Chapter 70

706 21 2
                                    

❗THIS CHAPTER IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18 YEARS OLD❗


Season 2 – Chapter 70

**Three Years Later...


"Smile, kids! Another one! Wacky! Okay!" nagkulasan kami nang itaas ng school photographer ang 'okay' sign. Inalalayan namin ng mga kasama ko ang mga bata pababa, papunta sa mga magulang nila.


"Teacher Lhia!" napatingin ako sa magulang na lumapit sa'kin habang inaalalayan ang huling batang malapit sa'kin.


"Yes po?" nakangiting bati ko rito.


"Happy graduation, teacher!" nagulat ako nang iabot nito sa'kin ang paper bag na hawak niya. Paano niya nalaman? Hindi na ko nakatanggi kaya naman nagpasalamat na lang ako rito.


"Salamat po, nag-abala pa kayo."


Umiling 'to sa'kin habang nakangiti, "Kulang pa nga 'yan teacher sa pag-titiyaga n'yo sa kambal ko. Grabe pa man din ang separation anxiety no'ng dalawa no'ng mga unang buwan ng school year."


Hindi ko makalimutan kung paano ako nagmala-Wonder Woman sa pag-aalaga sa mga bata. Nursery kasi ang hawak ko kaya prone talaga sa mga batang may separation anxiety.


"Sana nandito pa rin kayo next year."


Nginitian ko lang 'to at muling nagpasalamat. Hindi ko na sinagot kung nandito pa ko next school year dahil hindi pa sigurado kung mag-eextend pa ko ng contract dito sa school. Matapos nang maiksing pag-uusap na 'yon ay kinuhanan lang kami nito ng litrato kasama ang mga bata. May ilang mga magulang ding lumapit at kinuhanan ako kasama ng mga estudyante ko. Binati rin ako ng ilan sa kanila ng Happy Graduation.


Nang teaching at admin staff na lang ang natira sa loob ng auditorium. Nilapitan ko ang pwesto ng isang kuya, kung saan nando'n ang control booth.


"Kuya, kuhanin ko na po 'yong bag ko, ha? Salamat po!"


"Welcome, cher! Congrats sa pag-graduate!"


Isang malaking ngiti ang isinagot ko rito, "Salamat, kuya! Una na po ako!"


Pagkalabas ko, nakasalubong ko ang mga ka-department ko, mga kasamahan ko sa Pre-school. "Teachers, mauna na ko, ha? See you tomorrow na lang sa graduation!"


"Sige, cher Lhia. Ito nga pala," inabutan ako ng isang regalo ni Jonah, ang siyang coordinator o head ng department namin. Ang totoo niyan kaklase ko 'to noong college, kasama nang isa pa naming kasama rin sa department namin. Tatlo kaming magkakaklase noon sa college, mas naging malapit lang kami sa isa't isa ngayong magkaka-trabaho na kami.


"Galing 'yan sa'ming apat," tinuro pa niya ang mga kasama namin.


Tinignan ko silang lahat bago nagbigay ng isang malaking ngiti, "Salamat. Nag-abala pa kayo!"


Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now