Chapter 10

881 53 0
                                    


Featured Photo: Travis Velasco
        

      
      
Travis' POV
     
     
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasaan na ba si Lana? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Nakaramdam ako ng vibration sa isang kamay ko kaya napatingin ako rito. Damn. Naiwan nga pala ni Lana 'yong higanteng wallet niya sa kotse, kaya ako ang nagdala.

Tumingin ako kay Czam na nasa gilid.

"Czam," tumingin 'to sa'kin.

"Yeah?" Umayos 'to ng pagkakatayo.

"Hanapin ko lang kapatid ko," tumingin tingin 'to sa paligid.

"Hindi pa ba siya nakakabalik? Go ahead, dito na lang ako para in case na nandito na pala siya," tinanguan ko na lang 'to tsaka tumalikod.

Naglakad na ko palayo sa activity center at pinuntahan ang floor kung saan 'to nagbanyo. Napahinto ako sa may tapat ng mens comfort room, paano ko hahanapin si Lana sa cr ng mga babae?

Lumapit pa ko ng kaunti sa may cr ng mga babae. Ilang saglit lang may lumabas na janitress mula rito.

"Excuse me," huminto 'to at tumingin sa'kin. Paano ko ba ide-describe 'yong panget kong kapatid dito.

"Uhm, may nakita ka bang babaeng naka black shirt at gray shorts sa loob?" Ano bang klaseng description 'yon?

"Sir, sa may mga sink po puro clerk sa department store lang nandoon. Hindi ko lang po sigurado sa loob ng cubicle," napatango ako sa sagot nito. Nasa cubicle kaya 'yon? Ganito katagal? 'Wag niyang sabihing binibinyagan niya cr ng mall?

"Gusto niyo po i-check ko, Sir,?" Umiling ako sa offer nito. Abala na 'yon sa part niya.

"Hindi na, salamat ha?" Ngumiti ako tsaka umatras para makadaan na siya. Sinundan ko lang 'to ng tingin hanggang sa nahalo na 'to sa mga tao sa may labas ng corridor ng cr.

Napakunot noo ako sa napansin kong isang pamilyar na tao. Si Van? Kahit naka cap siya sigurado akong siya 'yon. Napansin kong may kasama siyang nakasuot din ng cap... isang babae? Nakasuot ng black shirt at gray shorts? Lana?

Mabilis akong naglakad sa direksyon nila. Nakita kong lumabas sila papuntang parking area. Hindi ko gusto 'yong nararamdaman ko.

Damn! Van, ano'ng gagawin mo sa kapatid ko? Bakit mo siya kasama? Paano mo siya nakilala?

Patakbo kong lumabas sa may parking area. Bwisit! Bakit ang bilis nilang nawala? Nasaan na?

Nilibot ko ang paningin ko, saan? Nasaan sila? Naglakad lakad ako sa parking. Imposible namang nakaalis agad sila.

Napahinto ako sa may tapat ng sasakyan ko. Sigurado akong si Van 'yong lalaki pero si Lana ba talaga kasama niya? Paano naman sila nagkakilala kung nagkataon?

Napabuntong hininga ko, hindi si Lana 'yon. Hindi siya, hindi pwede. Babalik na sana ko sa loob ng mall, baka nasa activity area na si Lana, pero napahinto ako sa napansin ko. Sa tabi ng sasakyan ko isang pamilyar na kotse.

Tinignan ko ang plate number, kotse nga ni Van. Naglakad ako sa pagitan ng mga sasakyan namin, posible kayang nasa loob si Van at si Lana? Bigla akong humarap sa sasakyan ko.

Hindi si Lana 'yon, hindi siya. Naglakad na ko palayo, pabalik sa loob ng mall.

Nasa may entrance na ko ng mall ng bigla akong huminto sa paglalakad. Hindi talaga ko mapakali, humarap ako sa direksyon ng sasakyan namin ni Van.

Nagulat ako sa nakita ko, si Lana bumaba galing sa sasakyan ni Van? Hindi ko magawang lumapit papalapit sa kanila. Pinanuod ko lang kung paanong naglakad papalapit sa may pwesto ko si Lana. Kung paanong hindi niya ko napapansin.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now