Ikadalawampu't Walong Kabanata

92.4K 2.2K 730
                                    

Kabanata 28

Moving up

"Seryoso?!" Sinapak ko ang braso ni Cadence. "Bakit nga tayo andito?!" I hissed at him again.

Umikot ang mata ko sa madilim na parte ng simbahan. Sabi ng matatanda, bukod sa mga hospital, mas maraming ligaw na kaluluwa sa simbahan. Ewan ko ba kay Cadence, horror story yata iyong sa aming dalawa.

"Magpapakasal nga!?" cool na cool nitong sagot.

Napailing ako sa narinig. Mukhang nagpapahinga na ang mga tao sa kumbento. Nakakahiya naman kung magigising sila dahil sa kagagawan ni Cadence. Hinablot niya ang kamay ko at hinila patungong entrance. Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya at makipagsabayan sa mahahaba niyang biyas.

Bukas na bukas ang simbahan para sa lahat sa kahit anong pagkakataon. Hindi na ako nagulat kung nabuksan iyon ni Cadence ng itulak niya ang pinto. Hindi naman gaanong madilim ang kabuuan, may mga lamparang nakapalibot sa buong simbahan. I could also see a glimpse of the moon.

"Mauuna akong maglakad sa aisle. You can start walking as soon as I arrived there." Tiningnan ko ang kapre ng ilang segundo. I was still thinking if he meant us to get a wedding play.

"Seryoso ka ba talaga?" kalmado na ako.

"I've never been this serious." He said and chuckled. Pinisil niya ang ilong ko. "Come on, let's do this. Hindi naman kita pipikutin. Kahit gusto pa kitang itali, hindi pa naman pwede."

"Baliw!" Inirapan ko ito.

"Totoo naman," His hands went to his pockets and shrugged. "We can't make this real yet. The ironic thing was, our ancestors married at the young age. Now, that's just unacceptable."

Muli ko siyang inirapan. "Oo na, dami mo pang sinabi. Kainis ka!" Itinulak ko siya papalayo sa akin, tumawa lang ang kapre bilang sagot. Lumakad ito papalapit ng altar, nanatili ako sa bukana ng simabahan habang naglalakad siya papalayo sa tayo ko. It was just the two of us. In the middle of the night. In the church.

Hawak ko ang isang piraso ng sunflower mula sa binigay niyang bouquet. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba. Ganito rin ba ang nararamdaman ng isang tao sa totoong kasal? Mayroong kaba, nakaka-excite at masaya. Halo - halong emosyon.

Tumigil si Cadence sa gitna ng altar at humarap sa akin nang nakangisi. Hinagod pa nito ang kamay sa buhok. I really find his gesture attractive. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kukote ni Cadence. I wonder, nakikita kaya niya ako? O baka mayroong damit na naglalakad sa gitna ng aisle.

Huminga ako nang malalim at nagsimulang humakbang papalapit sa tayo ni Cadence. Hindi ako ngumiti sa kanya. Ramdam ko pa rin ang malakas na pagtibok ng puso ko. My palms were sweaty against the stem of the sunflower.

It was silent, but there was rhythm. Siguro sa tibok ng puso ko. Mabagal at kalkulado ang paghakbang ko. Sa kanya lang nakatuon ang aking mata, hindi ko magawang ibaling sa iba ang paningin ko. Tanging bukas na lampara lang ang nakatunghay sa aming pag-iisang dibdib 'kuno' at ang mga santong nasa simbahan.

The dim lights were doing Cadence a favor. Ang pogi niya sa paningin ko. Few more steps, magpapantay na kaming dalawa. Siya lang ang tinitingnan ko buong durasyon ng aking paglalakad. Hindi ko man lang napansin ang isang baitang sa may altar.

I tripped and fell.

"Shit!" Cadence cursed.

Agad ako nitong dinaluhan, lupasay na ang aking katawan sa floor. Ibinangon ako ni Cadence, my head rested on his arms. Habol ko ang aking paghinga. "How do you feel? Did you hit your head on the fucking floor?"

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon