Ikaapatnapu't Siyam na Kabanata

147K 3.7K 2.8K
                                    

Kabanata 49

Artista

"Thank you, Dustin, for the invitation. Ngayon lang namin napaunlakan." nakangiti kong sinabi.

Finally, nangyari din ang dinner na ipinangako namin kay chef Dustin. Kasama ko si Emma at ang aking anak. Inimbitahan niya kami sa unit niya. The unit reminded me of what happened with me years ago. Sa isang unit nagsimulang gumuho ang pag-asa ko.

Huminga ako ng malalim. I shouldn't think of that. We are here to enjoy the dinner prepared by the chef. Ang dami niyang inihandang dishes. They looked great, even the plating was thought thoroughly.

Bigla akong nakaramdam ng hiya, ginataang kalabasa lang ang pinakain ko sa kanya noon sa apartment. Samantalang pinaghandaan niya ang dinner naming ito.

Hindi ko rin naman kasi inaasahang darating siya. Pero mas lalong hindi ko inaasahan ang isang taong nagbalik. He wrecked the peace in my world.

"Enjoying the food? Medyo kinakabahan ako, baka hindi niyo magustuhan." There was a subtle smile on Dustin's face.

"Two thumbs up po, chef!" sagot naman ng anak kong may two thumbs up nga na gesture ang kamay.

I nodded. Masarap naman talaga magluto ang lalaki. Kaya marami ang tumatangkilik sa restaurant. Bukod sa pagkain, sigurado akong upang masilayan din siya ang isa sa mga dahilan.

"Pwede na," Emma answered.

Nawala naman ang ngiti ng lalaki. Sinipa ko sa ilalim ng table ang paa ni Emma. Wala rin talaga ang preno ng bunganga nito. It was still offensive. Napangiwi ako.

Binaling ko na lang ang atensyon sa pagkain. Mabuti na lang naisalba ng daldal ng anak ko ang dinner. Sila ni Dustin ang madalas na nag-usap. My son is naturally curious about things, he asks.

"Trojan, do you know the best part of a dinner?" asked Dustin.

Curious na curious naman ang anak kong tumingin sa lalaki. "Ano po, chef?" magalang nitong tanong.

"Desserts!" He enthusiastically said. "Please, excuse me, I'm gonna go get the desserts. Tumayo naman ang lalaki at nagtungo sa kusina.

Trojan looked excited. Baka nga totoong dessert ang highlight ng dinner, mahilig din ang anak ko sa pagkaing matatamis.

There were three options of what he brought. "Chocolate cream cheese truffles, strawberry cream cheesecake and mint chocolate ice cream." Ang daming hinanda ni Dustin.

Manghang - mangha naman ang anak ko. "Pwede po ba akong tumikim ng lahat ng iyan po, chef? Konti lang po." Trojan asked cutely. Magkapatong pa ang kanyang dalawang kamay, para itong nagpi-pray na bigyan siya ng grasya.

"Konti lang, anak, ha. Baka naman sumakit ang tiyan mo n'yan. Ang dami mo pa namang kinain at maglahok." paalala ko naman dito.

Si Dustin ang nag-asikaso sa anak ko. He gave him a generous slice of the cake, two truffles and one scoop of mint chocolate ice cream.

Kailangan ko rin siyang painumin ng maraming tubig mamaya. There are too many sweets. I just put a small amount of strawberry cheesecake on my plate. Hindi ako masyadong fan ng sweets. Mabilis akong magsawa.

"Thank you, Dustin. We enjoyed the food. Parang may fiesta sa dami ng handa. We are grateful for the invitation." Totoong nabusog ako sa masarap na hapunan.

"Hey, no problem. You guys are always welcome. Sana hindi pa ito ang huling beses na makapag-dinner tayo."

Nawala ang atensyon ko kay chef ng may kumalabit sa aking tagiliran. When I looked down, I saw Trojan reaching out to me. Bahagyang namamawis na ang noo nito. Kumuha naman ako ng panyo upang punasan ang kanyang noo. Something's not right.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon