Chapter 58

417 33 0
                                    


Season 2 – Chapter 58


'Ready Spaghetti'


Pinanuod ko ang blueprint video para sa lalaruin namin. Gamit ang pasta spaghetti at tatlong basyo ng tin can, gagawa kami ng mini pyramid. Akala ko, marami kaming maglalaro pero ang nangyari dalawang pares lang kami—team Van at team Czam. Naging 'special game' siya dahil sila Sir ang maglalaro.


May isang armed chair sa pagitan namin ni Sir Czam, gano'n din sa kabilang team. Nasa ibabaw ng desk 'yong mga tin can, habang nasa may upuan mismo 'yong paper plate na may lamang mga pasta. Napansin kong pinutol nila 'to sa dalawa para maging maiksi. May isa pang upuan malapit sa may board na siyang pagpapatungan namin at pagbubuuan ng mini pyramid.


Nang matapos ang video, nagsalita lang saglit ang president namin. "Again, within sixty seconds the first team to make a mini pyramid that will stand for three seconds, wins! Ready?"


"Ready!" sigaw nang magkabilang team habang pare parehong nakataas ang mga kamay namin.


"In 3...2...1...go!"


Halos sabay pa kami ni Sir Czam kumuha no'ng pasta pero mas nauna ako dahil mas malapit 'to sa'kin. Sinubo ko 'yong kabilang side a tsaka 'to isinulot sa butas ng pinaka bukasan ng tin can. Medyo nahirapan ako dahil sa baba nang pinagpapatungan nito. Pagkasuot ko rito, tsaka sinubo ni Sir 'yong kabilang side.


Dahan dahan naming iniangat ang lata at tsaka halos magkasabay lumakad nang patagilid. Hindi gano'n kabilis ang paglakad namin para iwasang maputol ang pasta at umulit ulit sa umpisa. Nang marating namin ang kabilang upuan, dahan dahan naming binaba ang lata. Sumenyas ako kay Sir Czam na ako na ang bibitaw sa pasta, nag-okay sign naman ito sa'kin. Nang maayos naming mailagay ang lata, halos patakbo kaming bumalik sa una naming pinanggalingan.


Inulit lang ulit namin ang unang proseso. Madali naming nakuha ang tin can, ang nahihirapan kami ay 'yong pagtayo. Dahil mas matangkad si Sir, nag-aadjust 'to sa'kin. Sadya niyang binababa ang sarili niya para hindi maalangan ang dala namin. Papalapit na kami sa kabilang upuan nang bahagyang napaangat si Sir Czam, dahil dito naputol 'yong pasta.


Sabay kaming napatingin sa pagkahulog nito sa sahig kaya naman hindi naiwasang magtama ang mga noo namin. Bahagya kong nakunot ang noo ko habang inaalis sa bibig ko ang naputol na pasta. Dahil sa Sir na ang pumulot no'ng nahulog, tumakbo na lang ako pabalik sa pinanggalingan namin. Agad din namang nakabalik si Sir Czam. Habang kumukuha ako nang panibagong pasta, naramdaman ko ang paghimas ni Sir sa noo ko. Siguro nag-alala sa pagkakauntugan namin kanina. Nginitian ko na lang 'to bago isinubo 'yong kakakuha ko lang na pasta. Pagakaalis nito ng kamay niya sa noo ko, mabilis bumabas para isulot ang nasa bibig ko sab utas sa may tin can.


Agad na sinalubong ni Sir ang kabilang dulo ng pasta. Muli, nagsimula kaming maglakad papunta sa kabilang upuan. Maayos naman namin itong naligay sa katabi no'ng isa. Isa na lang ang natitira, ang kailangan naming ipatong sa pagitan ng dalawang nailagay na namin. Habang pabalik kami sa pinanggalingan namin, hindi ko naiwasang tignan ang lagay nang kabilang team. Kasalukuyan silang naglalagay ng pangalawa nilang tin can.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now