Chapter 28

470 51 0
                                    

    
Season 2 – Chapter 28
   
   
    
Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Nauna akong bumaba kaysa kay Sir Van. Ibang klase si Fortin, natagalan kami bago namin siya maiwan. Kung hindi pa ko tinawagan ng nanay ko kung nasaan na raw ba kami, hindi pa kami tatantanan nang kakasunod. Tumigil no'ng nalaman na sa bahay ang punta namin 'e.
   
    
Binuksan ko ang maliit na gate at inantay si Sir na bumaba para makapasok na kami. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit ilang saglit na ang nakalipas pero hindi pa rin ito bumababa. Naisipan kong lapitan ang kotse nito at katukin ang bintana sa may driver side. Walang paggalaw na nangyari kaya sinubukan kong buksan 'yong kotse pero nakalock ito. Kinatok ko na lang ulit 'yong bintana.
    
   
Agad naman nitong ibinaba ang bintana, diretso lang ang tingin nito at hindi nakatingin sa'kin. "Sir?" Pagtawag ko sa atensyon nito.
   
   
Napansin ko ang paghigpit ng hawak nito sa manibela ng sasakyan. Nag-aalangan ba siya? Kinakabahan? Hindi ko masabi, siya lang ang nakakaalam.
   
    
Ipinasok ko ang braso ko sa loob ng bukas na bintana at ako na mismo ang nagbukas ng pinto. Ibinuka ko ito nang malaki bago nilapitan si Sir Van.
    
   
"Lana?" Bakas ang gulat sa boses nito nang ilapit ko ang sarili ko sa kanya. Ako na ang nagtanggal ng seat belt niya.
   
    
Tinignan ko ito, "Baba na." Gumilid pa ko ako para hindi ko siya maharangan.
   
   
Isang buntong ang ginawa nito. Isinara muna nito ang bintanang binuksan niya bago bumaba at tsaka isinara ang pinto. Hinawakan ko ang laylayan ng damit nito tsaka nagsimulang maglakad. Kung ayaw niyang masira ang damit niya, sumunod siya sa'kin.
   
   
Halos matumba ako sa biglaan nitong paghinto nang makalagpas kami sa gate. Tinignan ko ito, akala ko binalak nitong bumalik sa sasakyan niya pero sinara lang pala niyang 'yong bukas na gate.
   
   
Pagpasok namin sa may kusina kami dumiretso. Naabutan naming nag-aayos si kuya Jarvis ng lamesa habang naghahain si nanay. Napatigil si kuya Jarvis at napatingin sa'min.
    
    
"Lana..." ibangan ko ang susunod nitong sasabihin. "Balak mo bang sirain 'yong damit ni Van?"
   
   
Napatingin ako sa kamay kong nakahawak pa rin sa laylayan ng damit nito. Agad akong napabitaw dito at napalayo pa ng isang hakbang.
  
   
"Nandito na pala kayo." Nakita na ron kami ng nanay ko. "Maupo na kayo." Tumango ako rito at lumapit sa lababo para maghugas ng mga kamay.
   
   
Paupo na ko sa upuan ko pero hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya si Sir Van. "Sir, maghugas na kayo kamay tapos upo na kayo."
   
   
Ilang saglit itong nag-alangan bago kumilos. Naupo na ko at pinanuod siya sa bawat kilos niya. Nang mukhang hindi nito sigurado kung saan uupo ay itinuro ko ang upuang kalapit ko, katapat ito ng upuan ni tatay na nasa kabilang bahagi ng lamesa. Naupo naman ito doon. Naupo na rin si kuya Jar sa pwesto niya habang tinawag naman ng nanay ko ang tatay.
   
  
Magkatapat si tatay at Sir sa magkabilang bahagi ng lamesa. Kami naman ni nanay ang magkatabi sa pahabang bahagi nito, habang si kuya Jarvis at kuya Trav–na wala pa–ang magkatabi sa kabilang bahagi.
   
