Ikasiyam na Kabanata

101K 3K 633
                                    

Kabanata 9

Kinahig ng Manok

Sabado ng umaga ng ipasyal ko si Meow sa hacienda nang makapagpaalam ako kay tatay. Namataan ko ang grupo nina Teryo sa malapit greenhouse kaya agad akong lumihis ng daan. Ayokong mapaaway na naman sa kanila. They are probably helping with the delivery of vegetables. Linggo na bukas. Mas maraming namimili tuwing linggo sa pambayang palengke.

I was in the middle of the hacienda, when Meow started eating the grasses every time he gets the chance. Bumaba ako sa shed para pakainin muna si Meow. Nagawa pa niyang uminom sa maliit na sapa-sapaan na gawa ng minsang umulan.

Naupo ako sa bench, hinayaan kong matapos si Meow sa paglamon niya ng damo. Tanaw ko ang mansyon ng mga Ponce and the cousins are probably in there.

Nakarinig ako nang malakas na yabag ng kabayo sa hindi kalayuan. I looked around and searched who was riding the horse towards the shed. Papalapit iyon nang papalapit sa amin ni Meow.

Bumagal ang takbo nito ng kaunti na lang ang pagitan ng tayo namin. It was Cadence who was riding Madonna. His hair was bouncy and he was again shirtless. He's blending in, he looks like a real rancher and he could ride the horse well.

"Hey," he grinned.

Bumaba siya kay Madonna na inilapit naman sa kumakaing si Meow. Lumakad siya papalapit sa akin. "Look, your horse is officially dating mine." May himig nang pang-aasar ang tono nito. Mukhang tuwang - tuwa na naman si Cadence. "What are you doing here? Are you looking for me?" he asked with such confidence surpassing the height of the roof.

"Alam mo, Cadence, I'd rather busy myself finding kuto of Meow if there is than look for you. Ang kapal mo talaga." iritado kong wika. Nilampasan ko siya at kinuha ang tali ni Meow.

"Wait, liit." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko. Sa kabilang kamay niya hinawakan si Madonna. Hinila niya ako sa kung saan.

"Saan mo na naman ako dadalhin?" Umirap ako sa ere. Kung umasta talaga itong si Cadence, akala mo kahit saan pwede niya akong hilahin. Pwedeng - pwede naman talaga. He's taller and a lot bigger than me. Kayang - kaya niya akong dalhin saan man niya naiisin.

Nakarating kami sa may gazebo. "Stay here. Dadalhin ko lang sa kwadra si Meow at Madonna. Bagay talaga sila." He told me. Naupo ako sa couch.

Mas lalong lumaki ang gatla sa noo ko. "Baliw ka na, pati ba naman kabayo pinag-iisipan mo ng ganoon?" Hindi makapaniwalang usal ko. Tumawa lang siya nang mahina bago tuluyang umalis sa harapan ko.

I don't have the slightest idea why I am here. Hindi ko rin alam kung paano niyang nalaman na malapit ako sa mansyon nila. Does he have a radar or some sort? Hindi ako dapat magtagal. Kailangan ko pang magluto ng tanghalian. Subukan lang talaga niyang sayangin ang oras ko.

Ilang sandali pa ay bumalik din siya. May suot na siyang shirt. Dala niya ang bag niyang gamit sa school while there is a tray on his other hand. Marahas niyang itinapon ang bag niya sa isang couch, samantalang iyong tray ibinaba niya sa harapan ko.

"Kumain ka na ng breaakfast? Ito lang ang nadatnan ko sa kitchen." he said. Naupo siya sa tapat kong couch. There is a carbonara, jumbo hotdogs and potato fries in the tray. At saka mayo sauce.

"Hindi naman ako magtatagal. Kailangan ko ring umuwi agad. Magluluto pa ako ng tanghalian ni tatay." sinabi ko.

"Yes, yes, I know. Madali lang ito." Hinalungkat niya ang kanyang bag. Inilabas niya ang isang ream ng bondpaper at saka notebook niya. Pinagmasdan ko lang siya. One thing that I can observe about him when he is being serious, nagsasalubong ang kilay niya unconsciously. Mas gumaguwapo siya kapag ganoon.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon