Chapter 12

807 57 3
                                    


Featured Character (photo):
Czammnel Sho


     

"Didn't you miss me? Why won't you guys join us?" Kung pwede ko lang sagutin 'yong tanong ni Orlando, ginawa ko na. Kaso masasabi ko bang, "They don't want to join us because they're pushing us together." sa kanya?

"Next time, for now just go with Lhia. She missed you the most," gulat na tinignan ko si Jade. Adik ba 'to?

"Just enjoy your date," pinandilatan ko ng mata si Anne. 'Tong mga kaibigan ko na 'to sarap ingudngod. Halatang pinagtitripan ako!

Pagkalabas ko kanina sinenyasan ni Orlando 'yong tatlo na lumabas din. At paglabas nga nila inaya kami ni Orlando na kumain, kung free time naman daw namin, libre raw niya. Pero itong tatlo may iba yatang plano at tumatanggi sa libre!

Hindi ko naman sinasabing mahilig sila o kami sa libre. Hindi gano'n pero alam niyo 'yong feeling na parang pinagtutulungan ka on something. 'Yong feeling na parang may kalokohang binabalak ang mga kaibigan mo. At sa case nga na 'to, pinagtutulungan nila ko kay Orlando, para kaming dalawa lang ang kumain outside University.

"Go ahead! Bye!" At talagang halatang pinagtutulakan na kami nitong tatlo. "Ay, wait!" Nagtatakang sinundan namin ng tingin si Shei. Pumasok kasi ulit 'to sa loob ng room. Kinuha nito ang bag ko?

Ah, oo nga pala, nasa loob pa 'yong gamit ko.

"Hers?" Tanong ni Orlando kay Shei kaya tumango 'to. Kukunin ko na sana 'yong bag ko rito pero inunahan ako ni Orlando.

"Thank you, we'll go now," pagpapasalamat nito kay Shei at hinawakan ko sa wrist ko.

"Bye," mabilis na pagkaway ang ginawa ko bago ko mahatak palayo ni Orlando.

Halos hindi ko na nakita 'yong mga reaksyon nila. Mahirap na at baka masubsob pa ko kung hindi ako titingin sa lalakaran ko.

Habang naglalakad kami palabas ng building namin at palabas na rin ng University, pansin kong napapatingin sa'min 'yong mga nadadaanan naming estudyante. Hindi naman alien kasama ko, may mga Korean students din dito pero 'yong mga tingin nila 'e. Idagdag pa 'yong may narinig ako sa nadaanan namin na:

"Koreano, sosyal ng boyfriend ni ate."

"Ano'ng gayuma kaya ginawa niya?"

Gayuma? Kapag may kasamang taga ibang nation ginayuma agad? Boyfriend agad? Hindi pwedeng kaibigan lang? Mga tao nga naman!

Napatingin ako sa wrist ko ng parang may bumitaw. Shoot. Nakahawak nga pala si Orlando sa wrist ko kanina pa. Baka iyon ang dahilan kung bakit napagkamalang boyfriend ko. Naku naman!

Napatingin ako rito no'ng suotin nito 'yong back bag ko. Aakalain mong bag niya talaga 'yon, 'yong style kasi ng bag ko pwedeng pang lalaki at pwede ring pang babae. Ina-arbor pa nga 'yan no'ng dalawa kong kapatid, mga kuripot, ayaw magsibili ng gamit may mga pera naman.

At dahil hindi na siya nakahawak sa'kin, medyo dumistansya ako sa kanya. Halis nagkakabungguan na kasi kami habang naglalakad.

"Why?" Nagtatakang tumingin ako rito.

"What?" Naguguluhang tanong ko rito.

"Come closer," hinawakan ulit nito ang wrist ko at tsaka ko nilapit ng kaunti sa kanya.

Something is weird. Dati naman wala lang sa'kin kung may kaunting skinship sa'min, pero ngayon para naiilang ako. Siguro dahil ilang buwan din kaming hindi nagkita? O baka naman dahil na rin sa mga taong nakakaconscious kung tumingin? Baka nga. Siguro nga gano'n.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now