Chapter 20

672 55 1
                                    


[Season Finale]

Pasimple kaming nagtitinginang magkakaibigan. Hindi namin malaman kung aalis na lang ba kami ng classroom o magpatay malisya na lang kami. Kanina pa kasi iyak ng iyak 'yong kaklase namin, nando'n naman mga kaibigan niya para patahanin siya kaya wala na sa'ming nakikisawsaw pa.

Dahil nakapag-final exams na kami sa subject na 'to, hindi na kami pinuntahan pa ng prof namin. Nanatili na lang ang karamihan sa'min sa room dahil tatlong oras din ang subject na 'to. Masyado pa rin kasing maaga para gumala kaya nandito halos lahat sa'min.

"Uy, tubig 'o. Kanina ka pa iyak ng iyak d'yan." Pasimple kong tinignan 'yong class president namin nang abutan niya ng bote ng tubig 'yong kaklase naming umiiyak.

"Ano ba kasi nangyari sa'yo?" Para kong chismosa na nakaabang sa isasagot ng kaklase namin.

Hindi ito nakasagot agad dahil sa mga paghikbi nito. Ilang saglit pa muna bago ito nakasagot.

"Nakipag-break na siya sa'kin," pagkasabi no'n ay napahagulgol muli ito ng iyak.

Dahan dahan kong inalis ang tingin ko sa kanila. Nakakaawa naman kasi siya. Karaniwang tahimik lang sa klase tapos ngayon, iyak ng iyak. Halos walang ingay ding ginagawa ang mga kaklase namin. Sigurado ko, 'yong iba sa kanila pinakikinggan din 'yong pag-uusap.

"Sabi na 'e."

"Ha?" Nagtataka kong napatingin kay Shei.

Nakapaikot ang mga arm chair naming apat kaya magkakarap kami. Pasimple nitong kinaway ang phone niya. Naintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin kaya kinuha ko ang phone ko at nag-abang ng text niya.

From: Shei

Nahulaan ko nang maghihiwalay sila. Kasi binigyan siya ng kwintas ng bf niya e.

Sabi kasi nila, kapag daw naka receive ka kwintas sa bf mo magbebreak kyo

Napakunot noo ako sa tinext nito bago ko siya tinignan.

"Saan mo naman narinig 'yon?" Halos pabulong na tanong patungkol doon sa parang bad omen tungkol sa kwintas.

"Basta may nakapagsabi lang," sagot sa'kin ni Shei.

Halos lahat kami ay sabay sabay napatingin ng may malakas na katok ang nagmula sa direksyon ng pintuan. Bumukas ito at pumasok ang isang education student din pero hindi namin ka-major. Dadalawa lang section ng pre-school kaya halos magkakakilala kami.

Napatingin 'to sa direksyon ng kaklase naming umiiyak, "Ay, bakit umiiyak?"

Aba't naki-chismis pa talaga.

"Bakit ka nandito Ivon?" Tanong ng president namin sa chismosang ito, isa nga pala siyang kapederasyon.

"Susunduin ko kasi si Jasmin, may practice ng cotillion," hinanap nito si Jasmin at nang makita niya ito ay agad niya itong inaya. "Halika na, girlalu. Ikaw na lang kulang."

Agad naman lumapit sa kanya ang pinunta niya at sa sabay silang lumabas ng classroom.

Pagkatapos no'n halos naging normal na ulit sa classroom. Nakatulog na kasi kakaiyak 'yong kaklase namin, hinayaan na lang ng mga kaibigan niya kasi matagal pa naman susunod naming subject. Bukod sa tatlong oras na subject na 'to, may isang oras pa kaming vacant na kasunod nito.

Napatingin ako sa phone kong nakapatong sa desk ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito.

From: Sir Van 👨‍🏫

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now