Chapter 40

468 43 3
                                    


Season 2 - Chapter 40


"First impression...strict at hindi basta basta namamansin." Sa totoo lang, medyo nagulat ako sa sinabi ni Anne. Akala ko sasabihin niya 'masungit' kasi kadalasan gano'n 'yong unang impresyon ng iba sa'kin.

"Ngayon, nalaman ko na may pagka-emosyonal ka. Also, ikaw 'yong strict pero hindi nang-iiwan ng kaibigan." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Message..." napatitig ako rito dahil hindi ito agad nagsalita. Bahagya rin itong nakayuko kaya hindi magtago ang mga mata namin. "Thank you for always being there for me. Especially during those times I'm in pain. I sincerely wish for your happiness."

Napangiti ako sa sinabi nito. Nagsimula na itong umusad papunta sa susunod niyang kakausapin. Napunta naman na sa harapan ko si Jade.

Ngiting ngiti ito sa'kin kaya hindi ko maiwasang matawa. Iyong itsura niya 'yong para bang may masamang balak.

"First impression...masungit, snob." Bahagya akong natawa sa sinabi nito. Ganitong first impression ang inaasahan ko.

"After knowing you...nalaman kong medyo masungit ka lang pala. At snob ka lang kapag wala ka sa mood. Mabait din naman kahit papaano." Kung kanina, bahagya lang akong natawa. Ngayon, napatawa na talaga ako nang malakas.

"Bwisit ka," sabi ko rito ng walang tinig at tanging buka lang ng bibig. Nginitian lang naman ako nito.

"Message for you..." biglang nawala ang ngiti sa mukha ko ng isang malalim na buntong hininga ang hinugot nito. Pakiramdam ko seryoso na sasabihin nito. "Okay lang na masungit ka paminsan minsan, na snob ka kapag wala sa mood. Basta...sana...huwag na ulit kitang makitang umiyak." Naramdam ako ng kurot sa puso ko.

Isa ulit itong paalala na noong naghiwalay kami ni Orlando, hindi lang ako ang nasaktan, pati na rin ang mga tao sa paligid ko. Mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa'kin. Grabe, kapag naiisip ko sila ngayon, gusto kong batukan ang sarili ko noon. Sobra kong nagpakabulag sa sakit na naramdaman ko, ni hindi ko nakita kung gaanong karaming tao ang nandoon para sa'kin.

Sa pagpito ng camp master, si Shei naman ang naupo sa harap ko. Medyo nagulat pa ako sa paghawak niya sa kaliwang pisngi ko.

"Ayos ka lang?" pagtatanong nito.

Ngumiti ako rito bago tumango tango. Inalis naman na nito ang kamay niya sa'kin at tsaka nagsimulang magsalita.

"Okay, magsimula na ko ha? Isang minuto lang tayo." Tumango tango akong muli sa sinabi nito. "First impression...tahimik lang at sobrang inosente sa mga bagay bagay." Sa totoo lang, hindi ko inaasahang ganoon ang unang impresyon niya sa'kin.

Kating kati akong tanungin kung paano ako naging 'inosente' kaso hindi naman ako makasingit sa dire diretso niyang salita.

"After talking to you...napansin ko na may rason sa pagiging tahimik mo. Sa umpisa, siguro dahil hindi pa tayo ganoon kalapit sa isa't isa. Pero kalaunan, defense mechanism mo pala kasi ang pagiging tahimik. Ayaw mong nagsasalita kapag naiinis ka. Siguro dahil ayaw mong makasabi ng masakit na salita?" sa tagal na pagiging magkaibigan namin ni Shei—simula freshmen year—ngayon ko lang narinig kung ano ako sa mga mata niya.

"Message for you...huwag mong kimkimin lahat ng saloobin mo. Baka isang araw, sumabog ka na lang. Alam kong may mga oras na gusto nating mapag-isa tayo pero kung tingin mo, bibigay ka na, hindi naman masama kung sasandal ka sa'min. Hindi ba?" isang tipid na ngiti ang isinunod nito sa sinabi niya.

Napatitig ako sa mukha nito. Pakiramdam ko napatulala ako sa kanya. Ang malakas na tunog ng pito at nagpabalik sa'kin sa ulirat. Pagtingin ko kay Shei, nakatayo na ito at pausad na sa susunod niyang kakausapin. Isang buntong hininga na lang ako nagawa ko habang nakatingin dito.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now