Ikalabing-apat na Kabanata

115K 2.7K 796
                                    

Kabanata 14

Heart takes the credit

Ilang araw nang nagkakampo sa utak ko ang sinabi ni Cadence. Ang pangako niya sa batis namin. We found it, so the batis is ours.

He's mine? What does that mean? Sa lahat ng tao, ako lang yata iyong ayaw siyang itali sa akin o sa kahit na sino. I want him to explore and fly on his own. If he already reached his goals in life, siguro pwede na roon.

Masyadong malawak ang mundo, matagal ang panahon. Pwedeng magbago ang lahat to be so certain about things. To be certain about a promise. It's too good. Everything that has "too" in the sentence, either way, is going to be a trap. Lahat ng sobra, nakakasama. I have not lived my whole life yet, pero may ganoon na akong isip.

Nang sabihin niya ang mga katagang iyon sa akin, it feels good. For the record, naniniwala ako. There's something about it, I can't explain further. There's somewhat a sense of security and assurance. He gives me that feeling. It's a good feeling. Pinanghahawakan ko ang good feeling na iyon.

"Sai," bulong ni Jala sa tabi ko. Ilang ulit niya akong siniko sa gilid ng kanyang upuan.

I almost jumped out of my seat. Bumalik ako sa realidad nang marinig ko ang mahinang tawanan ng mga kaklase ko. I blushed profusely. At least, hindi kita. Way to go, my dear skin.

"Ms. Maligno, you're spacing out. Is there a problem?" Mrs. Carpio asked me. Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Baka gusto mong i-share sa klase natin."

I bit my lip and shook my head. Nakakahiya. It's such a disgrace that I was spotted not paying attention by a teacher. Big deal iyon sa akin. Muli akong tumingin sa harapan, ayoko sanang makipag-eye contact, but she has hawk's eyes and they were unavoidable.

Sinukat niya ang titig ko bago muling magsalita. "As I was saying, exam week na sa susunod na linggo. Well, you have to review and do your best, I want good results. Dapat hindi kayo absent-minded at focus kayo sa exam. Know your priorities." She bid us goodbye. Mabilis siyang lumabas ng room namin.

Pakiramdam ko ako ang pinatutungkulan ng kanyang huling sinabi. Nanlumo ako sa pagkakaupo. Gusto kong lumubog sa kahihiyan. I know my priorities! Muli kong kinagat ang aking labi bago ako humarap kay Jala na nag-aayos ng gamit sa kanyang bag. Lunch time na.

"Nakakahiya kay Mrs. Carpio! Feeling ko na-disappoint siya sa akin." agad kong wika.

Bumaling siya sa akin ng tingin habang isinusukbit ang kanyang bag sa likod. "Ano? Anong nakakahiya?"

Napatitig ako sa kanya nang hindi makapaniwala. Inirapan ko siya. Isinilid ko ang notebook ko sa aking bag at ballpen sa case. Humalakhak si Jala. "Hindi ko alam kung bakit ka nahihiya, it's a normal thing. Fifteen minutes lang ang pinakang matagal na attention span ng tao sa isang bagay. Don't yah worry, my friend. Lahat tayo, dumaan sa ganyan. Hindi maiiwasan. Sanay na sanay na ako,"

She makes sense. I nodded at her. But it's unlikely of me. Hindi naman ako absent-minded na tao. She's right. Maging si Jala man ang pag-alayan ng pangako ng isang Ponce, matutulala rin siya buong araw. Baka maglupasay pa siya.

Sabay kaming lumabas ni Jala sa room. We both saw Cadence standing near the door waiting for me. With his height, sobrang stand out siya roon. Mukha siyang kapre. Gwapong kapre.

Walang palya siyang pumupunta sa room namin kahit busy rin siya sa senior high. Ang counted lang na hindi siya pumunta, noong minsang nainis siya sa akin sa pagtawa ko sa kanyang sulat-kamay. Nakakatawa pa rin tuwing naaalala ko iyon.

Jala looked at me with nang-aasar na expression. "See you later, Sai! Enjoy your lunch!" she waved goodbye at me. "Which I'm sure, you are going to really enjoy!" pang-aasar niya. Pati kay Cadence, kumaway siya at nagpaalam.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon