Chapter 66

447 26 0
                                    


Season 2 – Chapter 66


Tinignan ko ang repleksyon ko sa salaming hawak ko. Napangiti ako kasi mukhang tao na ko. Nang dumating kasi ko rito sa school, lipstick at foundation lang nakalagay sa mukha ko, typical na nilalagay ko lang. Mabuti na lang at mayroon kaming madam Shei na to the rescue para sa make up namin—ako pati si Jade at Anne. Nakaka-proud nga kung paanong ang aga nitong pumasok lagi ngayon.


"Okay ba, be? O ayusin pa natin?" ibinaba ko 'yong hawak kong salamin at tinignan siya.


Ngumiti ako kay Shei bago sumagot, "Nope, okay na ko rito. Ang ganda nga 'e."


"Salamat!" pahabol ko pa.


"Kayo pa ba? O siya, ako naman ang magre-retouh ngayon," sagot nito sabay upo.


Tinignan ko si Anne at Jade na abalang inaayos ang mga buhok nila. Hindi ko na sila inabala at napalinga na lang ako sa buong room. Lahat abala sa pag-aayos. Napahinto pa ang tingin ko do'n sa grupo ni Jasmin na umarkila nang taga-ayos. Ayun kasi at nagdidikitan na sila ng false eyelashes. Mga kulot kulot din ang buhok nila ngayon.


Dahil hindi pa naman namin turn para mag-grad pic, nagpaalam na lang muna ko sa mga kasama ko na magbabanyo. Dumiretso ko sa may women's bathroom dito sa fourth floor, pero no'ng nakita ko kung gaano kapuno ng mga seniors 'yong loob, agad akong umatras. Sa baba na lang ako magbabanyo.


Hindi katulad no'ng sa itaas, halos walang tao dito sa may third floor. Mabilis kong ginawa ang kailangan kong gawin, sabay hugas ng kamay pagkatapos. Tinignan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin sa banyo. Ngayong sa malaking salamin ko nakikita ang sarili ko, mas na-appreciate ko 'yong pagkakaayos ko. Hindi naman makapal 'yong make up. Super light lang kasi ayoko ng makapal. Nilagyan lang ng buhay ni Shei sa paglalagay ng blush on sa'kin, inayos niya rin pati 'yong kilay ko. Nakalugay lang ang buhok kong plinantsa niya. Nilagyan lang namin ng ilang clip para maiba naman sa usual kong itsura.


Isang beses ko pa ulit tinignan ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Saktong paglabas ko ay biglang sulpot ni Sir Lan sa harap ko. Tulad ko, natigilan din ito sa paglalakad at pareho kaming napatitig sa isa't isa.


"Why are you wearing make up?" tanong nito matapos ang ilang segundong pagtitig sa'kin.


"Uh...graduation picture." Hindi ba nito alam? Imposible, kasi ang office nila ang ginawang pictorial booth ngayon 'e.


"Ah," saglit itong napapikit sabay mulat. "You're one of the reasons we got kicked out of the office."


Bahagya akong natawa sa sinabi nito, "Kicked out?"


"Yeah. We're lounging at an empty high school room right now," naiiling na sabi nito.


Mukhang alam ko na kung ano'ng pinuputok ng butchi nito. Ayaw nito sa maiinit na room 'e. Nasanay kasi sa buong fifth floor na may pang-malakasang aircon. Nailing na lang tuloy ako.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now