Chapter 26

507 49 0
                                    

 
Season 2 - Chapter 26
      
   
   
Kinabukasan, nakapasok na ko sa school. Medyo nakonsensya pa nga ako kasi nagpasuyo pa si Nanay sa kay tita ng medical certificate para may ipakita ako sa mga prof ko. Pinalagay niya na may allergic reaction ako kahit na namumugto lang talaga ang mga mata ko kakaiyak.
 
 
"Ano'ng oras uwi mo?"
  
 
Tinignan ko si kuya Travis pagkatanggal ko ng seatbelt. "Mamayang 5PM."
  
  
Tumango lang ito sa'kin, nang hindi na ito sumagot pa ay bumaba na ko. Tinotoo nilang hatid sundo nila ko sa school. Tingin ko alam na ni kuya Jarvis na mas pipiliin kong pumasok kaysa mag-drop sa school. Kaya niya siguro kinausap si kuya Trav sa paghatid sundo sa'kin ay para makasigurado siyang papasok ako sa oras. Hindi ko alam kung paano pero nagulat ako nang alam ni kuya Jar ang class schedule namin.
  
  
Hindi naman na ko nagtanong kung paano niya nalaman. Pati na rin kung hanggang kailan magiging ganito ang sistema namin. Alam ko naman na kahit nakakapag-usap kami ng maayos, 'yong disappointment niya nandoon pa rin. Alam ko rin na may trust issues na siya sa'kin dahil sa hindi ko pagpasok ng maayos nitong nakakaraan.
  
  
"Lhia," napalingon ako sa may likod ko nang marinig ko ang pagtawag sa'kin.
   
  
"Jade?"
  
  
"Bakit naman ganyang reaskyon mo sa'kin? Para kang gulat."
  
  
Napatingin ako sa may orasan ng phone na nasa bulsa ng blouse ko bago sumagot dito. "Ang aga mo?" Hindi makapaniwalang sabi ko rito.
   
   
"Hindi ko alam kung matatawa ba ko o dapat akong mainsulto d'yan sa reaksyon mo. Nakakapasok naman ako ng maaga paminsan minsan."
  
  
Hindi ko napigilan ang bahagyang matawa sa sinabi nito. "Bakit kaya kasi ganito reaksyon ko, 'no?" Inakbayan ko pa ito habang sinasabi 'yon.
  
  
"Oo na!"
   
   
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakaakbay pa rin ako rito.
  
  
"Lhia?"
   
  
"Hmm?"
   
  
"Okay ka lang?"
   
  
Tinignan ko ito, ngayong nakatitig ako rito naalala ang mga naging aksyong pinakita ko sa kanila. Wala akong sinabi sa kanila ni isa simula no'ng naghiwalay kami ni Orlando pero hindi sila nagtanong. Hindi ako pumasok sa Foreign Language namin ng napaka tagal, pinagsabihan nila ko pero hindi nila ko pinabayaan. Taken for granted. Ganyan ang naging trato ko sa kanila nitong mga nakakaraan pero pinagtiyagaan nila ako, ang naging ugali ko.
   
   
Inilapit ko sa'kin ang si Jada gamit ang braso kong nakaakbay sa kanya. "Oo, mas okay na ko. Medyo natauhan na ko sa mga kalokohan ko."
   
  
"Hindi ka na magda-drop?" Bakas ang pag-asa sa itsura nito.
   
   
"Oo," naisipan kong magkwento sa kanya ng kaunti habang papaakyat kami. Kaunti lang muna, unfair naman do'n sa dalawa. "Nalaman ni kuya 'yong balak kong mag-drop. Kinausap niya ko at binigyan niya ko ng dalawang pagpipiliin. Una, papasok sa lahat ng subject. Pangalawa, mag-drop sa school."
   
   
"Sa school? As in mag-quit ba ibig niyang sabihin?" Halata ang gulat sa itsura niya.
   
   
Tumango ako rito, "Oo. Syempre nauwi ako sa unang pagpipilian. Ayoko kayang iwan kayo." Nginitian ko pa nang napaka tamis si Jade.
   
 
"Totoo ba 'yan?" May pagdududa sa mukha nito.
   
  
"Oo nga. Apat na taon na tayong magkakasama tapos iiwan ko lang kayo dahil sa lalaki? Maling mali," napailing pa ko sa sarili ko.
   
   
"So, papasok ka na next week sa klase niya?"
   
  
Naintindihan ko agad kung sino ang tinutukoy niya. Isang klase lang naman ang hindi ko pinapasukan. Tumango ako sa kanya.
   
   
"Oo, tama na 'yong pagtakas sa katotohanan." Napatingin ako rito nang maramdaman ko ang pag-akbay din nito sa'kin.
   
 
Bakit ba ko masyadong nabulag? Bakit hindi ko nakita ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa'kin? Masyadong natuon ang atensyon ko sa iisang tao. Oo, mahal ko siya pero mahal ko rin naman ang pamilya't mga kaibigan ko. Masyado akong nabulag sa sakit nakalimutan ko nang lumingon sa paligid ko.
  
    
    
Lumipas ang mga araw, kumpara noon bago pa ko harapin ni kuya Jar, pansin kong mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na rin ako madalas umiyak kapag gabi. Nalulungkot pa rin, may kirot pa rin, pero kahit papaano masasabi kong hindi na kasing lala tulad noon.
   
   
Hanggang sa dumating na ang araw ng Miyerkules. Kinakabahan ako habang nasa daan kami. Si kuya Jarvis ang kasama ko ngayon, siya ang maghahatid sa'kin.
   
   
"Huwag kang matense." Napatingin ako sa kanya.
 
  
Ilang segundo akong nakatitig sa kanya bago nagsalita, "Kuya."
  
  
"Hmm?"
   
  
"Natatae ako," bigla naman itong natawa sa sinabi ko at napatingin sa'kin.
  
   
"Lana!" Natatawang pagtawag nito sa'kin. Napanguso lang ako rito. Napailing ito sa sinabi ko. "You're doing great."
   
  
"Ha?" Hindi ko naintindihan ang gusto nitong sabihin.
  
  
"Nothing."
   
   
Akala ko, ibababa lang niya ko sa labas ng gate tulad ni kuya Trav pero dumiretso 'to sa loob ng uni. Pag-graduate ko makakuha nga ng alumni ID, maganda pakinabang 'e.
   
   
Pumarada sa may tapat ng building namin si kuya. Hindi naman ito illegal parking kasi parking space naman talaga ang harap ng mga building dito. Hindi ko naiwasang magtaka at mapatanong nang mapansin kong nagtanggal ng seatbelt si kuya.
   
   
"Saan ka pupunta?"
   
  
"Sasamahan ka," nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
      
   
"Hanggang sa loob ng building?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito.
  
  
Tinanguan ako nito, "Oo. Let's go." Wala akong ibang nasabi pa, napasunod na lang ako rito pagbaba niya ng sasakyan. Dire diretso siya papunta sa loob ng building namin.
  
   
Nagtataka naman ako kung paanong alam na alam niya kung saan siya pupunta. Para bang alam niya kung saan ang room namin ngayon. Ano'ng klaseng source ba mayroon 'to at nalaman niya ang mga ganitong detalye? Hindi ko pa siya natatanong tungkol dito.
   
   
Napahinto ako nang mapahinto ito sa tapat ng classroom namin. Napansin ko ang pagbabago sa tayo nito at pati na rin sa ekspresyon nito sa mukha. Tumabi ako rito at mula sa pwesto nito ay kitang kita ang nakaupong si Orlando sa may teacher's table.
   
 
Bigla akong napaiwas ng tingin nang gumalaw ang ulo nito paharap sa direksyon namin. Hindi ko naiwasang hindi mapakapit sa laylayn ng damit ni kuya.
  
  
Humakbang paabante si kuya habang ako nanatili lang sa pwesto ko at hatak pa rin ang laylayan ng damit niya. Narinig ko ang pagkatok niya sa bukas na pintuan.
   
  
"Excuse me, Mr. Instructor. May I have a word with you, please?" Mabilis akong napalingon dito. Kakausapin niya?
   
  
Hinatak hatak ko ang laylayan nito ng damit. Hinawakan niya lang ang kamay kong nakakapit sa kanya. Hindi niya ko nilingon pero nagsalita siya. "You go inside already. I'll take care of this."
  
   
"Kuya," lalong humigpit ang kapit ko rito pero mas hinigpitan din niya ang hawak niya sa kamay ko.
   
  
"Yes? How may I help you?" Hindi ko napigilang mapasinghap nang marinig ko ang malapit na boses ni Orlando.
  
   
"Please let my sister go inside first."
  
  
"Kuya..."
  
  
"...please go inside now, Ms. Velasco." Napatingin ako sa direksyon ni Orlando pero hindi ko ito tinignan ng direkta sa mukha. Nakatingin ako sa may damit nito.
  
 
Nabaling ang tingin ko kay kuya Jarvis nang marahan at paulit ulit niyang pinisil ang kamay ko. "Go. Si kuya ang bahala sa'yo." Hindi pa rin ako nito nililingon. Direkta lang itong nakatingin kay Orlando.
   
  
Napabuntong hininga na lang ako at walang ibang nagawa kundi ang pumasok na sa loob. Halos idikit ko pa ang sarili ko sa may door frame para lang hindi ko tamaan si Orlando. Dadalawa pa lang ang kaklase ko sa loob. Dahil na rin sa aga nang pagpasok ko. Hindi ko pinansin ang mga gulat nitong ekspresyon pagkakita sa'kin. Naupo na lang ako agad.
  
  
Tinignan ko sila kuya at Orlando, bigla akong napatayo ng mawala sila sa pinag-iwanan ko sa kanila kanina. Nilibot ko ang tingin ko sa may labas ng bintana pero hindi ko sila makita. Nasaan na ang mga 'yon? Bakit bigla na lang silang nawala? Siguro naman...walang gulong magaganap, hindi ba? Please, 'wag naman sana.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now