Ikalimampung Kabanata

161K 3.7K 1.9K
                                    

Kabanata 50

Politiko

One thing is for sure, Trojan loved the crowd and he is well-received by the people. Mukhang susunod pa ito sa yapak ng kanyang ama. Wala namang problema sa akin iyon. I want him to be someone he want to be.

Susuportahan ko siya sa kanyang mga pangarap, pero kapag naligaw ito ng landas at nangurakot, papaluin ko talaga siya anuman ang kanyang edad. I'm raising him well.

May humila sa braso ko. "Excuse me, miss. Are you the girlfriend?" I blinked several times. Hindi agad na-proseso sa utak ko ang tanong. Binitiwan ako ng babae ng may lumapit sa kanyang isa pang babae.

"Baka naman assistant lang ni Gov," Tumawa pa ito. "Ikaw naman masyadong malisyosa. Pasensya na, miss, ha."

Iniwan ako ng dalawa ng hindi nakakapagsalita. Napanganga ako. What just happened?

Bumaling ang tingin ko sa harap kung nasaan ang aking mag-ama. Nakakarga na si Trojan kay Cadence na may cast ang isang braso. Tumaas ang kilay ko nang makita ang cast nito. Naaksidente ba ang lalaki?

Cadence was looking at me as I walked towards them. Narinig kong nakikipag-usap si Trojan sa mga taong mayroong hawak ng camera. Hindi ko alam kung nagpapa-picture ang anak ko sa kanila. It seems so.

"Parang question and answer tayo," sabi ng isang lalaki sa anak ko. "Anak ka ba ni Gov? Bakit ang taba mo?"

Tumango naman ang anak ko habang hindi humihiwalay sa ama na may kausap na ibang tao. The media were diverted to my son. Kumunot ang noo ko nang marinig ang tanong.

"Opo, anak po ako ni tatay! Masama po ba maging mataba? Masarap po nanay ko magluto, tapos po gusto ko kumain. Saka sabi po ng teacher ko, kailangan daw po ng fats na restored sa katawan para po may gagamitin po ako kapag emergency tapos gutom na po ako. Science po iyon," bibong sagot ng anak ko.

"Kaya kawawa naman po ikaw kapag nagkaroon ng emergency, wala ka pong fats na gagamitin." patungkol niya sa lalaking nagtanong. Napa-face palm naman ako.

May parte sa aking nahihiyang tumuloy sa paglapit sa mag-ama ko. Ang daming matang nakamasid. Maraming tao sa covered court na nagsisilbing evacuation center ng maraming pamilya.

Sa kabilang gilid ay mayroong mga taong nagluluto ng pantawid gutom. At marami rin ang gumagawa ng pagre-repack ng mga delata at instant noodles. Meron ding mga sabon, hygiene kits at mga damit. Mukhang maayos naman ang pamamalakad ni Cadence.

Nakalimutan kong magpasalamat sa mga sundalong tumulong sa amin upang makarating ng Mulanay. Mamaya ko na lang pasasalamatan ang mga ito.

Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa aking kamay. Pinagsalikop nito ang aming mga daliri. Nag-init ang aking pisngi nang mapagtanto ang ginawa ni Cadence. Wala na sa mga bisig nito ang anak ko.

I looked around to see him playing with his new found friends. Pinagtutuunan din ito ng camera ng mga reporters na mukhang aliw na aliw sa anak ko. May dalang toys si Trojan na pinapahiram niya sa mga batang nasa evacuation.

Kinagat ko ang aking labi ng may buhatin ang aking anak na batang lalaking mas maliit sa kanya. Tawa sila nang tawa.

"Trojan, baka maibagsak mo ang bata!" nag-aalala kong sambit.

"Hindi po, nanay! Kaya po ni Trojan!" Hindi rin mapigilan ang likot ng anak ko, mangungunsumisyon pa yata ako.

"Hayaan mo na, he can take care of himself." bulong sa tainga ko ni Cadence.

Dumako ang aking paningin sa magkahugpong kamay naming dalawa. Pasimple ko iyong kinurot, ngumisi lang ang lalaki at hindi pa rin ako binitiwan.

Inginuso ko ang cast sa kanyang braso. "Anong nangyari d'yan?" I asked him.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon