Ikaapatnapu't Apat na Kabanata

143K 3.7K 1.9K
                                    

Kabanata 44

Bisita

Sumilip ako sa pinto. Mayroong bisita si nanay, minabuti ko munang hindi lumabas ng kwarto. Ayokong kumalat ang balitang bumalik ako ng San Andres, at kung kanino pa makarating iyon.

"Ay, nako, Teryo, nag-abala ka pa. Maraming salamat sa mga gulayin," masuyong sabi ni nanay sa bagong dating. "Magkape ka muna, may binili akong pandesal kanina noong may dumaang naglako."

"Hindi po ako tatanggi," tumatawang tugon ni Teryo.

Likod lang niya ang nakikita ko mula sa aking tayo. Ganoon pa man, may parte sa aking nagagalak na makakita ng pamilyar na bulto. Totoo ang sinabi nilang hindi nila pababayaan ang pamilya ko noong papunta akong Manila. Sila ang naging karamay ng pamilya ko ng mga panahong wala ako.

"Maraming salamat po, Aling Cess sa kape at tinapay. Kapag may kailangan po kayo. One call away lang ako."

"Salamat din Teryo. Ingat ka." Tuluyang nawala ang lalaki sa paningin ko. Ang sunod kong narinig ay pagsara ng pinto at pag-alis ng motor.

Bumaba ako sa kusina, binati ko si nanay. Ito ang huling araw ng pamamalagi ko sa bayan, luluwas na rin ako ng Manila kinabukasan. Hindi pa lubos na hilom ang sugat na nabuksan nang umuwi ako sa pamilya. Nasasaktan pa rin ako tuwing maiisip ko ang nangyari kay tatay. Hindi iyon makatarungan.

"'Nay, pwede ko po bang hiramin si Meow? Gusto ko lang po sanang libutin ang kabuuan nitong malapit sa atin." I haven't done it for quite some time. Isa ito sa pinaka-gusto kong gawin. This town is my jungle.

"Sigurado ka ba? Marunong ka pa bang mangabayo? Baka ma-disgrasya ka." Tinitigan ako ni nanay. Nilagyan niya ng pandesal na may palamang peanut butter ang aking pinggan.

Tumango ako. "Sa tingin ko po, alaala ko pa ang bawat galaw." sagot ko. Kinakalawang, pero alam kong kaya ko pa. Buong kabataan kong ginagawa ang pagsakay ng kabayo. Natigil lang pero hindi ibig sabihin limot ko na.

"Walang problema. Sa akin lang, mag-iingat ka. Hindi ka na bata, Sai. May anak kang naghihintay sa'yo." paalala pa ng aking ina.

Ngumuso ako. "'Nay naman. Hindi naman po mawawalan ng ina si Trojan. Hindi po ako maaksidente. Isa pa, hindi ko naman po patatakbuhin ng mabilis si Meow."

She sighed. "Mag-iingat ka, anak."

I nodded again. Tinapos ko ang pagkain ng agahan. Hinanda ko ang sarili ko sa paglibot sa karatig ng Mabato. Naglagay ako ng malong sa aking ulo at saka sombrero. Kung sakali mang may makakita sa akin, hindi agad ako makikilala.

Sinundo ko si Meow sa kwadra. Even my horse seemed excited with our little escapade. Matapos ang ilang taon, ito ang unang beses na magkakasama kaming muli.

"Handa ka na?" pagkausap ko sa aking alaga.

Sinagot lang ako nito ng mga tunog ng kabayo. Inilabas ko siya hanggang sa maliit na kawayang nagsisilbing gate ng bahay. Hindi ako sigurado kung kailan huling naipasyal si Meow. But he is really excited.

Back in the days, walang palya ko siyang nailalabas kahit sa palibot lang ng bahay. Malinis naman ang alaga ko pati ang kanyang saddle. Malamang nililinisan siya ni nanay.

Mabilis kong naakyat ang saddle niya. Kahit nadagdagdan naman ang aking tangkad, lumaki rin ang aking kabayo, parang nabalewala iyon. I secured my feet. Marahan ang lakad ni Meow. Pinagmamasdan ko ang paligid. May ilang bahay naman ang malapit sa kinatatayuan ng amin.

Maayos na ang daan patungong bayan. Iyon ang daang binaybay ko.

Meow was startled when he heard several neighs a few distance from us. Mukhang nagpanic ito sa tunog ng parang stampede ng kabayo.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon