Ikalawang Kabanata

166K 4.2K 2.2K
                                    

Kabanata 2

Ang batis

Siguro sila iyong klase ng mayaman na nagtatapon ng pera o kaya naman iyong nanampal at nagpapamukha kung gaano ang halaga nila, nanunumbat at matapobre. Pwede ring iyong sobrang entitled.

Ang sama ko para husgahan sila gayung hindi ko pa naman sila lubusang kilala... pero inis talaga ako. At kung mamarapatin, huwag ko na sana silang makita. Please lang.

My mind has been clouded by them since they arrived. I'm not sure if I am getting obsessed with my thoughts. Hindi maganda ang ganoon. Hindi healthy!

Pero mas hindi healthy iyong mukhang kalansay na paparating habang nginunguya ang bubble gum sa bibig. Hindi ako sigurado kong iyong bubble gum ba ay bago o iyong nginunguya pa rin nila mula kahapon.

Well, yuck! Ew! Kinikilabutan ako habang iniisip ko iyong bubble gum sa bibig ni Teryo.

"Hoy, itim!"

Ayan na nga sila...

Napapikit ako nang makalapit sa may poso ang grupo nila Teryo at mag-isa lang ako, kasama ang kabayo kong pinakamamahal. At para sa akin, mas mahal pa ang buhay ng kabayo ko sa pinagsama - samang buhay nilang tatlo.

Andito na naman sila Teryo--- iyong mga siga sa amin. Apat sila. Si Teryo, si Rambo, si Mamag at si Jampul. Ang F4 na jejemon!

Akala yata pag-aari nila ang hacienda. Sila iyong mga peste rito sa Tagbakan. Feeling din kamo! Akala mo gwapo. Marami talagang namamatay sa maling akala. Pinasadahan ni Teryo ang pulang buhok n'ya ng kamay.

Medyo nakakaangat ang pamilya nila kumpara sa karamihan dito, kaya ganoon sila kung umasta. Napakayabang! Pero pare - pareho lang naman kaming trabahador ng hacienda.

Mabilis akong nagbomba sa poso. Pinainom ko ang kabayo ko at saka pinapaliguan nang sumulpot ang grupo nila Teryo. Kasama nito ang mga kaibigan n'yang mukhang hindi naliligo. Mukha pa ngang mas naliligo si Meow kaysa sa kanila.

Hindi ko sila pinansin. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Nakabalik ka na pala, itim. Kailan ka pa? Siguro hindi ka lang talaga namin makita." pasimula ni Teryo. Nagsitawanan naman ang mga kasama n'ya.

Mukhang wala ako sa radar nila. Buti naman.

Sumulyap ako sa kanilang apat. Nakataas na naman ang buhok n'ya gamit ang pipisuhing gel. He also dyed his hair red. Hindi ko alam kung sino ang peg n'yang gayahin. Mukha s'yang ewan. Isa s'yang palong ng manok na tinubuan ng mukha. Nakakaasar tingnan. Pasimple ko silang inirapan.

Muli sana akong magbobomba pero hinarangan nila ang dadaanan ko. "Isnabera ang anak ng dilim!" ngising-ngisi si Jampul, mukha s'yang tubol. Ang dilaw ng ngipin n'ya.

Ang lakas n'yang mang-asar ng anak ng dilim, e halos hindi kami magkalayo ng kulay. Nagtawanan silang apat.

Umitim lang ako ng konti dahil nanatili ako sa Alibijaban ng isang linggo at wala akong ibang ginawa kung hindi maligo sa dagat.

"Wala akong time sa inyo, pwede ba umalis kayo sa harapan ko? May ginagawa ako kung hindi n'yo nakikita!" mariin kong wika. Pinilit kong dumaan.

"Ikaw lang naman ang hindi namin nakikita!" kantyaw ni Rambo.

Muli silang nagtawanan. Ang sarap dukutin ng malaki n'yang mata.

At least, ako kahit maitim, mukha naman akong tao. Hindi kagaya nila. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Tatabi ba kayo o sa inyo ko ibubuhos itong tirang tubig na ininuman ng kabayo ko?"

Nakipagtitigan ako kay Teryo nang masama. Nakangisi s'yang parang aso. Nakapalibot sila sa akin at kay Meow, ang kabayo ko. "Saan mo kinukuha ang tapang mo sa liit mong 'yan?"

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon