Chapter 22

489 47 0
                                    


Season 2 - Chapter 22

Iminulat ko ang mga mata ko. Para bang napakabigat ng mga talukap nito. Muli akong napapikit bago ko muling sinubukan ang mga ito.

Napatingin ako sa paligid ko, nasa kwarto ko ako. May kadiliman at tanging liwanag lang mula sa bintana ang nagsisilbing ilaw pero nakakasigurado ako kung nasaan ako.

Saglit naging blangko ang pag-iisip ko. May nangyari ba? Pakiramdam ko may nangyari. Hindi ko lang maalala kung ano.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ano bang nangyari?

"My name is Jae Shin Lee. You can just call me Sir Lan. I'll be your Instructor..."

Mabilis kong iminulat ang mga mata ko at napabalikwas agad ako ng bangon. Habol habol ang hininga kong napahawak sa dibdib ko.

Ano 'yon? Panaginip ba 'yon?

Pilit kong kinalma ang sarili ko bago ako umalis sa kama ko. Naisipan kong kumuha muna ng tubig para mahimasmasan ako. Hindi na ko nag-abalang buksan ang ilaw sa kwarto ko at dumiretso na ko agad sa labas. Dahil sa liwanag na dala ng buwan, hindi naging mahirap para sa'kin ang makapunta sa kusina. Kumuha lang ako ng isang baso ng tubig.

Pabalik na ko sa kwarto ko ng masilaw ako sa biglang pagbukas ng ilaw sa kusina. Napakurap kurap ako dahil sa sakit na dala ng biglaang pagliwanag ng paligid.

"Lana?" Ilang beses pa ko napakurap kurap bago ako nakatingin nang maayos kay kuya Jarvis. Mabilis itong nakapunta sa harapan ko. "Kumusta? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba? May kailangan ka ba?"

Bahagya akong umiling dito, "Nauhaw lang ako kuya."

"Hindi ka ba nagugutom? Hindi ka nakapag tanghalian, hindi ka rin nakapag hapunan."

"Bakit? Ano'ng oras na ba?" Nagtatakang tanong ko rito. Hindi ako nakapag tanghalian at hapunan?

Napahawak ako sa may lalamunan ko. Kakainom ko lang naman ng tubig pero parang nanunuyo ito. Agad akong tumalikod at binuksan ang ref para kumuha ulit ng tubig pero mabilis na inagaw ni kuya ang hawak kong bote ng tubig.

Napatingin ako rito, "Tama na kakatubig mo. Maupo ka, ipaghahain kita."

Hindi na ko nakipagtalo pa at naupo na lang ako. Pinanuod ko lang ito habang may kung ano'ng hinahanda para sa'kin.

Napamasahe ako sa mga mata. Gising na gising na ang diwa ko pera napasakit at bigat pa rin ng mga mata ko.

"Bakit ka umiiyak?" Napatigil ako sa pagmasahe sa mga mata ko at napatingin kay kuya. Nilapag nito sa harapan ko isang platitong may dalawang taklob ng tinapay, at isang baso ng tubig. Akala ko naman kanin at ulam ang ibibigay nito sa'kin.

"Hindi ako umiiyak. Masakit kasi ang mga mata ko."

Agad kong kinuha ang isang tinapay at kinain ito. Ewan ko ba at bigla na lang akong nakaramdam ng gutom.

"Bakit namumugto mga mata mo?" Natigilan ako sa sinabi nito. Namumugto? Kaya ba ang bigat ng mga mata ko? "Bakit bigla kang nag-hyperventilate kanina?"

"Ha?" Bigla akong naguluhan sa mga pinagsasabi ni kuya Jarvis. "Hindi ko maintindihan, kuya. Ano ba sinasabi?" Hindi ko na napigilan ang pagkunot ng noo ko.

Hindi ito sumagot at tinitigan lang ako. "Kuya?"

"Hindi mo ba tanda ang nangyari sa'yo kanina?"

Saglit akong napaisip sa sinabi nito. Unang araw namin ngayon as college seniors. Pumasok ako sa university tapos...teka, ano nga ulit nangyari pagpasok ko? Ang tanda ko pumasok si Ma'am Reyes sa room namin tapos no'n...napahawak ako sa ulo ko gamit ang libreng kamay ko. Bakit hindi ko matandaan ang kasunod na nangyari?

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now