Ang Katotohanan Tungkol sa mga Miyembro ng Kulto

64 2 0
                                    

FERNIE

"FERNIE," pagtawag sa 'kin ni Norman, nang makita niyang tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Bakit?"

Lumapit siya sa 'kin, naghila ng silya sa tapat ko at umupo doon. "Okay ka lang ba?"

Nagkibit ako ng balikat. "Okay lang."

Nanatili kami sa loob ng bahay dahil bumuhos ang malakas na ulan. Madulas ang daan sa labas kaya siguradong delikadong maglakbay para hanapin ang mga tinutugis naming kriminal.

"Nami-miss mo 'yong Black Inviter na 'yon, 'no?" he asked.

Hindi ako sumagot. Tumingin ako muli sa labas ng bintana. Madilim sa labas kahit alas singko pa lang ng hapon, dulot ng makakapal na ulap na nagdudulot ng ulan. Hinuhugasan ng tubig ulan ang dugo sa labas. Nakakapayapa ng damdamin ang tunog ng pagpatak ng tubig sa bubong.

"Ewan," sabi ko. "Ewan kung bakit. Kapitbahay ko 'yon, eh. Hindi ko naman siya masyadong napapansin. Ngayon naman, halos isang araw pa lang kami nagkasama, miss ko na siya agad."

Ngumiti lang si Norman na parang sinasabing naiintindihan niya ang sinasabi ko. Pagkatapos ay sumeryoso siya. Inabot ng kamay niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Sino ba ang kriminal na tinutugis mo?"

Hindi ko siya sinagot. Hindi nga ako nakapagkuwento kay Romeo, paano ko magagawang magkuwento kay Norman?

"Ayokong pag-usapan," sabi ko. "Pasensya na."

"Okay lang," sabi ni Norman, parang napahiya. "Pasensiya na rin. Sanay lang ako doon sa kulto na kinabibilangan ko dati. Hindi kami nakapaglilihim sa cult leader namin. Kapag may problema kami, pinipilit niya kami na magsabi sa kanya."

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko nakitaan ng galit ang mukha niya ng panahon na iyon.

"How was it like?" sabi ko. "Living with a cult...."

Hindi siya sumagot agad.

"If you don't mind me asking," dugtong ko.

"I don't," sagot niya. "'Di ba nasabi ko naman na sa inyo? Okay naman ang lahat noong umpisa. Although nahalata ko nang kakaiba si Augusto noon pa man. One time, I remember, kakalabas ko lang ng communal bath naming mga cult members. Lumapit siya sa 'kin, tapos sinabi niya na... if I want him to fuck me in the ass, he will."

Hindi ako nakakibo agad sa sinabi niya. Para kasing may trace ng amusement ang tinig niya habang sinasabi niya iyon. Muli na lang akong dumungaw sa bintana, kung saan parang lalo pang dumilim ang paligid.

"The world is filled with crazy people," sabi ko.

"Tama," he said.

Ilang sandali lang din kaming tahimik hanggang sa makaramdam ako ng pagkailang.

"Maghahanda ako ng pagkain natin," sabi ko. "Magpapatulong ako kay Gustav."

"Kay Gustav?" sabi ni Norman.

"Magaling syang tiga-abot ng ingredients," sabi ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, iginala ang paningin sa paligid. "Gustav, asan ka?"

PAGLIPAS ng ilang minuto nasa kusina na kami ni Gustav. Sa tulong ni Norman ay nakagawa kami ng apoy sa kalan de kahoy. Balak ko lang magprito ng meat loaf na nasa backpack ko. Puwede na naming pagsalu-saluhan iyong tatlo dahil may tinapay naman din sa bag ko. Tanglaw ang liwang ng kandila na nakita namin sa bahay ay ihinanda namin ang hapunan.

"Gustav, paabot nga ng de lata."

Umungol si Gustav, siguro para sabihing "oo" bago iabot sa 'kin ang lata ng meat loaf. Nginitian ko siya, kinuha ang kutsilyo sa belt ko at binuksan ang de lata. Niluto ko iyon sa kawali na nakita ko din sa abandonadong bahay na iyon.

Dark Justice Series: PerversionWhere stories live. Discover now