Chapter 64

487 23 0
                                    


Season 2 – Chapter 64


"Next!" napatingin ako sa class president namin nang inalalayan niyang makapasok sa loob 'yong panibagong batch ng mga kaklase namin.


Matapos naming magpasa ng portfolio no'ng Lunes, ngayon na lang ulit kami pinabalik. Ang kaibahan lang, no'ng Lunes, ito lang pinasok namin samantalang ngayong huling araw ng weekdays ay may meeting kami. Tinatapos lang namin ang distribution ng mga portfolio. Nagulat nga ako kasi ang bilis na-check ni Ma'am. Hindi lang naman kaming graduating ang mga handle niya. By five ang pagpasok sa loob ng faculty. Hindi na kasi mag-aabala lang sumama si Ma'am mamaya sa meeting namin, marahil dahil alam naman ni Pres lahat ng detalye.


Nang lumabas ang huling limang pumasok, kami naman nila Anne at Jade, kasama ang dalawa pa ang pumasok. Wala pa si Shei, as usua, late na naman. Pinahanap lang sa'min ni Ma'am 'yong sarili naming portfolio. Nasa bukod na table, sa likuran niya, ito nakalagay kaya hindi niya alintana ang paghahanap namin. Dahil kami rin lang ang kukuha ng sarili naming portfolio, naglakas loob kaming itanong kung pwede bang kuhanin na rin namin 'yong Shei. Akala naman magtatanong pa ito o kung ano pero tumango lang ito. Sigurado pumayag na rin para mas maging mabilis ang pagkaubos nito.


Matapos naming makuha 'yong amin ay nag-excuse na kami rito at lumabas. Pagkalabas, tsaka lang namin binuklat 'yong portfolio. Sa may unahang page kasi nito, do'n ilalagay ni Ma'am ang grade namin. Hindi lang basta basta grade para sa portfolio, kasi ito na rin ang magiging final grade namin sa card!


Dahan-dahan naming sinilip nila Jade at Anne ang kanya kanya naming grade. Noong una, maliit lang ang pagkakabukas ko no'ng sa'kin, pero nang maaninag ko 'yong grade ko, halos tumilapon 'yong cover kung hindi nakabind! Gulat na gulat ako sa grade ko. 1.25!


Hindi kong naiwasang itakip ang isang kamay ko sa bibig ko, hindi ako makapaniwala! Hindi naman ako masipag na estudyante, more on the tamad side nga ako, pero kahit gano'n ayaw ko ng bagsak o mas mababa sa grade na 2.5! May ilang subject na rin ako noon na umabot ng uno kaso galing 'yon sa mga prof na feeling ko nanghuhula lang ng grade! Kaya iba ang epekto nitong grade na to! Unang una, hindi si Ma'am 'yong tipong manghuhula, sobrang strikta kaya no'n! Pangalawa, masasabi kong pure works talaga niya binase 'to. I mean, sa final demo, daily lesson plans, at portfolio! Sa dami ba naman ng paghihirap ko rito sa iisang major subject namin 'to, grabe! Sobrang worth it ang pagod dahil sa grade!


Nang makabawi ako sa nakita kong grade, tinignan ko sila Anne at Jade. "Kumusta grade niyo?" hindi ko maitago ang ngiti ko habang nagtatanong.


Isang magandang ngiti rin ang isinagot nilang dalawa sa'kin. "Ang taas, friend!"


Hindi naming naiwasang mag-high five ni Jade. Sabay kaming natingin kay matapos no'n.


"Hindi ko akalain makakakuha ng grade na nasa uno galing kay Ma'am."


"Hindi ba?! Kasi no'ng mga previous years, ang stirkta niya sa'tin!"


"Sinabi mo po, hindi ko pa rin kaya nakakalimutan kung paano niya ko nagisa noon during classroom demo," naiiling na sang-ayon ko kay Jade.


Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now