Huling Kabanata

181K 4.8K 5.2K
                                    

Huling Kabanata

Cadence Beckham Ponce

Peace. That's how it is. She loves the green scenery, the trees and nature view.

My son was holding a bouquet for the epitaph in front of us. Inilagay niya ang bulaklak sa ibabaw ng puntod. It's been five years. Matagal na rin. Tinapik ko ang kanyang braso.

"Anak, be careful with the flowers. That's your mom's favorite." paalala ko kay Miracle.

He smiled and nodded. Bumaling siyang muli sa puntod. "Nami-miss ka na po namin... miss na miss po."

***

Dumating ako sa bahay na nagkakagulo. Agad na lumapit sa akin si Via. Olivia, my little sister. Siya ang bunso. Ako ang panganay. Mayroon pang isa kaming kapatid. His name is Hadley. He's the middle child and the least favorite.

Tinapon ko ang bag sa couch. Via hugged me. "What's the commotion?"

"We're going to the province! Like yuck! Ano naman ang gagawin natin doon? That's just for the poor! I don't even know that place even exist, e! I'm going to be miserable." aniya.

Napailing ako. A girl can be so dramatic. Sometimes, it irritates me.

"Ang arte mo, Via! Your attitude is the only poor here. Mana ka kay mama." rinig ko si Hadley.

Tinaasan ko ito ng kilay. Pinapansin pa niya, kaya lalong magagalit ang isa.

"What happened?" Ako na lang ang walang alam sa balita. School's done.

"Lolo Fausto requested our presence in the hacienda. Tumatanda na ito, gusto niyang makapiling tayo. What do you think, kuya?" tanong nito.

Mangangampanya rin ang Papa sa balwarte. That's their goal. Naisip nitong tumakbo sa pagka-gobernador.

Nagkibit - balikat ako. "Hindi ako tatagal doon, I have a life in Manila." sagot ko sa kapatid ko.

Namataan ko ang papasok ng Mama. Posturang - postura ang ayos nito. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.

Kung iyon ang request ng matanda, there's no doubt, we can't decline it.

I have never been in that part. Hindi naman tago ang maraming ari - arian ang aming angkan. Narinig ko na ito ng minsan. Ang Tagbakan. It was a hacienda. Definitely, boring. What's enjoyable about thick trees and ricefields? Such a waste of time. Maybe, Via was right. It is going to be a miserable vacation.

Lolo can't make me stay in that forsaken place, unless there's really something interesting.

Inabot ang biyahe ng mahigit sampung oras. Everyone was tired. Mabako ang daan papasok ng hacienda, nabulabog noon ang pagtulog ko.

Siniko ako ni Lorenzo. "Feeling celebrity? Ang daming nakaabang." Tumawa ang gago.

May iilang tao ang nakasilip sa labas. They were looking at the vans passing by. Kumunot ang noo ko nang matanaw ang babaeng nakaupo sa putikan. She was covered with dirt and mud. Pumailanlang ang tawa ni Lorenzo sa loob ng van.

Tumigil ang van sa tapat ng babae. Titig na titig ito sa tinted na sasakyan. Her eyes looked like dagger, ready to kill. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng babae. Morena, matapang ang mata, maganda ang hugis ng ilong. Bumukas ang van.

"Miss, do you need help?"

The girl didn't say anything. She was looking at Khalil. Tumikhim ako. "Leave her be. Mukha namang pipi ang isang iyan."

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon