Ikaapatnapu't Isang Kabanata

137K 3.7K 1.3K
                                    

Kabanata 41

Questions

Hindi pa rin ako makapaniwalang natanggap ako sa trabaho. Ang buong akala ko wala na akong pag-asang makuha ang position matapos ang interview. It didn't quite turned out well.

Pakiwari kong hindi ako nagustuhan ng interviewer sa matabil kong dila. Hindi ako nakapagpigil na sumagot dito. Pero heto nga't natanggap pa rin ako. Ganoon yata talaga kapag mayroong lucky charm. Bilog na bilog pa naman iyong lucky charm ni nanay.

Pumasok ako ng kwarto naming mag-ina, paiyak na ang anak ko. Humihikbi na ito kahit hindi pa nakamulat ang mata. Hindi ito sanay na hindi ako kapiling sa pagtulog, kapag nagising siya ng hatinggabi na wala ako, iiyak ito nang iiyak. Kahit katabi niya sa pagtulog si Mr. Johnny ang stuffed toy niyang malaking bear, hindi pa rin ito makampante hangga't wala ako.

I sighed. Mabilis kong inilapag ang gamit kong dala. Hinubad ko rin ang uniform ng restaurant at nilugay ang aking buhok. Mabilis akong sumampa sa kama para daluhan siya.

Niyakap ko papalapit sa akin ang aking anak, hinalikan ko ang kanyang noo. His chubby arms wrapped around me, he instantly stopped crying. Trojan Miracle knew his nanay's presence even without him opening his eyes to see me. Hinding - hindi ko ipagpapalit ang bond namin sa kahit ano.

Nag-usap na kaming dalawa bago ako magtrabaho sa restaurant. Alam niyang panggabi si nanay. Sabi niya big boy na raw siya, kaya na niyang matulog na mag-isa. Pero pagdating ko pa rin ng madaling araw, naiiyak pa rin ito.

"Big boy nga ni nanay si Trojan Miracle," natatawa kong wika habang pinagmamasdan siya. "Mahal na mahal iyan ni nanay." Pinugpog ko siya ng halik sa mukha.

Seeing my child, all my worries and stress vanished out of thin air. Napapalitan iyon ng kasiyahan. My body was fully recharged. Walang hindi kakayanin ang isang ina para sa kanyang anak.

Nagising ako nang mayroong mga basang halik ang umuulan sa aking mukha. Nagmulat ako ng aking mata sa inosenteng baby na pinagmamasdan ang pagtulog ko. Pinahid ko ang aking mukha.

"Nanay, may morning stars ka po," Tinuro pa niya ang left eye ko. Napailing naman ako at kinusot ang aking matang itinuro niya. "Good morning po, nanay. May pasok po si Trojan. Gising na po ikaw."

Kinagat ko ang aking labi. "'Nak, sabado po ngayon," marahan kong sinabi.

Trojan Miracle was already attending pre-school. He was very excited going to school. Pang-hapon ang anak ko, ako pa rin ang naghahatid at sumusundo sa kanya bago ako pumasok ng trabaho. His excitement reminds me of how I was so enthusiastic to learn when I was in his age. Hindi man namana ng anak ko ang features ng aking mukha.

There was no doubt, he came from me.

Marunong na siyang sumulat ng kanyang buong pangalan. For the mean time, he was using my surname. Alam kong darating ang panahon na mas lalo niyang maiintindihan ang sitwasyon, maraming mabubuong tanong sa kanyang isipan lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang ama.

It's really what I fear the most, when I have no answers to give to my child. At maaaring masaktan siya sa mga sagot. As much as I don't want him any harm, I won't shelter him from his true identity. Minsan gustong - gusto nating protektahan ang isang taong mahalaga, pero sa pagprotektang iyon, doon siya mas lalong masasaktan.

It was never the intention, but the impact of the action. Kahit ang intensyon ay para sa makakabuti, pero kabaliktaran ang nangyari, hindi pa rin pwede.

Matalino ang anak ko, unti - unti na siyang nagiging mulat. Minsan sinabi na niya sa akin na ang baby daw kailangan ng nanay at tatay. Hindi ko alam kung natutunan niya iyon sa paaralan, o na-obserba niya sa batang dumadaan na kasama ang kanilang magulang.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon