Chapter 46

435 38 0
                                    


Season 2 – Chapter 46

Napatigil ako pagbukas ko nang pintuan ng office nila Sir. Isang hindi inaasahang eksena kasi ang naabutan ko.

"Lana, faster and close the door," napabuntong hininga ako kay kuya Jarvis. Ginawa ko ang sinabi nito, ni-lock ko pa nga ang pintuan bago ako dumireto at naupo sa may couch.

"Talagang dito ka nagpalit kuya, ha? Ni hindi mo man lang ni-lock 'yong pinto," pagbukas ko kasi saktong naka-angat na 'yong laylayan ng shirt na suot niya.

Ngayon nga, tuluyan na niyang nahubad 'yong pang-taas niya. Pasuot na siya ng jersey niya.

"Hindi ka kasi marunong kumatok, pumasok ka na lang agad," napasimangot ako sa sinabi nito. Totoo kasing nakalimutan kong kumatok at basta pumasok na lang ako.

"I know you're siblings but really? Changing into shorts in front of her?" hindi makapaniwalang tanong ni Sir Czam nang nagsimulang tanggalin ni kuya 'yong butones ng pantalon niya.

Nandito rin kasi sila Sir Czam at Sir Van. Hindi ko lang alam kung saan na nagpunta si Gee kasi wala na siya. Sabagay, kung nandito pa siya hindi magpapalit nang ganito si kuya.

"Don't mind her. Kayo ba? Hindi pa kayo magpapalit?"

"In front of your sister? No," diretsang sagot ni Sir Czam.

"Lalabas po ako pagkabihis ni kuya," nakatingin na sagot ko kay Sir Czam. Hindi ko maatim na tignan 'yong naka-cycling shorts kong kapatid sa harapan ko.

"No need. We can just use this," napatingin ako kay Sir Van at sa pinakita nito. Isang Japanese foldable divider. Wait. Mayroon pala sila niyan dito?

"You have that? Haven't notice," pareho kami nang naisip ni kuya.

"It was folded. I only use this when Czam is too noisy," inilatag ni Sir Van 'yong divider doon sa likuran ng table niya. Inalis nito ang upuan niya para magawa 'yon.

"Noisy? When?"

Isang 'do-you-really-not-know' face ang isinagot ni Sir Van kay Sir Czam.

"But I'll appreciate it if you can turn around I––Lana," napakunot noo ako sa pagtawag nitong Lana. Ayan na naman siya.

Tumalikod ako at humarap sa may direksyon ng pintuan. Para na rin makapagbihis na sila. Napatitig ako sa pintuan nang may kumatok doon.

"Lana, can you check who it is?" titignan ko sana si Sir Czam kaso naalala kong nagbibihis nga pala sila.

"Sure kayo, Sir? Nagbibihis kayo," alanganing sabi ko.

"Just don't open the door too much."

Tumayo na ko sa pagkakaupo ko at binuksan ang pinto. Tulad nang sinabi ni Sir Czam, bahagya ko lang binuksan 'yong pinto. Halos nakasilip lang ako sa labas, nasa kalahati lang nang mukha ko ang kita.

"Yes?" napababa ang tingin ko sa suot nila, sabay napatingin ako sa suot ko.

"Oh, are you our muse?" nabalik ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Baro?" naramdaman kong may dumikit sa likuran ko, pagtingala ko si kuya pala. "Hey, man!" halos matangay ako ng pintuan nang bigla 'tong binuksan nang malaki ni kuya.

"Kuya! Nagbibihis sila!" hinampas ko 'to sa braso kasi mukhang nakalimutan kung bakit maliit lang ang pagbukas ko sa pinto.

"It's fine, they're done." Hindi ako tinignan nito pero tinuro nito ang hinlalaki niya sa may likuran naming. Nang tumingin ako rito, nakita kong tapos na nga sila.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now