Chapter 67

452 20 1
                                    


Season 2 – Chapter 67


Sobrang bigat ng mga talukap ng mata ko, hindi ko na mapigilang mapikit pikit sa sobrang antok. Napamulat ako nang makarinig ako ng tunog. Tinignan ko 'to at nakitang may mga nagdaang estudyante. Ala-singko kami umalis sa party kanina, hanggang ala-syete kasi ang tapos no'n. Hindi na namin tinapos dahil bukod sa pagod na ang karamihan no'n, kailangan din naming maagang pumila sa cashier. Ang haba kasi ng pila lagi kapag mag-e-end ng sem. Maraming estudyanteng naghahabol sa deadline ng mga balance nila—kabilang na kami. Hindi nga kami nagkamali, sa aga naming pumunta sa may cashier, pang-labinglima pataas pa ang bilang namin.


Sarado pa mismo ang loob ng building kung nasaan ang cashier. Dito kami pinapila sa may waiting shed sa labas, binigyan kami ng queuing number ng mga member ng SG na nagbabantay ng pila rito.


"Galing ba sa party 'yon?" natingin ako sa estudyanteng nagdaan na natatawa tawa pa habang nakatingin sa kasama namin.


Natingin ako sa tinutukoy nito, may isa kasi kaming kasama na hindi na nag-abalang tanggalin pa ang pagkakayos ng buhok niya. Pang malakasan kasi ang ayos nito sa buhok, pang sagala sa totoo lang. Hindi ko na lang ininda 'yong sinabi no'ng nagdaan, hindi rin naman pinansin no'ng kasama ko na tulog na tulog. Lahat sila, maliban sa'kin at kay Jade ay natutulog. Mabuti na lang mataas ang sandalan dito sa shed kaya sandal kung sandal sila.


"Hindi ka ba nagugutom?" mahinang tanong ni Jade sa'kin.


Umiling ako sa tanong nito, "Hindi naman. Nagugutom ka na ba?" tanong ko pabalik dito.


"Hindi pa naman, pero inaantok na rin ko."

"Matulog ka na, huwag kang mag-alala babantayan ko kayo," natatawa pa ko habang sinasabi 'yong huli.


Isinandal ni Jade ang ulo niya sa balikat ko, "Girl, sabi ko matulog ka. Wala akong sinabing higaan mo ko."


Umayos ito nang pagkakaupo, isinandal nito ang sarili sa may sandalan ng shed. At doon na sinubukang matulog. Buti na lang at hindi nakipagtalo pa sa huli kong sinabi. Dahil sa naging pag-uusap namin, nawala nang tuluyan ang antok. Inilabas ko na lang ang phone ko at nag-facebook.


Natingin ako sa orasan ko, mag-aala-syete na at mas lalo pang dumadami ang mga nakapila. Iyong iba, doon na sa hallway ng katapat na building nitong shed pinapila.


Natigil ako sa ginagawa ko nang may isang aninong tumayo sa harapan ko, nag-angat ang tingin ko rito. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino 'tong nakaputing v-neck shirt at gray cap, si Sir Van. Bumaba ang tingin ko sa dala nito sa magkabilang kamay nito, bumalik muli ang tingin ko rito.


Naupo ito sa harapan ko kayang bumaba ang tingin ko rito. "Breakfast," mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko.


Inabot nito sa'kin ang paper bag na may mga sandwich sa loob, nakita ko rin ang laman no'ng isa niya pang hawak na puro inumin.


"Paano mo nalaman na nandito kami?" medyo namamaos kong sabi. Hindi ko masabi kung dahil ba sa pagod at puyat ako, o dahil sa kakasigaw namin kahapon.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now