Chapter 54

461 32 1
                                    

Season 2 – Chapter 54


Napaunat ako nang katawan nang matapos kong linisin ang kwarto ko. Dahil walang pasok ngayon, sinamantala ko ang pagkakataon para bawasan ang mga kalat dito. Hindi naman ako nagtapon nang kahit ano'ng papel kasi baka bigla kong kailanganin, pero inayos ko 'yong mga libro at learning materials na mayroon ako.


Ngayong masaya na ko sa pagkakaayos ko ng mga gamit ko mula SMU, tinignan ko naman ang isa sa mga personal na gamit ko. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa'kin pagtama pa lang ng mga mata ko rito. Sa totoo lang, nakalimutan ko nang nandito pa nga pala sa kwarto ko ang malaking teddy bear na 'to. (see Ch. 19.1 – Special Chapter)


Nilapitan ko 'to at naupo sa harapan nito. Ilang segundo, minuto ko itong tinitigan. Hindi ko na matadaan kung kailan ko 'to huling nakita at nahawakan ko. Dahan dahan kong hinawakan ang teddy bear na 'to sa may paa nito. Pinisil pisil ko pa 'to, unti unting umakyat ang hawak ko papunta sa malaki nito tiyan, hanggang sa malaking ribbon sa may leeg nito. Nang mahawakan ko ang ribbon nito, napatigil ako nang may makapa ako mula rito. Inilapit ko ang mukha ko para makita 'to. Natigilan ako nang matitigan ko kung ano 'to—'yong kwintas. (see Ch. 20)


Muli, isang malalim na buntong hininga ang lumabas mula sa'kin. Naalala ko bigla kung paano niya binigay sa'kin 'to noong gabi ng CAPERS namin. Nagawa kong pumuslit palabas ng hall para lang makita si Orlando. Nakipagsayaw ako sa labas kasama 'to. Para talaga kaming may sariling mundo ng mga panahong 'yon.


'I love you.'


Napahawak ako sa may noo ko nang sumagi sa isipan ko kung paano niya hinalikan ang noo ko noon, matapos niyang sabihin sa'kin 'yon. Grabe, sa loob ng ilang buwan ang sobrang daming nangyari sa pagitan namin. Daming sweet at kilig moments, daming kain sa labas, hanggang sa naging official kami sa Founder's week last year, hanggang sa nauwi kami sa break up. Napailing na lang ako nang maalala ko kung paano akong parang mabaliw baliw sa sakit noon, umabot pa sa punto na muntik ko nang i-drop subject niya.


Napahawak ako nang mahigpit sa pendant na nasa kwintas. "Sobrang mahal kita..."


Hindi ko inaalis ang tingin ko sa may pendant na hawak ko, "...noon."


Bahagya akong napangiti sa sarili ko, "Noon..." pag-uulit ko sa huling salitang sinabi ko.


"Pero hindi na ngayon," dahan dahan kong pinakawalan sa pagkakahawak ko ang pendant nito.


Tumayo na ko mula sa pagkakaupo ko, niyakap ko ang malaking teddy bear na 'to tsaka 'to binuhat. Inilagay ko 'to sa may tabi ng study table ko, napapagitnaan na 'to ngayon ng study table at mini bookshelf ko. Wala na kong rason para itago pa 'to sa pinaka sulok na parte ng kwarto ko, wala rin naman ako rason para itapon 'to. Kung tutuusin kasi, parte na 'to nang pagkatao ko.


Biglang nabaling ang tingin ko sa may table ko nang marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone kong nakapatong dito. Kinuha ko 'to at tinignan kung sino ba 'yong nag-message.


Hindi ko pa man nabubuksan nang tuluyan ang phone ko, nabasa ko na mula sa may lock screen kung tungkol saan ang text na nakuha ko. Galing ang text kay Jade, at sinagot nito ang tanong ko sa kanila kanina. Ipinagtanong ko kasi sa mga kaibigan ko kung kilala ba nila 'yong unknown number na nagtext sa'kin. Kilala nga nila, kilala namin.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now