Chapter 12.1

735 54 2
                                    


"Should we ice it?" Nag-aalalang tanong ko kay Orlando.

"I'm fine," sagot nito habang hinihimas himas ang ulo. Nauntog kasi 'to kanina pagbaba namin ng jeep.

"Are you sure? You don't look like you're fine," puna ko rito. Napansin ko kasing napapangiwi ito habang hinihimas ang parteng nauntog. Baka kasi magbukol pa.

Hinawakan nito ang ulo ko gamit ang libre niyang kamay. Ngumiti 'to sa'kin, "Don't worry about me."

Gusto ko pa sana 'tong kulitin na bumili na kami yelo kaso iniba na usapan. Tinanong nito kung nasaan ang ice cream parlor na sinasabi ko. Itinuro ko naman ito at agad niya kong hinatak papunta do'n.

Habang nakapila kami tinanong ko siya kung ano'ng flavor ang gusto niya.

"I want cookies 'n cream, you?" Nakatitig na sagot at tanong nito sa'kin.

"I want rocky road" tinanong ko lang kung ano'ng size ang gusto niyang order-in. Pareho kaming nag-settle sa medium size cup.

Matapos kaming mag-place ng order, akmang kukuha na si Orlando ng pera sa wallet niya. Agad ko naman siyang pinigilan. Gamit ang kanang kamay ko, agad kong hinawakan ang kamay niya sabay sabi. "Stay still," mariing sabi ko rito. Natigilan naman ito kaya mabilis akong kumuha ng pera sa wallet ko.

Pagkabayad ko lumipat lang kami sa kabilang land para kunin ang orders namin. Napansin kong habang nakapila kami ay pasimple pa rin nitong hinahawakan ang ulo nito.

Inabot ko ng kanang kamay ko ang ulo nito. "Does it hurts here?"

Sandaling natigilan 'to tsaka tumingin sa'kin, "Yes." Halos pabulong na sagot nito. Tinanggal nito ang kamay niya kaya mas nahawakan ko 'yong part na nauntog. Pinakiramdaman ko kung may bukol ba.

"Looks like their's a bump," sabi ko ng may mahawakan akong parang nakaulbok. "Let me check it later."

Inalis ko na ang kamay ko at umusad na sa unahan para kunin ang orders namin. Inabot kay Orlando ang order nito at tsaka ko hinawakan agad sa may braso para dalhin sa may labas. May chairs and tables kasi para sa mga costumer. Agad kong pinaupo si Orlando sa bakanteng upuan, at tsaka ko umupo agad sa bakanteng upuan sa tabi nito. Binaba ko lang sa table 'yong hawak kong ice cream.

"Move here, I'll check it," nakatitig kong sabi kay Orlando.

Binaba rin nito sa table ang hawak niyang ice cream, "Lhia..." na-sense ko na na pipigilan ako nito kaya naman ako na ang nag-adjust. Inusad ko 'yong inuupuan ko at tsaka lumapit sa may ulo nito.

Wala na itong nagawa kundi hayaan ako. Hinawakan ko 'yong part na nauntog. Tsaka ko hinawi ang buhok nito sa part na 'yon. "It's a red and I can see a little bump," komento ko pagkakita ko. Sabi na, may bukol 'to. May kalakasan din kasi pagkakauntog nito. Napatingin pa nga 'yong mga pasahero malapit sa babaan.

"Let's ice it," deklara ko, sigurago namang may yelo rito sa ice cream parlor. Makakabili naman siguro ko kahit isang cup.

"You said it yourself, its a little bump only," ito na naman kami. Lalagyan ko lang naman yelo pero ayaw niya!

"It still a bump!" Sabi ko rito, akmang tatayo na sana ko kaso hinawakan ako nito sa braso.

"Let's not spoil our day just for little things like this. Look," kinuha nito ang ice cream cup niya. "The ice cream's melting, let's eat it." Matapos sabihin 'yon ay binitawan ako nito tsaka kumutsara sa ice cream niya.

Medyo nailayo ko ang ulo ko ng itapat niya sa bibig ko 'yong kutsara niya. Tinignan ko siya, "That's..." saktong pagbukas ko ng bibig ay siyang subo nito.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now