Ikalabimpitong Kabanata

103K 2.4K 1.1K
                                    

Kabanata 17

Practice Game

"Go, future doctors! Go, future engineers! Go, go, go, STEM strand! STEM lang, masarap! Hindi lang sa calculus magaling, pati sa basketball may ibubuga rin! Wohoo!"

Masarap? Tama ba ako ng rinig? Napailing ako sa chants ng mga indibidwal sa bleachers. "Go, Cadence! My very own mitochondrion!"

Wow, powerhouse. Anong konek? Nangibabaw ang matinis na boses, hindi ko lang nasundan ng tingin ang sumigaw.

Malakas na hiyawan mula sa mga babae sa bleachers ang unang sumalubong sa amin ni Jala nang makapasok kaming dalawa ng gym. Halos lahat yata mapa-babae man o pusong - babae, nagchi-cheer sa players ng STEM na kasalukuyang nasa gitna ng court para sa practice game. Ang kanilang strand ang assigned na gumamit ng gym pabor sa rotational schedule na ginawa ng senior high.

Ang daming taong nanunuod. Dinagsa yata ang buong court ng kababaihan pati ang ibang gay sisters, hindi lang sa kanilang strand, kahit ang mga juniors na kagaya ko ay nasa court para saksihan ang laro. Masyadong matunog sa tao. Mahiilo yata ako sa dami ng nanonood. They even got banners.

Marry me, Santino. Marry? Agad-agad? May bukas pa.

Ipinilig ko ang aking ulo, hinigit ko si Jala sa tabi ko. Mukhang aliw na aliw siya sa nangyayari. Gusto kong takpan ang tainga ko sa sobrang ingay. But it was inevitable, the cheers were too loud. Hinila ko si Jala sa dagat ng tao papunta sa isang sulok ng gym.

Practice pa lang naman ngayon pero kung tumili ang iba parang wala ng bukas. Ano pa kaya sa mismong intrams? Ewan ko lang kung andito sila para sumuporta o sumilay sa mga gwapong players ng STEM. Speaking of players, kasama roon si Cadence.

Hindi niya magawang tumanggi kay Santino last time. Konti lang naman ang enrolled na estudyante ng STEM at halos lahat mayroong sasalihan sa palaro ng intrams.

Cadence got so busy with practice for almost two weeks. Lalo na't papalapit ang big day. Dalawang araw nang maghapon ang kanilang practice pero sabay pa rin kaming kumakain ng lunch. Wala akong ideya kung paanong naisisingit niya pa iyon sa busy na schedule niya.

I spotted the kapre in the middle of the court with his kapre height. Sa tangkad niya, walang dahilan para hindi agad siya mapansin gaano man ang pagitan namin. He looked focused on the game. Hindi kagaya ng iba niyang teammates na mukhang mas ini-enjoy tinatamasang atensiyon mula sa mga babaeng nanonood. Magkalaban ang team ni Cadence at Santino para sa practice game ng STEM.

Humanap kaming dalawa ni Jala ng upuan sa bleachers. We blended in the hyper crowd very well. Tumabi kami sa dalawang babaeng mukhang windang na windang sa kaganapan.

Muli akong tumingin sa mga players na nasa gitna ng court na nagpapambuno sa bola. They are all sweaty and tired. Mukha namang hindi maasim kagaya nina Teryo. Wala yata sa bokabularyo nila ang salitang freshness.

Nakapangalumbaba ako. Hindi ako panatiko ng kahit anong isports. Nahihirapan akong i-pirmi ang mga mata sa pinapanood na laro. Hindi ko maunawaan ang hype ng bawat isa. Wala akong maintindihan. Basta, ang alam ko lang, mayroong puntos kapag nai-shoot ang bola. Kaya sa isang player lang ako nag-pokus.

"Go, baby ko! Agawin mo ang bola kagaya nang pag-agaw mo sa puso ko. Yie!" Nanindig ang lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang sigaw ni Jala sa aking tabi. Kinilig pa nga ang bruha. "Nangangamoy sampalok din kaya sila? Mukhang mabango. Amoy Johnson's baby powder si Santino. Amoy baby ko." Hagikhik ni Jala sa gilid na sinisimot ang junk food na hawak. Dala niya pa iyon mula sa canteen, bago kami nagtungo sa gym.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon