Ikalimampu't Dalawang Kabanata

134K 3.6K 1.9K
                                    

Kabanata 52

The Last Piece

My nightmare turned into reality. Ang pinakakinatatakutan kong bagay ay realidad ko na. I was losing my mind every second passes. Blankong - blanko ang utak ko. Dapat ngayon ako matatag para mas mapabilis ang paghahanap kay Trojan pero mas lalong nawala ako sa pokus.

How am I supposed to feel okay if my source of strength is not around? Makita ko lang talaga si Trojan, ibibili ko na siya ng gusto niyang dog. Hahayaan ko na siyang mag-alaga ng puppy.

Gusto ko lang makita ang anak ko. Gusto ko lang siyang mayakap. Gusto kong isiping panaginip lang ang lahat. Iyak ako nang iyak. Ilang beses na namin itong hinanap sa buong kabahayan pero talagang wala ang anak ko.

"Ma'am Sai, ako po yata ang may kasalanan. Pinapasok ko po kasi iyong ano po..." naiiyak nitong wika. "Iyong nanay po ni Gov," pag-amin ni Aling Asuncion. Naiiyak na rin ito.

"Natakot po kasi ako sa kanya, ma'am... sinabi ko pong tatawagin ko po kayo... 'pag balik ko po, wala na siya. Wala na rin yata si Trojan."

Kinagat ko ang labi ko. Hindi naamn ako galit sa mga kasamahan namin sa bahay. I was more anxious. Pumunta ang nanay ni Cadence ng wala akong kaalam - alam. Mas lalong tumindi ang kaba sa aking dibdib. Anong ginawa nito kay Trojan?

"Ma'am, ready na po ang CCTV footage ng buong bahay."

Inalalayan ako ni Emma patungo sa sala. Binigyan nila ako ng tubig na maiinom. My body was still shaking. Huminga ako ng ilang ulit.

Hindi ako gumanti sa kahit anong ginawa nila sa akin. I let them have a peaceful life. Dahil iyon din lang ang kagustuhan ko para sa amin ng anak ko.

Sobra - sobra ng pati ang anak ko ay idadamay nila. Wala silang karapatan. Trojan is just a kid. Limang taon lang ang anak ko! Ni hindi iyon marunong mang-away. Hindi noon ipagtatanggol ang sarili niya.

It's my last straw, if something happens to Trojan, hindi... hindi ko alam ang gagawin ko. Baka makapatay ako ng tao. Ako na lang sana ang inapi nila, 'wag lang ang ang walang kalaban - laban.

"Everly," Cadence called my name.

Agad akong tumayo para salubungin siya. Pawis na pawis ang mukha nito. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"What happened?"

"Si Trojan n-nawawala, iyong mama mo p-pumunta rito... baka kinuha nila si Trojan. Cadence, kailangan kong makita ang anak ko." I was still crying. "Cadence, iyong anak ko!"

"We'll find him, I promise," Inalalayan niya ako patungo sa sala. They are still reviewing the footage. My son was just wandering around.

Hindi maampat ang luha ko sa pagtulo, tama nga ang sinabi ni Aling Cecil, nagdidilig ito ng halaman kanina ng katanghaliang tapat para matuwa ako sa kanya. He really wanted the puppy.

Pumarada ang isang sasakyan sa tapat ng bahay. Bumaba roon ang pamilyar na bulto ng babae, kahit malabo ang kuha ng camera. Kilalang - kilala ko mula ulo hanggang paa. Umaalingasaw ang taglay nitong baho ng pag-uugali.

Hawak ni Cadence ang kamay ko habang pinapanood namin ang screen. Nag-usap sila ni Aling Asuncion. May hesitasyon sa matanda, pero sa huli ay pinapasok din ito ng matanda.

I could still see Trojan outside playing with the plants. Nang makaalis si Aling Asuncion, doon na nakita ni Oleya ang anak ko. Mukhang tinawag niya ang bata. Siguro inakala niyang bisita ang babae, nakapasok na ito sa premises ng aming bahay.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan ng dalawa pero nakatingin lang sa babae ang anak ko. His shoulders started to shake. Trojan was crying.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Cadence. Paano niya nagawang paiyakin ng ganoon ang sarili niyang apo? The next thing we knew, he ran outside the house.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon