Chapter 37

474 48 1
                                    


Season 2 – Chapter 37


Hinihingal na napaupo ako sa may damuhan. Akala ko, 'yong mga activities na gagawin namin dito ay puro spiritual activities katulad no'ng high school, mali pala ko. Puro physical activities. Katatapos ko lang magparticipate sa obstacle course na sinalihan ko.


Pinaghalo ang lahat ng seniors sa Elementary Education, Secondary Education, at tsaka Educational Management. Matapos noon ay tsaka kami grinupo base sa activity na gagawin. Napadpad ako sa obstacle team—magkakabukod kaming magkakaibigan. Natapos na ang turn naming elementary education sa grupo kaya kahit papano ay makakapagpahinga na kami.


Naipaypay ko sa sarili kong mukha ang kamay ko. Pakiramdam ko napaka init ng mukha ko. Kailangan ko ng tubig. Nilibot ko ang paningin ko at hinanap ang water station na sinabi ng camp master na nakakalat lang sa buong paligid.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko ng makita ko kung nasaan ito. Parikamdam ko matutuyuan na ko kapag hindi pa ko nakainom. Mabilis naman akong nakakuha ng tubig pagkalapit ko rito.


Nagulat ako ng biglang may magpatong ng bimpo sa ulo ko. Napahawak ako rito at nakapa ko ang isang kamay. Pinilit kong igalaw ang ulo ko para tignan kung sino ito.


"Sir Van?"


Naramdaman ko ang pagkawala ng kamay niya sa pagkakahawak ko. Pinanuod ko kung paano nito binasa ang isa pang bimpong hawak niya. Napapikit ako bigla ng idinikit niya ito sa mukha ko. Pakiramdam ko isa kong takuring naglalabas ng usok pagkadampi nito sa mukha ko. Para bang 'yong init ng ulo ko biglang lumabas. Napaatras ako rito.


"Your cheeks are rosy," muli nitong dinampi sa'kin 'yong hawak niya. Hindi tulad kanina na sa buong mukha ko ito dinikit, ngayon sa may pisngi ko na lang.


"Puro ba ganito 'yong mga gagawing activities? Hindi kaya ng katawan ko 'yong ganito," parang batang pagrereklamo ko. Hindi kasi kami binigyan ng copy ng mga scheduled activities namin kaya wala kaming clue kung ano mga gagawin namin. Element of surprise raw, kaloka.


Halos napatingala ako ng para bang ipagduldulan nito sa pisngi ko 'yong bimpong hawak niya. "Stop complaining. Stay hydrated."


"Oo na," inubos ko na 'yong laman ng baso ko.


"You'll have one more physical activity today, then tomorrow you'll have the spiritual activity."


"May isa pa?" napabuntong hiningang sabi ko rito.


"Keep it to yourself. It's supposed to be a secret," pagkasabi no'n ay naglakad na ito papalayo sa'kin habang dala 'yong basang bimpo.


"Lhia?" napatingin ako sa tumawag sa'kin.


"Jasmin," bahagya kong inayos 'yong bimpong iniwan ni Sir Van sa ulo ko para matignan ko siya ng maayos.


"Namumula ka."


"Ah," naihawak ko ang isang kamay ko sa may pisngi. "Oo, ganito talaga ko kapag sobrang init ng katawan ko."

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now