   
(Table seats kung magulo - clockwise direction: Tatay-Jarvis-Travis-Van-Lhia-Nanay)
   
   
Sabay sabay kaming napatingin sa may direksyon ng pinto ng may bumusina sa labas. Tumayo ako para silipin sa may bintana kung sino 'yong bumubusina. Isang pamilyar na helmet ang nakita ko.  
   
   
"Lana, sino 'yon?" Tanong ni kuya mula sa pwesto niya.
   
   
"Si kuya Trav. Pagbuksan ko lang," agad akong lumabas para pagbuksan ito ng gate.
   
  
Mabilis ko rin namang sinara ang gate pagkapasok nito. Naglakad ako papalapit dito nang bumaba ito sa motor niya. Tinanggal nito ang suot na helmet.
  
   
"May bisita ba? Kaninong kotse 'yong nasa tapat?" Pagtatanong nito habang binubuksan 'yong box ng motor niya.
   
   
Napasilip muna ko sa kotse labas bago sumagot dito. "Mayroon."
  
  
"Sino?" Tapos na nitong itago ang helmet na sinuot niya.
  
   
Nabasa ko muna ang nanunuyong labi ko, "Si Sir Van."
   
    
Natigilin ito sa sinabi ko. Nakatangin lang ito sa upuan ng motor niya nang ipaulit niya sa'kin 'yong sinabi ko. "Sino?" Mas mahina ang pagkakatanong nito.
   
   
"Si Sir Van." Isang malaking hakbang ang ginawa nito at ngayon ay magkatapat na kami. Halos tumama ang ulo nito sa'kin sa lapit.
    
   
"Bakit nandito 'yan?"
   
  
"Nakita namin siya nila nanay sa may bookstore kanina. Tapos inimbitahan nilang kumain dito sa bahay."
   
  
"At pumayag naman siya?" Naiatras ko ang ulo ko rito.
   
   
"Oo, wala siyang choice 'e."
   
   
Napaatras ito at nailagay ang kamay sa may beywang niya. Rinig na rinig ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. Para siyang nagpipigil ng inis o galit. Dapat yata si kuya Jar pinagbukas ko ng gate para siya kumausap dito.
    
   
And speaking of the devil...
    
   
"Lana, Trav. Bakit hindi pa kayo pumapasok?" Bigla na lang itong sumulpot at nagsimulang maglakad papalapit sa'min.
    
  
"Bakit pumayag kang sumabay sa'ting kumain 'yon, kuya?"
   
   
"Ikaw lang ang may issue sa kanya, hindi kami."
   
  
"Kahit na!"
   
  
"Kuya, be civil na lang," pagsingit ko rito.
   
   
Isang masamang tingin ang binigay nito sa'kin. "Wow! Coming from you?" Sarkastikong sabi nito na ikinasimangot ko.
   
   
"At least ako sinusubukan kong maging civil kahit papaano." Naiinis na sagot ko rito.
   
   
"Tama na 'yan." Naitikom ko ang bibig ko sa tono ng boses ni kuya Jar.
  
    
"Huwag niyong pag-intayin ang pagkain. Pasok." Tinalikuran kami nito at nagsimulang maglakad papasok.
   
   
Napabuntong hininga na lang ako. Tinignan ko si kuya Trav bago naglakad papasok sa loob.
   
   
"Kuya mo?" Salubong sa'kin ni nanay habang papaupo ako.
   
   
"Papasok na po," sagot ko rito kahit hindi ako sigurado kung papasok na nga siya.
   
   
"Oh! Travis! Maupo ka na," tinignan ko ang kapapasok lang na si kuya. Mabigat ang mga hakbang na naupo ito sa tabi ni kuya Jar. Sa upuang kalapit lang din ni Sir Van.
   
   
Nagpasalamat kami sa pagkain bago kami nagsimulang kumain. May maliliit na kwentuhan habang kumakain. Tahimik lang akong nakikinig kasi puro throwback stories. Napatingin ako kay kuya Trav. Kahit kasama siya sa mga kwento nila hindi siya nagsasalita. Ni hindi nga siya nag-aangat ng tingin. Hindi ko rin masabing aayos siyang kumakain kasi parang mas dinudurog lang niya 'yong pagkain sa harap niya.
   
