Chapter 55

402 28 2
                                    

Season 2 – Chapter 55

"'Cause you're worth coming back for."

Napatitig ako sa mga mata nito dahil sa sinabi niya. Iba ang dating sa'kin nang sinabi nito.

"I'm fine here. You should go now," sabi ko rito.

Sinundan ko 'to nang tingin nang maupo ito sa harapan ko, "Lhia, I'm sorry for leaving you like that, without any explanation."

"Si—"

"Is it too late to comeback now?"

Natigilan ako sa tanong nito. Hindi agad ako nakaimik dito dahil sa gulat. Hindi ko inaasahang tatanungin niya ko nang ganito.

"If..." humugot ako ng isang malalim na hininga bago tinuloy ang gusto kong sabihin. "If you said this before, I would be jumping to your arms already."

"...but?" tanong nito. Nahalata niyang may susunod pa kong gustong sabihin.

"But that was before when I still love you. I'm over you now. I'm fine even without you."

"Lhia—"

"Lana!" sabay kaming napatingin ni Sir Lan sa tumawag sa'kin—si kuya Jarvis.1

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko at napaharap sa direksyon nito, "Kuya."

Mabilis itong naglakad papunta sa kinaroonan ko. Napatitig ako sa ekpresyon nito sa mukha. 

Hindi ko maiwasang mapalunok dahil hindi ko siya magawang mabasa. Pansin ko kung paanong mula sa akin ay nalipat ang tingin nito sa taong kausap ko.

"What business do you have for my sister at this hour?" mababang tonong tanong ni kuya kay Sir Lan.

Nabaling ang tingin ko kay Sir Lan nang tumayo 'to mula sa pagkakaupo niya. "We're just talking."

"Talking about what?"

"That's none of your business."

"Really?"

"Kuya!" napahawak ako sa braso nito nang hakbangan niya ang mga pinamili naming nakalagay sa sahig at lumapit kay Sir Lan.

"The audacity to tell that to my face," halos magtama na silang dalawa sa sobrang lapit nilang makatayo sa isa't isa. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa braso nito.

"Kuya," mahinang pagtawag ko rito habang bahagyang ginalaw galaw pa ang braso nito, nagbabakasakaling umatras na ito papalayo.

"Sir, thank you for your help today. We'll go now," pagpapaalam ko rito. Gamit ang isang bakanteng kamay ko, sinimulan kong kuhanin 'yong mga pinamili namin habang nakahawak pa rin ang isa kong kamay kay kuya.

"I'll help yo—"

"You don't have to," naramdaman ko ang pagkawala ni kuya sa pagkakahawak ko sa kanya. Sa ilang saglit lang nagawa nitong kuhanin lahat nang hindi ko pa nakukuha sa sahig. "Let's go."

Gamit ang braso nito, tinulak nito ang likuran ko papalakad. Ni hindi ko na nagawa pang magpaalam nang maayos kay Sir Lan. Nasasabay sa bilis nang lakad ni kuya ang lakad ko dahil sa braso nitong nasa likuran ko. Iba rin talaga kapag matangkad at mahabang ang mga braso at binti.

Mabilis kaming nakarating sa may sasakyan nito. Matapos niyang ilagay sa may likuran ang mga dala niya, kinuha niya ang mga hawak ko at inilagay ito kasama ng mga dala niya.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now