Ikalabindalawang Kabanata

109K 2.9K 1.4K
                                    

Kabanata 12

Usapang paglisan...

Ilang araw nang tumatambay sa may amin sina Cadence kasama ang mga pinsan niya. Wala akong konkretong ideya kung bakit madalas silang magawi sa parteng amin o kung anong ginagawa nila. Minsan isa siyang malaking distraksiyon na pagala-gala at sumusulpot sa kung saan. Ipinagkibit - balikat ko lang iyon.

Tinataon nilang nakaalis na si tatay patungong sakahan. Dumadaan sila sa bahay para lang inisin ako. At hindi maiiwasang mayroon silang dalang kung anu - anong pagkaing pinaluto sa mansyon.

Ayokong lumabas ng bahay kapag alam kong nasa paligid lang sila. Nagsimula na akong makaramdam ng hiya sa katawan simula noong binilhan niya ako na panty at napkin. Sino bang hindi makakaramdam ng hiya? Napakakapal ng balat kung ganoon. Isa pa, may porsyentong nahihiya ako kay Cadence dahil crush ko siya.

I don't want him to know. I don't want him to have an idea. Lalaki ang kanyang ulo, mayabang pa naman ang isang iyon.

Halos kasabay nang pagtambay ng mga Ponce, ilang araw na ring nilalagnat si Nena at panay ang iyak. She was devastated not seeing Fieldgar for a week. Hindi na niya nakita ang alagang pusa ilang araw na. Hindi rin siya nakakapasok dahil sa sakit. Walang may ideya ni isa sa amin kung saan pumunta ang pusa ni Nena.

S'yempre, ako agad ang unang suspek sa bahay. Pero hindi naman ako ganoon kasamang tao para iligaw ang kanyang pusa. It won't make me happy that someone's suffering because of what I did. Minsan lang, isang temptasyon ang ideyang iyon. But I will never do it.

Bitbit ang tray na may lamang maliit na palanggana at labakara, pumasok ako sa kwarto ni Nena. Kailangan na rin niyang uminom ng gamot. Kung dati ang sarap niyang asarin na ililigaw ko ang mga pusa niya, awang - awa naman ako sa kalagayan niya ngayon.

Ipinatingin na rin siya ni nanay sa bayan, niresitahan naman ito ng gamot pero hanggang ngayon hindi pa rin gumagaling. Factor din ang attachment niya sa alagang pusa.

I touched her forehead. Mainit pa rin ang kanyang sentido. Itinabi ko ang tray sa gilid ng kanyang higaan.

Napa-buntong hininga ako. "Nena, inom ka na ng gamot." mahina kong sambit. Marahan kong tinapik ang kanyang braso para magising.

She opened her eyes and looked at me. Napuno nang luha ang kanyang mata. I hate seeing her tears. Pinipiga rin noon ang puso ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko hawak ang alaga niyang pusa. I swear, I didn't do anything about her pet.

"Sai," tawag niya sa pangalan ko. "Hindi ko na ikaw aawayin, ibalik mo lang si Fieldgar."

Sumimangot ako. Hindi naman ako ganoon kasama. "Maraming beses ko ngang sinabi, hindi ko naman iniligaw is Fieldgar. Kahit mukha akong hindi katiwa - tiwala, hindi ko naman gagawin iyon."

Inalalayan ko siyang bumangon. I feel for her loss. Ganoon din ang mararamdaman ko kung kay Meow iyon nangyari. I would be devastated. Naks, english na naman.

Matapos niyang uminom ng gamot, pinunasan ko siya ng basang tuwalya na mayroong alcohol. Hindi siya madalas magkasakit pero sobra naman kapag nagkaroon. "Babalik iyon si Fieldgar. Babalikan ka noon. Hindi na siya makakakain ng luto ko kapag hindi siya bumalik." Babalik kung hindi pa ginagawang siopao. Gusto ko sanang isatinig pero baka lalong ma-depress naman si Nena. I bit my lip. Uso pa naman iyong siopao na pusa.

Napailing ako. Another stupid thinking.

"Hindi naman masarap ang luto mo," she even told me. "Baka kaya hindi na siya babalik."

Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon, may sakit siya kaya hindi ko pwedeng awayin. Hindi naman siya marunong magluto. Sobrang nakaka-offend.

Nameywang ako sa harapan niya. "Ikaw na nga itong inaasikaso, ikaw pa iyong may ganang insultuhin ako!" naiiling kong wika. "Kailangan mo nang gumaling, ilang araw ka ng hindi naliligo! Yuck, ang baho mo!"

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon