Unang Kabanata

297K 5.2K 2K
                                    

Kabanata 1

Ponce

Masakit sa balat ang sikat ng araw nang dalhan ko ng pagkain si tatay sa sakahan. Wala akong dalang payong, iyong lunch box lang ang bitbit ko. Nasa gulayan si nanay kaya ako ang naatasang magdala ng pagkain. Ito naman ang gawain ko tuwing bakasyon.

Malawak ang sakahan, ilang hektarya ng lupain ang sakop nito. Ito ang pinamalaki sa lahat ng taniman sa hacienda. Ang hacienda kasi ang nagsu-supply ng bigas sa buong San Andres at sa mga karatig bayan. Well, sobrang laki naman talaga ng hacienda, abot nga yata ito kahit sa Mabato.

Ang hacienda ng mga Ponce...

Katulad ng inaasahan kong madatnan, nakabilad pa rin sila sa araw. May ilang magsasaka ang nakatigil sa mga kubo at nagpapahinga gaya ni Mang Tikin na agad akong binati nang makita n'ya ako, pati ang kutis ko.

"Pasilong po," wika ko. Madali akong pumasok sa kubo.

"Aba, Sai, tanghaling-tapat, nagpapainit ka. Kaya ka lalong umiitim," sabi n'ya habang umiinom ng tubig. Mukhang kasisilong din lang n'ya sa kubo.

Medyo napasimangot ako. "Black is beauty, Mang Tikin. Kumusta po?" Nagmano ako sa matandang kasamahan ni tatay.

"Bless you. Buhay pa naman at kasing-lakas ng kalabaw." tumatawa n'yang sabi. "Medyo malaki ka na ah, dalaga na. Hindi nga lang tumangkad at maitim pa rin. Sobra pa rin kasi sa initan." dagdag n'ya.

Nagkatawanan kami. Naupo ako sa tapat ni Mang Tikin. Ibinaba ko ang lunch box sa tabi ko. Ako rin ang nagluto ng laman noon.

"Grabe, sobra naman po makalait," biro ko. Wala naman kasi sa akin ang mga biruan nila. "Asan po si Amelia?"

Maitim ako. It's an old news. Totoo naman. Siguro dahil madalas ng akong magbilad sa sikat ng araw. Dati, apektadong-apektado ako sa panunuksong maitim ako at madalas na mapaaway. It doesn't matter now. Sumasabay na lang ako sa trip nila. Ano naman kung maitim ako? Does that make me less of a person, huh? Naks! English!

Tumawa s'ya. "Nasa bahay, baka s'ya ang magdala ng pagkain. Magkikita kayo kapag nagkataon. Oh, ayan na pala ang tatay mo. Maiwan ko muna kayo."

Pareho kaming napatingin sa papalapit na pigura. Si tatay nga iyon. Tumayo naman si Mang Tikin at isinuot ang kanyang sombrero. Naglakad s'ya palabas ng kubo.

"Sige po, Mang Tikin. Kain na rin po kayo!" pahabol ko sa matanda.

Sinalubong ko si tatay nang malinis na tuwalya pamahid n'ya ng pawis. Nagmano ako. May dala s'yang malinis na dahon ng saging. Ibinaba n'ya ang kanyang itak sa tabi. Pinaypayan ko si tatay. Nagsalin ako ang tubig sa dala kong baso, iniabot ko iyon sa kanya.

"May dala po akong pagkain. Ako ang nagluto n'yan." pagmamalaki ko, ipinakita ko ang lunchbox na dala ko.

"Kumain na tayo kung ganoon,"

Inilatag n'ya ang dala n'yang dahon ng saging sa maliit na mesa sa kubo. "Maupo na po kayo, 'tay. Ako na ang maghahain ng pagkain." sabi ko. Alam kong pagod s'ya, nakabilad pa sila sa araw.

Sinunod naman n'ya ang sinabi ko. Inuna ko ang sinaing kong kanin, ang prinito kong talong, itlog na maalat na may kamatis at iyong special sauce ko na tuyong may calamansi. Mayroon ding hilaw na mangga.

Nang maihain ko na ang tanghalian namin, we prayed.

"Kain na po," Sumubo na ako ng kanin at ulam. Nagkamay ako, ganoon din si tatay. Madalas namang hindi kami gumamit ng kubyertos lalo na kung sa bukid. Wala namang masama sa pagkakamay, basta malinis.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon