Chapter 09

959 57 3
                                    


Featured Character: Vanlourd Will
         
        

    
       
Saturday. Yey! Walang pasok!

Lumabas ako sa kwarto ko at dumiretso sa sofa at nahiga. Oh yes, kailangan sulitin ang mga ganitong weekend na wala ka pang ginagawa. 'Pag dumating na naman kasi ang hell week sa college patay na naman. Hello sleepless nights na naman.

Buti na lang din ang nagiging schedule ng mga klase namin since first year 'yong typical class days lang. Monday to Friday at wala 'pag weekends!

"Gumising ka lang para lumipat ng higaan?" Napatingin ako kay kuya na kakalabas lang din ng kwarto niya.

Hindi ko na lang siya inimikan at binalik ko ang tingin ko sa kakabukas ko lang na tv. Bahala siya d'yan, ang aga aga sisimulan na naman ako. Palibhasa day off nito ngayon 'e.

Naupo 'to malapit sa'kin, "Mamaya sa kwarto ka muna mag-stay."

Napatingin ako rito at nakatingin naman 'to sa cellphone niya.

"Bakit?" Nakatinging tanong ko rito, sa cellphone pa rin niya 'to nakatingin.

"May bisita kong darating," binaba nito 'yong cellphone nito sa gilid niya.

"Sino? Lalaki ba?" Dumapa na ko mula sa pagkakahiga ko.

Simula bata pa ko tuwing may pupunta siyang mga kaibigan o kaklase pinapag stay niya lang ako sa kwarto ko. Basta may ibang lalaki pinapag stay agad ako sa kwarto ko.

"Oo."

"Ah!" Impit na reaksyon ko ng nginudngod nito ang mukha ko sa unan sa sofa. Pinaghahampas ko ang braso nito, narinig ko naman ang pagtawa nito.
Malalim na paghinga ang ginawa ko ng binitawan nito ang ulo ko. "Bwisit ka kuya!"

Tinawanan lang ako nito nang mapang asar. Agad kong hinatak 'yong unan na pinagngudnguran niya sa'kin tsaka binato sa kanya. Malas lang at nasalo niya 'yong unan!

"Weak," pang-aasar pa lalo nito.

"Che! Bakulaw ka!" Umayos na ko nang pagkakahiga sa sofa. Kapag may ganito kang kapatid...naku! Sarap itakwil!

Tahimik ba ulit kami pagkatapos no'n parang walang nangyari. Nanunod lang ako ng tv habang si kuya...ewan ko kung ano ginagawa.

Lumipas ang oras ng gano'n gano'n lang. Napatingin ako sa may wall clock.

10:55 AM

Nabaling ang tingin ko sa may pinto nang pumasok si kuya. Lumabas kasi kanina dahil may kausap sa phone, ang hina pa man din ng signal dito. Tumingin 'to sa'kin.

"Pumasok ka na sa kwarto, malapit na rito 'yon," tinatamad akong bumangon sa pagkakahiga ko at tsaka dumiretso sa kwarto...nila nanay. Mas maganda kwarto nila 'e, may aircon na may tv pa.

Pagkapasok ko sa kwarto binuksan ko agad 'yong aircon at tv tsaka diretso higa ako sa kama. Wala rito mga magulang namin, binisita si kuya. I mean 'yong isa ko pang kuya. Nagkasakit kasi kaya hindi makauwi rito kaya sila na lang pumuntang Baguio. Do'n kasi siya mag-ii stay hanggang February.

Kinuha ko 'yong cellphone ko at tsaka ko nag-internet. Background noise lang talaga 'yong tv para hindi sobrang tahimik dito sa kwarto.

Isa lang naman ang tambayan ko 'pag nag-iinternet 'e. Facebook.

Wala pang ilang segundo simula no'ng buksan ko 'yong internet may nagpop-out agad na chat head. Galing kay Jade, may tinatanong lang tungkol sa isa naming subject.

Dahil puro connecting lang at ayaw mag-send no'ng message ko in-exit ko 'yong chat head niya. At tsaka ko pumunta sa mismong messenger, karaniwan kasi ganito nangyayari 'e. Ia-upgrade ko na talaga 'to ng hindi na laging connecting.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now