Ikaapatnapu't Dalawang Kabanata

136K 3.3K 1.3K
                                    

Kabanata 42

Departure

Kinausap ko iyong adviser noong mga batang nam-bully kay Trojan. They told me they would take care of it. Pumayag naman ako kahit hindi gaanong kumbinsido. Gusto ko sanang kausapin ang mga magulang noong mga bata, sila na mismo ang magdisiplina sa mga anak nila.

Minsan mas malawak pa ang pang-unawa ng anak ko sa mga bagay na hindi gaanong sakop pa ng isipan niya. Isang masakit na parte na siguro ng pagiging isang ina ang masaksihang nasasaktan ang aking supling dahil sa maling desisyon ko noon sa buhay. Pero hindi ko mapigilan ang inis mga batang umaway kay Trojan.

If it were me in that position, I wouldn't be bullied. Hindi ako pinalaki ng magulang kong inaapi at inaapakan ng ibang tao. Galit na galit si Emma sa nangyari, gusto na nitong sugurin ang eskwelahan.

Nadatnan ko ang dalawang nag-uusap sa maliit naming sala. Magkatabi silang dalawa, naka-unan kay Emma si Trojan. Naka-pajama na ang anak ko, pinapanood niya ang paborito niyang animated movie. Papasok pa lang ako ng trabaho. I was wearing my uniform already.

"Tita ninang, ang buhok mo po." reklamo nito ng may tumabing na buhok sa kanya. Napailing naman ako.

Inayos ni Emma ang tayo ni Trojan para hindi ito ma-istorbo sa panonood. Pinagmasdan ko lang ang interaksyon ng dalawa. Tuwang - tuwa ako sa bond nilang mag-ninang. Hindi sila blood-related, pero ang pagmamahal ni Emma para sa anak ko nag-uumapaw. They would watch movies together. Pare - parehong movies lang, hindi naman nagsasawa ang anak ko.

Minsan tinuturuan ni Trojan ang tita ninang niya na sumulat at magbasa. Lumaki sa lansangan si Emma, mas inuna niya ang realidad ng buhay kaysa sa edukasyon, mas inuna niyang maghanapbuhay kaysa matuto. She's a fast learner. At hindi lang talaga sa eskwelahan nasusukat ang talino ng isang tao. Her wisdom came from experience. She survived the cruelty of the world, she is smart. She's someone to be proud of.

"Anong gagawin mo kung inaway ka uli noong bullies sa school niyo?" biglaang tanong ni Emma.

"Susumbong ko po sa teacher, tapos sasabihin ko po sa inyo ni nanay."

"Kapag wala kami roon para ipagtanggol ka, pwede mo namang ipagtanggol ang sarili mo, lalo na kapag nasa tama ka, taba. Hindi ka dapat nagpapasuntok, kapag sinuntok ka, suntukin mo rin." I've been telling him that same thing. Wala namang masamang lumaban lalo na kung sobra - sobra na ang ginagawa nila.

"Bad po iyon, tita ninang. Ayoko po maging bad, ayoko po manuntok." I sighed at his answer. Ngumiwi ako.

It has been the constant topic in the household. Ayoko nang maulit pa ang nangyaring iyon kay Trojan. Baka ako mismo ang sumugod sa mga batang iyon. Kung naghahanap sila ng away, siguraduhin nilang doon sa papatol. Papatulan ko sila para sa anak ko.

Minsan iniisip ko kung saan siya nagmana. Definitely not from his father. He's too precious to be considered like him.

Nabaling ang atensyon nito sa akin nang magpakita ako sa kanilang dalawa. He was smiling widely. Umayos ito ng tayo at tumakbo papalapit sa akin. "Tita ninang, pause po ng movie..." habilin pa niya sa kanyang tita ninang. Napailing naman ako. "Papasok na po ikaw nanay?"

I nodded. "Pa-kiss nga si nanay." Lumuhod ako para pumantay sa kanya. He giggled. Hinalik - halikan ko ang kanyang leeg. Medyo makiliti iyon kaya tawa nang tawa ang baby. His laugh is so contagious. Siya ang nagsisilbing lakas ko.


"Ingat po ikaw nanay," He kissed my cheeks.

"Oo naman po. 'Wag malikot kay tita ninang habang wala si nanay."

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon