Chapter 36

480 49 5
                                    


Season 2 – Chapter 36


Naglalakad lakad kami rito sa may loob ng commercial building. Natapos na namin ang pamimili. Akala ko naman napakadami ng mga biblhin, iilang pack lang pala ng snacks at ilang kilo ng karne, pandagdag lang talaga ng stocks. Bakit ba naman kasi hindi kumpleto 'yong binili nila?


Pasimple kong sinilip ang taong naglalakad sa may kaliwa ko, halos sa likod ko na. nasa kanya kasi lahat ng pinamili namin. Iisang plastic bag lang dala ko, 'yong pinaka magaan pa. Halos masubsob ako ng biglang may nakatapak sa dulo ng sandals ko. Mabuti na lang at may kamay na humawak sa braso ko. Napigilan nito ang pag-dive ko sa sahig.


"Sorry," napatingin ako sa nagsalita at siya ring nakahawak sa braso ko. Si Sir Van pala. Napatingin ako sa kaliwang kamay niya na may dala ng lahat ng pinamili naming. Ang bilis niyang nailipat lahat ng dala niya sa kamay na 'yon.


"Ayos lang po," sagot ko rito nang makatayo na ko ng maayos.


Napatingin ako sa sandals ko nang pakiramdam ko parang lumuwag ito bigla. Nanlaki ang mga mata ko at kulang na lang ilapit ko ang mukha ko sa may paanan ko para lang matitigan ng maigi ang suot kong sandals. Sira na! Pigtas!


Dahan dahan kong inangat ang tingin ko para tignan si Sir Van. Nakita kong nakatingin din siya sa may baba, sa may sandals ko. Bago pa man ako makapagsalita ay inalalayan na ako agad nito papunta sa kung saan. Ngayon ko lang na-realize na nakakapit pa pala ito sa may braso ko.


"Sir?" Patanong na tawag ko rito pero hindi ako nito pinansin. Ilang saglit pa nakarating kami dito sa may hagdan. Nasa may gilid ang staircase at halos hindi mo mapapansin.


Inalalayan ako nitong maupo sa may staircase. Wala na kong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kilos nito. Pagkaupo ko agad nitong pinatong sa may lap ko 'yong malaki niyang hand towel.


Napatingin ako rito at sakto namang nakatingin din ito sa akin, "Stay here. Wait for me."


"Ha? Saan kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko at akmang tatayo sana. Syempre ayokong maiwan! Mawawalan ako nang kasama sa lugar na hindi ako pamilyar!


Patayo pa lang ako pinigilan na ako agad nito sabay sabi pa nang, "Sit. Don't move. Wait for me."


Inilapag nito sa may gilid ko 'yong mga hawak niya. Umalis din ito agad pagkatapos no'n. Wala na kong nagawa pa kundi ang maghintay at magbantay ng mga pinamili namin.


Sila Anne kaya, tapos nang mamili? Kanina, bago kami maghiwa hiwalay, napagkasunduan naming magkita kita sa may main exit ng building kapag tapos na kami mamili.


Napatingin ako sa may kanan ko nang makarinig ako nang pamilyar na boses. Parang boses ni Anne 'yong narinig ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Dahan dahan akong naglakad habang hindi inaangat ang kaliwang paa ko. Pinuntahan ko ang direksyon na pinanggalingan nang boses. Napahinto ako nang makalapit na ko, walang tao. Guni guni ko lang ba 'yon?


Nagsimula na kong maglakad pabalik sa pwesto ko. Saktong pagkaupo ko, nakita ko nang papalapit sa'kin si Sir Van. Ang hawak nitong supot ang una kong napansin. May nakalimutan ba kaming bilhin? Kinapa ko sa bulsa ko 'yong listahan ng mga pinamili namin. Alam ko wala kaming nakaligtaan. Nagawa pa nga naming manghiram ng ballpen sa mga nag-aayos ng stock sa supermarket para ma-check namin 'yong mga nasa listahan.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now