Ikalabing-siyam na Kabanata

96.9K 2.2K 571
                                    

Kabanata 19

Secrets

"Tangina, yes! Tapos na rin ang depotang exams! Hindi naman tinuro ang pisti!" sigaw ni Jala sa labas ng E-type building. May ilang teachers ang napalingon dito at tawanan ng mga estudyanteng nakarinig sa sinigaw niya. I sighed exasperatedly. Minsan boplaks din talaga ang isang ito. Kulang sa aruga.

Dagdag sa effect ng sigaw niya, tinapon ni Jala ang ilang scratch papers sa ere na sinimot din nito pagkatapos bago pa matawag sa guidance office. Naiiling akong lumapit dito. Jala was crazy. At least, good crazy. Minsan nakakahiyang maging kaibigan niya.

Kagaya ng marami, nagdiriwang din ang kalooban ko sa pagtatapos ng eksaminasyon. Nakakapagod mag-isip sa mga katanungang hindi man lang itinuro sa amin. Second grading was finally done. Christmas break na lang ang tanging hihintayin ko and I would be free from school stuffs.

Totoong nakakapagod ang school, kung hindi lang ako natatakot na pulutin sa kangkungan at mawalan ng magandang kinabukasan, isang malaking temptasyon ang paghinto. Mas pinapahalagahan ko ang oportunidad na mayroon ako. Some kids my age, they matured easily to provide for themselves. Maraming gustong mag-aral, ang pagkakataon lang ang pumipigil.

Buong akala kong tapos na ang rant ni Jala, she kept going instead. Paminsan - minsan akong sumasabat sa kanya kahit narinig ko na iyon ng ilang beses.

"May naisagot ka ba sa depotang Math na 'yon? Tanginang x 'yan, kapag iniwan ka na, bakit mo pa hahanapin ang value? Walang value sa mga taong mang-iiwan!" Jala ranted as we passed several students down the hallway. Math na naman. Her hate in Math is transparent. Muli akong napailing.

Tuwing pinag-uusapan ang Math subject, mayroon siyang paghugot na parang broken-hearted, feeling lang naman ang babaita.

"Baka sinasabi mo lang iyan ngayong wala ka pa namang ex, pero pagdating ng panahon, marupokpok ka rin. Sinasabi ko sa'yo, Jala." Inirapan ko siya.

She just wrapped her big arms around my shoulder. Maliit akong tao, at chubby ang kaibigan ko. Ipit na ipit ang pakiramdam ko sa bisig niyang mataba.

"Sampalin mo ako kapag nagkaganoon,"

I shook my head firmly. "Hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin."

We both laughed.

Sometimes, I can't help myself but think of the future. Minsan sumasagi sa isip ko kung paanong mai-in love si Jala o kung sinong malas ang matitipuhan niya. Hindi ko masabi sa rami niyang lalaki. It would be funny to know. Once and for all, love can be radiating as the sun, but can also represent purple nightshade. Dreadful and poisonous. Most of the time, love is like myself, nonsense.

At the end of the hallway, we both saw Cadence. Nakapamulsa itong may sukbit na bag. He was looking at us with a playful smile plastered on his lips. Sinamaan ko siya ng tingin.

Napabuntong - hininga ako. I didn't what was that sigh for.

Sabi nila, pagbabago lang ang permanente sa mundo. Sa unang pagkakataon, I want things to be as they are right now. Gusto kong maging parte si Cadence ng buhay ko ngayon at sa mga susunod na panahon. Pareho pa kaming bata, but I know myself and I dread this thing to happen. Hindi ko naman magawang i-ahon ang sarili ko sa kanya.

Nothing changed between us. He was still the same Cadence like before. Mapang-asar pa rin ang kapre. I never told him about his mother threatening me the last time I saw her. I never told him about the incident in the clinic. Akala ko sa telenobela lang mayroong ganoon, pero mas inaabangan kong mag-alok siya ng pera para layuan ko si Cadence.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon