Chapter 48

467 40 0
                                    

Season 2 – Chapter 48

"Uh, Gee?"

"Hmm?"

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to. Kaya ko namang tanggalin 'yong pagkaka-braid ng buhok ko sa bahay."

"If you'll wait until you go home, this will be too curly. It's fine, we can fix it right now. Okay?"

"Ah, okay."

Hindi na ko nakipagtalo pa rito kasi mukha namang walang balak patalo sa'kin. Pagkaalis namin ni Ian kanina sa may hall, dumiretso na lang kami rito sa may office nila Sir Van at Sir Czam. Nag-aalangan pa nga ako kung papapasukin ko siya sa loob kasi hindi naman sa'min 'yong lugar, pero si Sir Czam na mismo ang nagpapasok sa kanya pagkakita rito.

Pagbalik nga namin dito, kumpleto na sila. Nandito na sila Yam at Baro—na bigla na lang nawala kanina, pati na rin si Gee. Pagkakita sa'kin ni Gee, agad ako nitong pinaupo sa pwesto namin kanina habang inaayusan niya ko. Ang sabi niya iibahin na raw niya hair style ko para hindi sumobrang kulot ng buhok ko. Ayoko talaga sana kasi nakakahiya pero pinilit ako nito.

Tinignan ko 'yong cellphone ko na hawak hawak ko habang inaayos ni Gee 'yong buhok ko. Nag-send ako nang group message sa kanila kanina habang papunta kami rito. Sabi ko hindi na ko aatten ng meeting, punta na lang kako sila sa office nila Sir pagkatapos dahil sabay sabay kaming kakain.

"Done! Wow! I really like styling your hair, Lhia." Excited na excited na sabi ni Gee sa'kin.

Nginitian ko na lang 'to kahit hindi ko pa nakikita ang sarili ko sa salamin, "Thank you."

"Oh, here! Mirror!" inabot sa'kin nito 'yong salamin niya.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Akala ko gusto ko na 'yong buhok ko kanina, mas gusto ko pala ang pagkakaayos ng buhok ko ngayon.

Half top knot ang ginawa nit sa buhok ko at dahil kakagaling ko lang sa tirintas, may pagka wavy ang buhok ko ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Half top knot ang ginawa nit sa buhok ko at dahil kakagaling ko lang sa tirintas, may pagka wavy ang buhok ko ngayon. Napatingin ako sa pinantali nitong ribbon sa buhok ko, kulay pula.

Kulang pula? Pero—

"Why red ribbon? We're blue team," napatingin ako kay kuya nang sabihin nito ang pumasok sa isip ko.

"Kuya Jarvis, this is just a ribbon!" pagsagot naman dito ni Gee. Base sa pagtawag niya ng kuya rito mukhang magkakilala na rin pala sila noon pa.

Ibinaba ko ang hawak kong salamin, kasabay no'n napatingin ako sa suot ko. "Ay!"

"Oh, why?" napatingin ako sa mga kasama ko ngayon sa office. Lahat sila napatingin sa'kin dahil sa lakas nang boses ko.

"Sorry. Narealize ko lang kasi naka-jersey pa ko, dapat nagpalit muna ko kanina. Magugulo pa 'yong buhok ko kapag nagpalit pa ko ngayon," paliwanag ko sa mga 'to.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now