Chapter 34

470 47 3
                                    


Season 2 – Chapter 34


Parang hinipan lang ng hangin ang mga araw. Naging mabilis ang takbo ng oras. Ilang linggo lang matapos ang mid-term exams, ito na naman kami at naghahanda naman para sa final exams.


"Please pass your paper," napaupo ako ng maayos pagkarinig ko sa sinabi nito. Binitawan ko ang ballpen na hawak ko at inantay ang pagpasa ng mga kasamahan ko sa hilera namin.


Kinolekta ko ito dahil ako ang nasa aisle seat. Pagkakuha ko ng mga papel namin, kinuha ko naman 'yong mga papel na galing sa likuran, isinama ko ito sa mga papel namin bago tuluyang ipinasa sa nasa harapan ko. Pinanuod ko alng kung paanong kinolekta ni Orlando lahat ng papel namin, kinuha niya ang mga ito mula sa mga nakaupo sa aisle sa pinakaunahang row.


Nilibot nito ang paningin sa buong room namin, "That's it. We ended the semester just like that. We were together for the past five months. I hope you learned something from my class." Nakatitig lang ako sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi niya.


"This will be the first and last time that I'll be your instructor. But I hope I'll always remain to your memories." Tahimik lang ang buong klase habang pinapakinggan siya.


"I heard you'll have your recollection activity around early next week? I hope you'll have a lot of fun and memories during those days. Thank you for being my students, class C." Napatingin ako sa direksyon nito, nakayuko ito sa'min, agad din naman akong nag-iwas ng tingin ng umayos ito ng pagkakatayo.


Isang palakpak ang unang narinig na sa paligid, na sinundan na ng iba, kaya naman napasunod na rin ako. Naging instructor ko rin naman siya, at kahit papaano natututo naman ako sa klase niya.


"Class dismiss," pagkasabi no'n ay kinuha lang niya ang mga gamit niya bago lumabas sa room.


Napatingin ako sa papalabas niyang pigura. Akalain mo 'yon? Natapos namin ang limang buwan na gano'n gano'n lang? Sa totoo lang, hindi ako makapaniwalang magagawa kong tapusin ang klase niya na 'to.


Napasandal ako sa may sandalan ng inuupuan ko. Kung susumahin, nasa anim na buwan na rin pala simula nang maghiwalay kami. Grabe 'yong pakiramdam ko no'n, akala ko hindi na ako makakaahon sa sakit na naramdaman ko pero sa huli panahon at acceptance lang pala kailangan ko. No'ng time na natanggap ko ng wala na kami, doon muling parang tumakbo ang oras ng mundo ko. Hanggang sa namalayan ko na lang, balewala na ang presensya niya kapag nasa malapit siya sa'kin. Hindi na ko nasasaktan kapag nagtatama ang mga paningin namin.


Move on? Siguro. Baka. Ewan.


Napatitig ako sa may teacher's table. Napansin kong may naiwan do'n, kay Orlando ba 'yon? Nakatitig ako rito ng biglang may kumuha nito. Nabaling ang tingin ko sa taong kumuha nito, si Jasmin. Agad itong lumabas pagkakuha rito. Isasauli niya siguro?


"Halika na ba?" naputol ang tingin ko rito ng magsalita si Jade.


"Ah, magbabanyo lang muna ko," sagot ko rito at tumayo.


Tinanguan ako nito, "Antayin ka na lang namin dito."

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now