   
"Travis, abot abutan mo ng pagkain 'yang kaibigan mo. Parang nahihiya pang kumuha sa tagal ng 'di nakakapunta rito." Parang walang narinig si kuya sa sinabi ni tatay.
   
   
Hindi na ko nakatiis sa asal nito kaya sinipa ko ang binti nito sa ilalim ng lamesa. Isang masamang tingin ang binato nito sa'kin. Sandali ko itong kinunotan ng noo pero inirapan lang ako nito.
   
   
Kaloka 'to!
   
   
Muli ko itong sinipa pero hindi na ko pinansin. Gano'n ha? Hindi mo ko papansinin? Tignan natin. Muli kong ginalaw ang binti ko para sipain siya pero napatigil ako ng bigla nitong ipitin ang binti ko gamit ang dalawang binti niya. Pilit ko itong hinahatak pabalik pero mas lalo nitong hinihigpitan ang pagkakakapit.
   
  
Sabay kaming napatingin ni kuya nang may isang mahinang tunog ang nanggaling kay Sir Van. Napansin kong nakakagat ito sa ibabang labi niya.
  
   
"Tinatawa mo?" Naiinis na tanong ni kuya rito.
   
   
"Bakit? May problema ba?" Napatingin ako kay nanay sa tanong niya.
   
   
"Si kuya kasi iniipit binti ko," pagsumbong ko rito. Akmang sisilipin ni nanay 'yong ilalim ng lamesa kaya pinakawalan ni kuya ang binti ko.
   
   
"Lana..." pinandilatan ako nito sa pagsusumbong ko pero dinilaan ko lang siya. "Brat."
   
   
Hindi ko pinansin ang huli nitong sinabi at pinagpatuloy lang ang pagkain ko.
    
    
Matapos naming kumain, hindi ko na alam kung saan pumunta ang mga kapatid ko at si Sir. Naiwan ako sa kusina para linisin ang pinagkainan namin. Nang makatapos ako, iniisip ko pa kung didiretso ba ko sa kwarto ni kuya Jar o hindi. Hindi ko kasi sigurado kung itutuloy ba namin 'yong nahinto naming pagsasagot kanina o hindi na.
      
   
Sa huli, naisipan kong sumilip na rin sa kwarto nito. Tatlong katok ang ginawa ko bago binuksan ang pintuan nito ng kwarto.
   
   
"Kuya?" Idinungaw ko pa ang ulo ko sa loob.
  
   
"You're done, Lana?" Tumango ako rito. "Come in, let's finish at least two more activities."
   
   
Pumasok ako sa loob ng kwarto nito at naupo sa pwesto ko kanina bago kami umalis.
  
   
"Kuya, si Sir Van?" Tanong ko habang umaayos nang pagkakaupo.
   
   
"Sa room ng kuya mo," sagot nito habang kinukuha ang sasagutan ko.
   
   
"Kwarto ni kuya Trav?" Nagtatakang tanong ko rito na tinanguan naman niya. "Makalabas kaya 'yon ng buhay do'n?"
   
   
"Who? Trav or Van?" Papasagot pa lang sana ko nang mabilis na bumukas sara ang pinto ng kwarto ni kuya Jar.
   
   
Napahawak ako sa braso ni kuya nang marahas na gumalaw ang kama niya. Ibinagsak kasi ni kuya Trav ang sarili niya sa kama nito.
  
   
"Bakit ka nandito? Si Van?"
   
  
"Wala akong pakialam sa kanya." Nakadukdok ang mukha ni kuya Trav habang sumasagot. Ibinaling nito ang ulo niya sa direksyon kung nasaan kami. "Bakit ba kasi dito pa matutulog 'yon?"
   
   
"Si nanay nagsabi," isang malakas na ungol nang pagtutol ang ginawa ni kuya Trav. "Come on, he used to sleep here before..."
  
   
"....before he stole what's mine." Dinugtungan nito ang sasabihin sana ni kuya Jar.
   
   
Hindi ako makasangit sa dalawa kaya wala akong magawa kundi ang makinig na lang. Iniisip ko nga kung bumalik na lang kaya ako sa kwarto ko. Tutal holiday naman bukas, may isang extrang araw pa ko para magsagot.
  
  
"Mahal mo pa ba si Ema?" Natigilan ako sa tanong ni kuya Jar. Napatingin naman ako kay kuya Trav nang mabilis niya itong sinagot.
   
    
"Hindi na."
   
   
"Galit ka pa ba kay Van?"
   
   
Kung ano'ng bilis ng sagot nito kanina, siyang tahimik naman niya ngayon. Napabuntong hininga si kuya Jar bago ito muling nagsalita.
  
   
"Ipaintindi mo nga sa'kin. Pareho ka nilang nasaktan pero bakit si Ema nagawa mo agad itapon lahat nang nararamdaman mo? Pagmamahal, galit. Bakit kay Van hindi mo magawa 'yon?"
   
   
Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko sa pinag-uusapan nila.
  
   
"Kasi mas importante siya sa'kin." Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita ko ang ekspresyon sa mukha ni kuya. Lungkot. Sobrang lungkot. "Kaya sobrang sakit no'ng siya ang nanakit."
   
   
Hindi ko kayang tignan ang emosyong nag-uumapaw kay kuya. Iniiwas ko ang paningin ko. Tingin ko hindi tamang makinig pa ko sa pag-uusap nila. Maingat kong kinuha ang mga gamit ko sa table na nasa harapan ko. Dahan dahan akong tumayo at naglakad papuntang pintuan. Walang nagtanong sa kanila kung saan ako pupunta, o sa kung bakit ako aalis. Hinayaan lang nila. Hanggang sa makalabas at maisara ko ang pintuan ay naging maingat ang pagkilos ko. Ayokong gumawa ng kahit ano'ng klaseng ingay.
   
   
Napabuntong hininga ako ng nasa tapat na ko ng kwarto ko. Nakatayo lang ako sa tapat nito at hindi ko magawang buksan ang pintuan. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ba talaga ang buong nangyari sa pagitan nila kuya, Sir Van, at Ema.
  
   
Bigla naman akong nagulat nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Sinundan ko ang ng tingin ang brasong nagbukas nito.
   
    
"Sir Van."
    
    
"Were you studying?" Nababa ang tingin ko sa mga hawak ko.
  
   
"Tinatapos ko 'yong mga activities na hindi ko nasagutan sa klase ni Orlando."
   
   
"Oh."
   
   
Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.
   
   
"Want some help?" Napatingin ako sa tanong nito.
   
  
"Marunong ba kayo ng Japanese?" Nagtatakang tanong ko rito.
    
   
"Try me." Tinaasan ko ito ng dalawang kilay bago tumango tango.
   
   
"Okay, let's go." Pumasok na ko sa kwarto ko pero napatigil din ako ng hindi ito gumalaw sa pwesto niya. "Bakit? Sabi mo tutulungan mo ko."
   
   
"Uh, we can study in the living room."
   
   
"Ayoko, maingay doon. Nanunuod sila tv." Hanggang dito nga sa may tapat ng kwarto ko rinig ko ang malakas na tunog no'ng tv.
   
   
Nang hindi pa rin ito gumagalaw ay napasimangot na lang ako. "Huwag na nga lang."
   
  
Sinipa ko ang pintuan para sumara pero pinigil niya ito.
   
   
"It's your room, you know. Are you sure you want to invite me inside?"
   
   
"May balak ka bang masama?"
   
   
"Of course not."
   
   
"See? So, bakit ka nag-aalangan kung ako mismo hindi? Tsaka para naman makakalabas ka ng buhay sa bahay kapag may ginawa ka sa'kin."
    
   
"Fine." Sa huli ay pumasok na rin ito at tsaka isinara ang pintuan ng kwarto ko.
    
    
    
    


Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now