Chapter 14

752 50 0
                                    



Naiinis akong humakbang palayo sa faculty nila Sir Czam at Sir Van. Nanggigigil talaga ako dyan sa Ema na 'yan. Gano'n nya talaga gustong makipagbalikan sa kapatid ko? Abnoy pala siya 'e. Papakawalan niya tapos magkukuhamog balikan. May saltik din 'yung babaeng 'yon.

Hindi ko malaman kung bakit gigil na gigil ako sa kanya. Ewan, basta kasi ang arogante rin ng dating sa'kin no'ng mga sinabi n'ya. Ano ba nagustuhan ng kapatid ko do'n? 'Yong picky pa sa babae na kuya ko ang naging boyfriend nya!

Nakalabas na ko ng building namin nang maramdaman kong may humahatak sa bag ko. Nakakunot noo ko itong tinignan at nakita kong si Anne pala 'yong humahatak.

"Dire diretso ka, 'di mo man lang kami inantay."

Napabuntong hininga ko bago ko 'to sinagot, "Pasensya na, nawala sa loob kong nag-aatay nga pala kayo." Napansin kong papalapit pa lang sila Shei at Jade sa'min mula sa likuran ni Anne.

"Anyare, girl? Bakit naman nagmamadali ka?"

Napapikit ako ng mariin at hindi ako nakasagot agad kay Shei. Argh! Naiirita talaga ko kapag naaalala ko si Ema!

"Mabuti pa, dalhin ka na lang namin kay Orlando nang mawala 'yang kung ano mang kinaiinis mo." Gano'n na nga yata kahalata ang pagkainis ko base na rin sa sinabi ni Jade.

Naramdaman ko ang bahagyang pagtulak sa'kin ni Anne kaya naman napalakad na ko agad. Nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla akong mapahinto at mabilis na hinarap ang mga kaibigan kong nakasunod sa'kin.

"Ano ulit 'yung sinabi n'yo? Saan n'yo ko dadalhin?" Hindi ko maiwasang mapakunot noo muli habang nagtatanong.

"Sa jowa mo," nakangising sagot ni Jade.

"Utot! Hindi ko jowa si Orlando."

"Oh~ 'e bakit siya agad naisip mo no'ng sinabi kong 'jowa mo'?"

Natigilan ako sa sinabi nito at pasimpleng umiwas ng tingin, "Kasi...."

Wait, bakit nga ba siya?

"Kasi...." Ah tama!

"Nasabi n'yo 'yung pangalan niya kanina, 'di ba?" Napaturo pa ko sa kanila habang nagdadahilan ako.

"Ay, sus! Palusot pa. Halika na! Puntahan na natin jowa mo!" Hindi na ko nakapalag pa kasi ba naman bigla na lang hinawakan ni Anne at Shei ang magkabilang braso ko, at tsaka sila naglakad! Kaya wala akong nagawa, napalakad na rin ako dahil sa kanila.

"Nakakaloka kayo! Pinag-kakaisan n'yo ko!" Pagsusumbat ko sa mga 'to.

"Ngayon, alam mo na feeling. Ganyang ganyan ka sa'kin, friend," panunumbat naman pabalik ni Anne sa'kin.

Hindi makapaniwalang tinignan ko 'to, "Kailan? Paano? Ano ginawa ko sa'yo? Wala kong matandaan!"

"Sshhh! Beh, 'wag ka na maingay, lakad lang. Go. Go," paghihikayat naman sa'kin ni Shei.

Tumahimik ako saglit at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang bigla akong tumalikod at tinangkang tumakas. Oo, takas talaga! Kaso nakalimutan kong nasa likuran pala namin si Jade. At itong si Anne, ewan ko ba at kapayat payat 'e nagawa pa kong pigilan at bahagya pa kong nahatak! Take note, sudden move pa 'yon ha? Surprise attack, gano'n!

"Tatakas ka pa talaga ha?" Tanong sa'kin ni Jade habang pilit akong pinapaharan sa direksyon ng chambre. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kapit sa'king no'ng dalawa sa magkabilang braso ko.

Para kaming mga batang naghahatakan, nagkakaingay pa nga kami. Hindi nga lang patas ang laban kasi 3-1 ang laban! Habang pilit akong kumakawala sa tatlong 'to, sila naman ay sanib pwersa talagang hinatak at tinutulak ako paabante! Napansin ko na ngang napapalingon na sa'min 'yong mga nakakasalubong namin. Wala na kong panahong intindihin sila, ang kailangan komg isipin kung paano makakawala sa tatlong 'to.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now