The Game Master

298 9 1
                                    


NO'NG bumaba kami sa jeep, niyakap agad ako ng lamig na parang ex jowa ko siyang hindi makamove on sa 'kin. Napakapit ako sa mga braso ko at sige sa paghugot ng malalalim na hininga. Kabang-kaba pa din ako, sa totoo lang.

Dinig na dinig ko ang huni ng mga kuliglig sa paligid. It wasn't relaxing. It was fucking scary. Dinig na dinig ko din ang pabulong na usapan ng mga kasamahan ko. Kahit siguro sila, kabadong-kabado din.

Mayamaya ay isang kamay ang naramdaman kong humawak sa braso ko at inalalayan akong maglakad.

"Dito," sabi niya.

Nagpadala naman ako sa kanya. Hindi rin maiwasang magcomment.

"Kuya, pasmado ka, eh," reklamo ko.

Di sumagot ang naka-alalay sa 'kin.

"Mag-jowa ka na kuya. Para 'di na ikaw ang gumagawa, di ka na mapapasma--"

"Hindi ka talaga bagay dito," sagot ng umaalalay sa 'kin.

Natigilan ako. Parang pamilyar sa 'kin ang boses niya.

"Kilala ba kita?" sabi ko.

Hindi na nagsalita ang lalaking umalalay sa 'kin.

"Hoy, kilala ba kita?" sabi ko pa. Natuon ang atensyon ko sa kanya at hindi sa paglalakad. May natapakan akong matigas na bagay at muntik na kong mawalan ng balanse kung hindi lang niya ako ibinalot sa bisig niya.

Mukhang naglapit ang mga mukha namin dahil naramdaman ko ang init ng hininga niya sa pisngi ko. Natigilan ako... Mabango din ang hininga niya ha?

"Ano'ng toothpaste mo?" sabi ko.

"Hindi ka dapat nag-heels," pagalit na sabi ng umalalay sa 'kin. Tinulungan niya akong makatayo ng maayos.

"May flip flops akong baon. Pink. Ang cute," sabi ko pa. Inalalayan na naman niya akong lumakad.

"Hindi ka talaga dapat nagpunta dito," sabi niya.

"Alam mo pamilyar talaga sa 'kin boses mo. Sino ka ba?"

Hindi na naman nagsalita ang lalaki.

"Kahit first letter lang."

Wala pa ring sinabi ang lalaki. Soon, hindi ko na maramdaman ang lamig ng panggabing hangin. Kulob at mainit na hangin sa isang tingin ko ay masikip na kuwarto ang dumadampi sa balat ko. Pinapasok siguro kami sa isang silid. Ingat na ingat akong matumba dahil nababangga na ako ng ibang tao. Bumitaw na sa 'kin ang lalaki.

Nagbubulungan ang lahat ng tao sa paligid ko, siguro ay pinangingibabawan na din ng takot.

"Tahimik!" isang malalim na tinig ang nagsabi.

Walang nanahimik. Sige sa pagbulungan.

"Tahimik!" sigaw pa.

Wala pa ring nanahimik.

"Putang ina, tahimik!" gigil na sigaw.

Ayun, nanahimik. Natigil ang bulungan. Ilang segundo din. Tapos ay may narinig na mahina at mahabang "toot" na sound. Nakaamoy na kami ng mabaho pero tahimik pa din ang lahat.

Ako lang ang hindi nakatiis na mag-react. "Ambaho, may umutot!" sabi ko, napahawak sa ilong. "Puta, itae mo na 'yan!"

"Manahimik sinabi!" sigaw muli ng tinig.

Hindi na ako nagsalita. Pigil na pigil magreklamo sa utot. Hinintay siguro ng may-ari ng tinig na matuon ang atensyon sa kanya ng lahat bago sya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ito na ang gabi kung kailan tatanggapin ninyo ang pinakamalaking hamon ng buhay n'yo," sabi niya sa seryosong tinig. "Dito, ipaglalaban n'yo ang isang bagay na naipagkait sa inyo ng ating pamahalaan. Pulpol ang ating gobyerno. Pinapaniwala tayong nasusugpo ang kriminalidad pero napapalawig pang lalo ito. Paano ka hindi papatay, kung ang lider mo ay wala ding takot pumatay?:

Ang ilan sa mga tao doon ay nagpahayag ng pagsang-ayon.

"Dito, hindi kayo aasa sa kinakalawang na sistema ng hustisya. Dahil tayo ay bansang wala ng koneksyon sa mga bansa sa paligid natin, umaasa na halos tayo sa mga mayayamang mamamayan ng Pilipinas. Nabibili na ang hustisya ng mga nakakangat sa buhay, tapos ay inuuto na lang tayo ng gobyerno, sinasabing nakakamit natin ito. Ilang mga pulis at sibilyan ang basta basta na lang pumapatay at sinasabi na lang na rebelyon ang dahilan para wala ng mangyaring imbestigasyon. Ngunit sino nga bang hindi magrerebelde sa nangyayari? Tayo ay narito para magrebelde. Para lumaban!"

Medyo mahaba ang speech ah? Lusaw na make-up ko!

"Simulan natin ang lahat sa gabing ito. Sa gabing ito, gagawin n'yo ang makakaya niyo, mabahiran man dugo ang inyong mga kamay, para lang makamit ang hinahanap n'yong katarungan. Starting tonight, you will be called a Judge."

Nagsimula uling magbulungan ang mga tao. Siguro, ang ilan sa kanila ay naapektuhan ng sinasabi ng may-ari ng tinig.

"Faith in humanity is overrated. The justice system is garbage!" sigaw ng may-ari ng tinig. "An eye for an eye, a tooth for a tooth. Vengeance is ours, not the Lord's!"

"Vengeance!" sigaw ng ilang tao doon.

"Vengeance is ours, not the Lord's! Vengeance is ours!

"Vengeance!"

There was some cheering. And applauding. Muli kaming pinatahimik ng may-ari ng tinig.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now