal. Parang humihingi ng sorry sa 'kin si Romeo base sa pagtingin niya sa 'kin. Hindi ko ihiniwalay ang tingin ko sa kanila hanggang sa makapasok sila sa kuwarto at maisara ang pinto.

Bumuntong-hininga ako. Bumaling kay Norman at Gustav na nakatayo sa sulok, nakamasid sa 'kin.

Binigyan ko sila ng tipid na ngiti bago tahimik na naglakad patungo sa banyo. Pagkasara ko niyon ay tumingin ako sa salamin. I sighed. Hindi makabubuti na masyado akong mag-isip. Ibinaling ko ang tingin ko sa sink. Sinubukan kong buksan ang gripo sa sink, tiningnan kung may tubig. Meron naman. Naghilamos ako.

Hindi rin ako nakatiis at lumabas ako agad, tinutuyo ng bimpo ang basang mukha ko. Sarado pa rin ang silid kung saan nag-uusap sina Kalbo at Romeo. Tumabi ako kina Gustav at Norman na tahimik ding nakatingin sa pinto.

"Ano kaya ang pinag-uusapan nila?" sabi ko.

"Wala akong ideya," sabi ni Norman.

Bumaling ako sa lalaki. "Salamat pala sa pagligtas mo sa 'kin kanina."

Ngumiti si Norman. "Wala 'yon."

May sasabihin pa sana siya kung hindi lang bumukas ang pinto ng silid na pinasukan nina Romeo. Unang lumabas si Kalbo, seryoso ang mukha. Sumunod si Romeo. Nang magtagpo ang mga mata namin ay yumuko si Romeo, na parang ayaw salubungin ang tingin ko.

"Kailangan nang umuwi ni Romeo," seryosong sabi ni Kalbo, sa 'kin lang nakatingin, parang ako lang ang kinakausap.

Hindi ako nakasagot.

"Kailangan na niyang umuwi kaya hindi n'yo na siya puwedeng makasama."

Gusto ko sanang itanong kung bakit, pero hindi naman ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong.

"Tara na, Romeo," sabi ni Kalbo.

"Sandali," sabi ko. Napatingin sa 'kin si Kalbo. Nag-angat din ng tingin si Romeo.

"Baka..." Nahiya ako sa sasabihin ko. "Baka puwede namang makapag-paalam?"

Mukhang tatanggi si Kalbo kung hindi lang niya nakita ang lungkot sa mukha ko. Napatingin ito kay Romeo at nagyuko ang lalaki ng ulo. Umiling lang si Kalbo. "Hihintayin kita sa labas, Romeo."

Lumabas na si Kalbo ng bahay. Sumabay sa kanya si Norman at Gustav. Naiwan kaming dalawa.

Humawak ako sa magkabilang balikat ni Romeo. Tumingin ako sa mga mata niya, pilit binabasa ang emosyon niya. Wala siyang sinasabi, nakatingin lang din sa 'kin.

Lumunok ako bago nagsalita. "Salamat," sabi ko. Kumurap nang paulit-ulit. Pinipigilan ang sariling umiyak.

Hindi naman nagsalita si Romeo.

"Salamat sa pagtulong sa 'kin," sabi ko pa. "Salamat sa pag-aalala. Salamat na hindi mo 'ko pinabayaan. Salamat na hindi mo ko iniwan kahit asar talo ka sa 'kin."

Sandaling naglayo ng tingin si Romeo, wala pa ding sinasabi.

"Salamat talaga," sabi ko pa. "Hayaan mo. Kakayanin ko 'to. Magiging matapang ako."

Ibinalik ni Romeo ang tingin niya sa mga mata ko. Bahagyang nagsalubong ang kilay, parang pinipigil na maiyak. Tumango siya bago nagsalita, bahagyang basag ang tinig. "Mag-iingat ka," sabi niya. Dmang-dama ko ang pag-aalala sa dalawang salitang iyon na lumabas sa bibig niya.

Tumango naman ako ng sunod-sunod.

"Mag-iingat ka 'wag kang mamamatay," sabi pa, may halong pabirong pagbabanta. "'Pag namatay ka, mananagot ka sa 'kin. Ido-double dead kita."

Natawa naman ako. Pumatak na ang mga luha mula sa mga mata.

"Mag-iingat ka talaga, Fernie," sabi pa ni Romeo. This time there was no humor on his tone, just bare concern. "Mag-iingat ka, please. Please, please."

At siguro ay nadala na siya ng emosyon niya. Bigla niya akong hiniklat palapit sa kanya, daan para pumasok ako sa bisig niya. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa katawan ko, ipinagtulakan ako padikit sa kanya. Damang-dama ko ang mainit na katawan niya at kahit paano ay napayapa ang puso ko.

Napakahigpit ng yakap na iyon, para bang puno ng takot, para bang ikamamatay ng isa sa 'min ang pagbitaw. Sumubsob ako sa dibdib niya at gumanti ng yakap sa kanya. Iyong takot na takot din siyang mawala.

"Mag-ingat ka para sa 'kin, Fernie, please," pakiusap ni Romeo habang patuloy ang pagyakap sa 'kin. "Mag-ingat ka..."

Tumango-tango ako, hinimas ang likod niya. "Makakasurvive ako, Romeo, tandaan mo 'yan," sabi ko. "Tapos, paglabas natin dito, lagi ka pa ding asar talo sa 'kin."

Romeo just laughed. And hugged me tighter. As if every second counted. As if hugging me so close would magically morph us into one so I would not be away from him forever. As if everything would be okay in the end.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now