Ikadalawampu't Anim na Kabanata

100K 2.2K 442
                                    

Kabanata 26

Wedding Dress

Maliit ang bayan ng San Andres, kasing liit ko, konti lang ang available shops sa mismong gitna. Walang ibang mapagpipilian o pwedeng puntahan. Para sa iba, madali lang naman ang makapunta ng kabilang bayan o sa siyudad. That's not the best choice for me. Mabibilang lang ang mga panahong nakatapak ako sa lupa ng siyudad. Wala naman akong maraming pera upang mag-aksaya ng pamasahe.

Dismayado ako sa paghahanap nang isusuot para sa graduation ball. It would be one in a life time, and I decided to go with it. Sariling pera ko naman ang gagamitin. Kung pwede lang at kung kaya ko lang, gusto ko nang magsarili. Mahal ko si tatay for the reason that he is my father, pero hindi ibig sabihin noon, mayroon na siyang karapatang pagsalitaan ako ng kung ano - ano lalo naman kung walang katotohanan.

Hindi ako pag-aari ng mga magulang ko. At sana maisip nilang hindi por que't ako ang mas bata, kailangan ko lang silang intindihin kahit mayroong mali. At hindi por que't anak nila ako, he could torture me with inflicting words.

Naririndi ako sa tuwing maririnig ko ang bawat salita nang panunumbat. Binuhay nila ako, responsibilidad nilang gampanan ang pagiging magulang. Sa totoo lang, hindi iyon utang na loob. It's toxic to think like that.

I sighed loudly. Hindi ko naman akalaing aabot kami sa ganitong punto. Nasasanay na ako sa lamig ng pakikitungo ni tatay. Kahit tingnan ako sa mata, hindi niya magawa.

"Andito na ako," anunsiyo ng aking ina.

Sinalubong ko si nanay sa pintuan. Nagmano ako sa kanya at inabot ko ang basket nitong dala. "Gusto niyo po ba ng maiinom?" Ibinaba ko ang basket sa mesa.

Ngumisi si nanay. "Tubig na lang, Miss. May iba pa bang pagpipilian?" tumatawa nitong tanong habang tinatanggal ang malaking sombrero.

Tumalikod ako at kumuha ng baso. "Mayroon po tayong kape, kung gusto niyo rin po, pwede ko kayong ipagtimpla ng fresh dalandan juice." Kumamot ako sa ulo.

"Okay na ako sa tubig, anak." She just smiled gently and sat on the chair.

Mukhang pagod na naman ang aking ina sa gulayan. Hapon na rin nang makauwi ako, nagsimula na kaming maghanap nang susuotin ni Jala para sa grad ball. Hindi pa ako nakakapagpalit ng school uniform.

Nagsalin ako ng tubig sa baso mula sa pitsel. I handed her the glass of water. Bumalik ako sa kusina para isalansan ang basket ng gulay.

"Nakapili ka na ba ng damit?" Biglang tanong nito matapos uminom.

Lumapit si nanay sa lababo para ilagay ang basong pinag-inuman niya. Tumango ako kahit hindi ko ito sinulyapang muli.

"Pinuntahan na po namin ang ilang shops sa bayan, pero wala pa po kaming nakita." sagot ko. Napaka-arte ni Jala na pumili nang susuotin, pero totoo namang walang kalatoy - latoy ang mga options ng ibang store.

"Mukhang mahihirapan kayong makahanap ng damit, walang masyadong pagpipilian. Ipagtatanong ko rin sa ibang kasamahan kung mayroon silang alam."

Humarap ako kay nanay at ngumiti. "Salamat po," Ibinuka niya ang kanyang braso nang malapad, she extended her hands in the air. Alam ko ang ibig sabihin noon, unti - unti akong lumapit sa kanya at yumakap. I felt her warm hug. Secured ako sa yakap na iyon.

Bumulong siya sa tainga ko. "Dalaga ka na, Sai. Noon lang nakikipag-away ka pa sa grupo ni Teryo." Ramdam ko ang pag-iling niya.

Napanguso ako. "Hanggang ngayon naman po, 'nay, nakikipag-away pa rin ako sa kanila."

Inangat niya ang mukha ko. She looked at me in the eye. "Kamukhang - kamukha ko ikaw. Kahit sa kulay ng balat noong kabataan ko. Hindi mapigilan ng tatay mo ang iyong paglaki." Tumawa ang aking ina bago nagpatuloy. "Minsan masyadong overacting ang tatay mo pagdating sa'yo. Alam kong mayroon kayong tampuhang dalawa. Minsan nakakasakal siya, masama kung makapagsalita. Pero sigurado naman akong gusto lang niya ang makakabuti para sa inyo ni Nena."

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon