PROLOGUE

314K 6.9K 5.7K
                                    

PROLOGUE

Sai Everly Maligno's

Buntis ako.

Iyon ang nakalagay sa hawak kong pregnancy test kit. Dalawang guhit. Ibig sabihin buntis ako. May laman nang buhay ang aking t'yan. Maka-ilang beses kong inulit ang P.T. na binili ko pa sa bayan at isa lang ang lumabas na resulta kundi iyong dalawang linya. I am really pregnant.

Napahawak ako sa gilid na dingding ng aming banyo na gawa mula sa pawid. Nanginginig ang buong katawan ko, kahit ang labi ko. At kung hindi ako makakahawak ng suporta, mabubuwal ako sa aking tayo.

Wala akong sakit. Iyong pagduduwal ko at pagbaliktad ng aking sikmura, iisa lang ang ibig sabihin. Pati ang pagdalas kong dalawin ng antok at pagkahilig sa maasim na mangga.

Gusto kong humagulhol sa takot. Paano ko sasabihin kay nanay at tatay? They won't accept it. I am only eighteen. Wala pa ako sa senior high, hindi ko pa kayang mabuhay sa sarili kong paa. Nahuli ako sa pagpasok noon. They are conservative. Isa itong malaking kasalanan at kahihiyan para sa kanila.

Ni hindi nila alam na may nobyo ako. Masyado pa akong bata. Pero nakagawa na kami ng panibagong bata.

Mas lalo akong nataranta ng muling bumaliktad ang sikmura ko. Agad akog dumuwal sa nakaharap na bowl. Lalong umaalat ang panlasa ko, nanghihina ako. Ramdam ko ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. Para itong aalpas sa takot.

May marahas na pagkatok akong narinig. "Hoy! May tao ba riyan sa loob? Natatae na ako!" mula sa labas, rinig kong sigaw ng pinsan kong si Nena. I was older than her.

Hindi ako magkandaugagang tinipon ang nagkalat na test kits sa lapag ng banyo. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Itinago ko iyon sa aking likod bago ko binuksan ang pintuan ng banyo.

"Sai, and'yan ka pala! Natatae na talaga ako," she said. May dala s'yang timba ng tubig. Tumungo ako at lumabas ng banyo para bigyan s'ya nang daan na makapasok. Nanginginig ang tuhod ko pero pinilit kong hindi magpahalata.

"Hoy, ayos ka lang ba? Namumutla ka. May sakit ka pa rin?" nag-aalalang tanong n'ya. Sinipat n'ya akong maigi. Inilagay n'ya rin ang kanyang kamay sa leeg ko para damhin ang aking temperatura. Mukhang napansin n'ya ang ayos ko. Alam kong mukha akong zombie.

I shook my head. Pinilit ko s'yang ngitian. "A-ayos lang ako. S-sige, una na ako." iniwas ko ang sarili ko sa kamay n'ya at nanunuring mata.

Mabilis akong naglakad paalis ng banyo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong ideya. Puno ng takot ang kalamnan ko.

Muli kong tiningnan ang hawak kong test kits. Tatlo iyon na pare-pareho ang resulta. Buntis ako.

Nahinto ako sa paglalakad at pinahid ko ang luha sa aking mata. I cleared my mind to think. Isa lang ang naiisip kong gawin ngayon. I will tell Cadence. I will tell him that I'm pregnant. Mahal n'ya ako. He will sort things out. Malalampasan namin ito.

Dala ang panibagong lakas at pag-asa, nagtungo ako sa batis kung saan una ko s'yang nakita. At madalas ding tambayan naming dalawa. We even made love to that place. It's our sacred sanctuary.

I was right. He was there. Nakasandal s'ya sa puno ng mangga habang nakapikit ang mga mata. I smiled when he looked at me. Ang gwapo talaga ni Cadence. Parang isa siyang character sa mga nababasa kong pocket book stories. He possessed that good-looking features. Kahit twenty pa lang s'ya.

Nakapamulsa s'yang lumakad papalapit sa'kin. Binigyan ko s'ya nang isang mahigpit na yakap. Nang bumitiw ako sa kanya, nakatingin s'ya sa akin ng seryoso.

"May sasabihin ako." sabay naming sabi.

I smiled. "Ikaw muna." pagpaparaya ko, makakapaghintay pa naman ang sasabihin ko.

Humugot s'ya nang malalim na paghinga. "I'm leaving, Everly." walang emosyon n'yang wika.

Humigpit ang hawak ko sa pregnancy test kits. Nagguluhan akong tumingin sa kanya. "Saan? Kailan ka babalik? Hindi pa tapos ang bakasyon n'yo rito 'di ba?""

His lips thinned. "I'm leaving for good."

"Hindi ko maintindihan." I was shaking my head while biting my lip. Gusto kong maiyak. "Paano ako? Paano tayo?"

"Walang tayo."

That broke my heart. Literally. Ano iyon? Ganoon na lang iyon? Walang kami? Ibig sabihin, ni minsan hindi n'ya man lang ako minahal?

"You should be thankful I have the decency to end what you think we have. I just had fun. You had fun. That's it. Nothing more. Nothing less."

Mas lalong kumirot ang puso ko. How dare he say that? Everything I felt for him was real.

Huminga ako nang malalim. Pinilit kong hindi umiyak sa harapan n'ya. "Cadence, buntis ako."

I showed him the test kits. My eyes were pleading at him. "Paano kami ni baby? H-hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito kay tatay. Magagalit sila sa'kin. Cadence, I need you."

Umigting ang panga n'ya. "I'm not up for this, Everly. Hindi kita pinilit makipagtalik sa'kin. You gave yourself to me willingly. Wala akong pananagutan d'yan. Kung gusto mo, ipalaglag mo ang bata."

Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin s'ya. Sobra-sobra ang sakit na nararamdaman ko, patuloy din ang pagluha ko. Hindi ko naman alam na gago pala ang lalaking minahal ko.

Nagulat ako nang sampalin n'ya rin ako. Halos nabitawan ko ang test kits sa kamay ko. "Don't act like a saint, ginusto mo 'yan. 'Wag ka mag-inarte. It was just a game. I don't why you aren't aware from the start." he said coldly. Iniwan n'ya akong namamanhid ang mukha.

Hindi na ako makahinga sa nangyari. I wanted to slap myself again. Kung panaginip lang ito, sana magising na ako.

"Cadence!" sigaw ko sa papalayong bulto ng lalaki. Hindi na maampat ang luha ko.

He never looked back again.

Nanghihina akong napaupo sa batuhan ng batis. I was just looking at his retreating back. Hoping he would come back and tell me, I shouldn't be afraid.

It didn't happen.

Gumabi na. Walang bumalik sa'kin. Hindi n'ya ako binalikan.

I was just sitting there. Yakap-yakap ko ang tuhod ko, crying really hard.

So stupid of me to fall for Cadence Beckham Ponce... So stupid of me to fall for the Governor's son...

***

WARNING:

READ AT YOUR OWN RISK. NO MINORS.

Addressing the issues in TGS, trigger warning (pedophilia). This one's for the readers who called out and expressed their concerns with Sai and Cadence's age gap. The first draft was originally 17 and 13 of age. It was my fault with my ignorance back then. I'm deeply sorry for that. To tell you, I've read stories with characters having a huge age gaps, what I didn't realize before that age gaps like that are only applicable to mature age or legal age and not with minors. I was careless to write such story, and I promise to improve and be mindful of what I write from now on. I'm on the process of editing the wattpad version, please bear with me if you're confused with the age (the age will be 15 and 17 on their first meeting). I haven't edited all the chapters. But on the book version, (it's 16 and 17). Again, I'm sorry for my careless writing and ignorance with such topic.

It would be helpful to be educated about the topics I'm ignorant or lack knowledge about, instead of being chastised. Salamat po sa mga puna. I'm learning from you as well.

It's up to you if you want to continue reading.

It's not edited yet.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon