Chapter 49

475 39 3
                                    


Season 2 – Chapter 49


"We'll see you tomorrow," naiwan kaming dalawa ni Alli habang nakatayo at nakatingin sa kawalan.

Nagkatinginan kami sabay buntong hininga. Napapikit ako nang mariin. Para bang sumakit bigla ang ulo ko pagkaalis no'ng principal.

"Paano gagawin natin bukas, Lhia?" sinalubong ko ang tingin sa'kin ni Alli.

Isang malalim na buntong hininga ang isinagot ko rito. Wala akong masabi sa kanya kasi hindi ko rin alam ang gagawin. Ilang segundo akong natahimik, iniisip ko kung paano ba ang dapat namin gawin bukas. 

"Tingin ko aabot naman tayo sa game. Ang joint practice nila bukas mula 8:00 hanggang 10:00. Saktong 10 ang simula nang game, basta hindi tayo mata-trafiic, masasakay tayo agad, makakarating tayo do'n sa loob ng 30 minutes."

"Gaano ba katagal 'yong magiging laro?"

"Dahil exhibition game lang, 15 minutes per quarter. Alam ko hanggang 2nd quarter lang siya."

"Talaga bang aabot tayo?" napatingin ako kay Alli nang lumungkot ang tono nang boses nito.

"Oo...sana..." sabay kaming napabuntong hininga na naman.

Bukas na 'yong inaabangan naming laro pero may last minute na problema pa kaming kinakaharap. Nag-file ng leave ang cooperating teacher ni Alli para bukas. Walang pwedeng mag-stand in dito kaya nag-request ang principal na pumasok kami para magtulong kaming dalawa na humawak sa klase. Joint practice kasi ng morning at afternoon session bukas para sa Christmas dance presentation nila. Kaya mahihirapan kung si Alli lang ang magbabantay.

Natapos ang buong araw na hindi mawala wala sa isip ko kung ano bang gagawin namin bukas. Hindi ko maiwasang isipin ang mga estudyanteng late na sinusundo ng mga parent/guardian/service nila. Hindi kami makakaalis hanggang hindi nakakauwi lahat ng mga estudyante namin.

Napabuntong hininga na lang ako habang nag-aabang kami ni Alli nang masasakyang e-tricycle. Naramdaman ko ang mahinang pagsiko nito sa'kin.

"Huwag ka na masyadong ma-stress para bukas."

"Hindi naman ako na-ii-stress," pagtanggi ko sa sinabi nito.

Magsasalita pa sana 'to nang may humintong e-tricycle sa harapan namin. Sumakay na kami rito para makauwi na. Matapos ang limang minutong biyahe, pumara ako para bumaba sa may eskinita na lulusot papunt sa barangay namin. Nagpaalam ako kay Alli na mananatili pa ring sakay dahil pa-diretso pa ang bahay nila, may kalayuan pa.

"Bukas na lang," sabi ko rito pagkababa ko.

"Sige," isang tango ang ibinigay nito sa'kin.

Umalis na 'yong sinasakyan niya habang ako naman naglakad na papunta sa kapatid kong nakaabang sa'kin, si kuya Travis.

"Kanina ka pa?" pagtatanong ko rito habang inaabot niya sa'kin ang extrang helmet niya.

"Kadarating ko lang," simpleng sagot nito habang inaalis ang pagkaka-stand ng motor niya.

Ibinaba nito ang tapakan sa gilid ng motor niya, matapos kong isuot ang helmet ko, sumampa ako sa likuran niya habang nakasuporta ang isang kamay ko may balikat niya.

"Kapit," humawak ako sa bakal na nasa likuran ko at tsaka kami umalis.

Malakas na hangin ang nararamdaman ko sa buong katawan ko.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now