Ikadalawampu't Pitong Kabanata

105K 2.3K 517
                                    

 Kabanata 27

Confession

Hinatid ako ni Teryo sa may bukana ng Tagbakan gamit ang kanyang motorsiklo. Ramdam na ramdam ko ang hangin sa aking balat sa kaskas ng pagpapatakbo niya. Napailing ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang talagang suot ko ang wedding dress ni nanay.

Dadalo ako ng grad ball ng suot ang isang wedding dress. May masamang pamahiin ba sa ganoon? Wala akong ideya.

Huminga ako nang malalim. Hindi tamang nag-iisip ako ng mga bagay na ikasasakit ng ulo ko. For once, I let myself attend an event out of my comfort zone. Dapat lang na maging masaya ang gabing ito.

Halos masilaw ako sa nakaparadang jeep wrangler sa bukana. I was relieved to see it, at least, hindi ako magtittis sa isang fancy car nang nahihilo at gustong masuka sa amoy ng aircon. Cadence took that into consideration.

Naaninag ko ang ilang bultong nakapalibot sa sasakyan. Alam kong ang feeling F4 ang kasama ni Cadence. He has been friends with them since the last three years ago. Hindi ko magawang maintindihan kung anong nakita niya sa grupo ni Teryo. Sang-ayon naman akong maaasahan sila pagdating sa kalokohang taglay.

"Oh, Teryo, my prend, akala ko ba ihahatid mo si Sai? Bakit lumulutang na damit lang ang kasama mo?" Napairap ako sa ere nang marinig ko si Rambo, inalalayan ako ni Teryo na bumaba ng kanyang motorsiklo. Tumatawa - tawa ang lalaki sa turan ng kaibigan niya.

Pasmado ang bibig, akala naman gwapo. Mukha pa rin silang tubol. Pinigilan kong manggigil sa kanilang dalawa, pinagpag ko ang suot kong dress nang makababa ako ng motorsiklo. Tinanggal ko ang helmet na pinasuot sa akin ni Teryo. I was hoping, hindi noon nasira ang pagkakaayos ni Jutay sa buhok ko.

"Ayos, ah."

"Talagang ayos," Muli akong umirap. I pursed my lips and looked around to see Cadence.

Sakto naman ang pagharap nito sa akin, mukhang mayroon pa itong kausap sa cellphone na hawak. The moment our eyes met, the corniest passage in the pocketbooks I have read before, parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko at tanging siya lang ang mahalaga. Titig na titig din ang kapre sa akin.

Imbes na magsawa ako sa pagmumukha ng binata, araw - araw ko naman itong nakikita, hindi iyon mangyari. I was drawn even more to his face. Sa makakapal niyang kilay, defined jaws na kayang magparamdam ng inis o galit, matangos ang kanyang ilong at may mapulang labi. He wasn't the boy I met the first time, he grown up to be a good-looking man. Mas lalo siyang gumwapo. Mas lalong naging defined ang aura niya.

Good-looking beast. Kapre pa rin siya hanggang ngayon sa paningin ko. He is taller than he was before. Kung matangkad na siya sa akin noon, mas lalo na ngayon.

Bumalik ako sa realidad nang makarinig ako ng pagtikhim. Ilang ulit na umubo ang feeling F4. Nag-init ang pisngi ko. Nakatulala ako kay Cadence nang matagal, nasaksihan pa iyon ng mga tsismosong mukhang unggoy.

"Ehem, ehem." Sinapo pa ni Jampul ang kanyang dibdib. "Ano? Magtitigan na lang ba kayo buong magdamag, boss? Baka kayo'y mahuli na sa pupuntahan."

"Pagabi na rin, sibat na kami, boss. Naihatid na naman namin ang anak ng dilim," sang-ayon ni Teryo.

Humalukipkip si Cadence at naglakad patungo sa tayo ko. "One more thing, take our picture." He was referring to them.

"Piktyur piktyur daw!" si Mamag ang nagsalita. "Groupie!"

Umiling si Cadence na halata ang kunot sa noo. Natawa ako ng biglang um-arko ang kilay nito. "Kami lang dalawa. Hindi kayo kasama," His tone was firm.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon