Chapter 21

533 54 0
                                    

  
Season 2 - Chapter 21

                   
"Mataas pa rin lagnat?"

"37.9°C."

"Bumaba na naman pero mataas pa rin."

"Ano ba kasi nangyari sa kanya? Bakit ba nagpaulan 'yan ng ganyan?"


Naririnig ko ang pag-uusap ng dalawa kong kapatid habang nakapikit ako. Nakahiga at nagpapahinga ako sa kwarto ko ngayon.

Ang sakit ng ulo ko at ang init din ng katawan ko. Kahit na mainit ang pakiramdam ko gusto ko pa rin balutin ang sarili ko sa kumot. Para kasi kong nanginginig na ewan.


"Trav, sinabi ba ng mga kaibiga niya kung bakit nagpaulan 'to?"

"Hindi, kuya. Ang sabi lang nila no'ng lumakas na raw ang ulan at hindi pa sumilong si Lana, sila na mismo ang lumapit dito at isinilong ito sa payong na dala nila."

                                    
Nakarinig ako nang malakas na pagbuntong hininga. Sorry, kuya Jarvis. Sorry, kuya Travis.


           
        
          
     
     
      
Inaantok na minulat ko ang mga mata ko. Nakaramdam ako na para bang may tumatapik sa'kin at tama nga ako, mayroon nga. Si kuya Travis ang gumising sa'kin.

                         
"Oras na para uminom ka ng gamot. Kainin mo muna 'to," tinignan ko ang tinuro nitong mangkok na may lamang sopas.

                      
Dahan dahan akong naupo mula sa pagkakahiga ko. Inalalayan naman ako ni kuya, nang makaayos na ko nang pagkakaupo inayos naman nito ang unan sa may likuran ko para may masandalan ako.

                                 
Inabot sa'kin ni kuya Travis 'yong mangkok na nakapatong sa maliit na plato. "Kaya mo ba mag-isa?"

                          
Tango na lang ang isinagot ko rito at tsaka nagsimulang sumubo, kahit na nanlalata pa rin ako. Hindi naman ito gano'n kainit, hindi naman nakakapaso. Nakakatatlong subo pa lang ako pero wala na kong gana. Ito ngang pangatlong subo ko nahihirapan na kong lumunok.

                     
"Kaunti pa," napatingin ako kay kuya nang sinabi niya 'yon. Ayoko na makipagtalo dahil lang sa pagkain, kaya naman kahit nanlalata at wala talaga kong gana, pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Nakailang subo pa ko bago ko tuluyang umayaw na. Hindi ko na talaga kaya pa.

                    
Mukhang kontento na naman si kuya sa nakain ko kaya kinuha na nito ang hawak kong mangkok at tsaka nilagay sa night stand ko. Inabutan ako nito ng isang basong tubig at tsaka isang gamot na wala sa lalagyan. Ininom ko lang iyon at kinuha na rin agad naman ni kuya ang baso sa'kin.

                                   
"Maupo ka muna kahit saglit. H'wag ka munang humiga, kakakain mo lang," tinanguan ko lang ito at tsaka sumandal sa unan sa may likuran ko.

Inaasahan kong aalis na rin agad si kuya pero nanatili 'to sa pagkakaupo nito sa gilid ko, sa gilid ng kama ko. "Bakit?" Tanong ko rito, kahit na sa may bintana ito nakatingin at hindi sa'kin.

"Si Orlando ang huli mong kausap bago ka nagkaganyan," pagkabanggit pa lang niya ng pangalan ni Orlando ay nanikip na agad sa sakit ang dibdib ko. Pakiramdam ko maiiyak ako ano mang minuto. "Nakipag-break ba sa'yo?" Napatitig ako rito pero katulad kanina sa may bintana pa rin 'to nakatingin.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now