Ikalimampu't Tatlong Kabanata

145K 3.4K 1.9K
                                    

Kabanata 53

Rebelasyon

I signed the annulment papers.

Cadence granted my request. Buo ang desisyon ko, hindi lang ito basta dala ng damdamin. I wanted out of the marriage. Nagpakasal lang kami para sa anak ko. It was a blackmail type. Kung hindi ko siya papakasalan, I would lose the custody of my own child.

Marami na kaming maling desisyon sa nakaraan. And for once, I want to correct things. The first step is to annul him. Kahit ang pagpapakasal namin ay hindi sa tamang rason. It was just for my son.

Kung pakakasalan ko man siyang muli, gusto ko tama na ang lahat. Hindi lang para sa anak naming dalawa. Pakakasalan ko siya dahil gusto ko siyang makasama panghabang-buhay, mahal ko siya, iyong mas matindi sa dati at bumalik ang aking tiwala. Pagmamahal na walang pagdududa at may malinis na intensyon.

It needs to have a core foundation of marriage. It's love. And I'm not yet ready for that.

Patuloy kaming mabubuwag kung laging mali ang dahilan ng aming aksyon. Kung talagang gugustuhin ni Cadence, paghihirapan niyang suyuin ako.

But right now, I just need the time and space. I need to a absorb all these things. Bukod sa annulment, iyon ang hiningi ko sa kanya. Oras at pahinga.

To heal all the bruises. And to finally let go of all the burdens. Both of us suffered. I don't want to suffer even more with the wrong choices.

Magpapahinga muna ako. Magpapahinga muna siya.

I might not be correct, but things that didn't start right, most likely wouldn't work.

Wala naman akong balak na ilayo sa kanya si Trojan. Trojan loves him. Hindi ko siya ipagkakait kagaya ni Oleya. I wouldn't be selfish. Hindi ko kayang makitang umiiyak ang anak ko.

Lumipat kami sa kabilang bahay, sa bahay ni Emma sa tapat ng mansyon ni Cadence. Mas madali para kay Trojan na makasama ang kanyang ama na ganitong layo ang pagitan namin sa isa't isa. Si Cadence ang nagpaliwanag ng nangyayari sa anak ko.

Hindi ko alam kung anong sinabi niya kay Trojan. He seemed to be understanding everything at a young age. Proud si nanay kay Trojan.

"Nanay, and'yan na po si tatay. May dala po siyang baked pasta raw po. Kain daw po ikaw." pumailanlang sa kwarto ang boses ng anak ko.

Pumasok si Trojan sa kwarto naming mag-ina. May subo na itong kutsara. It looked like he was interrupted in consuming his food. Pina-plantsa ko ang mga uniform niya para sa school.

"Kayo na lang muna ni tatay ang kumain, busog pa si nanay. Saka busy pa sa pagplantsa ng uniform mo." sagot ko sa kanya.

Lumabas si Trojan ng kwarto. Hindi pa kami nag-uusap ni Cadence ng matino matapos ang pagpirma ko ng annulment papers, siya na ang nag-asikaso noon. Hindi pa ako handang makipag-usap sa kanya ng masinsinan.

"Sabi po ni tatay, siya na raw po ang magpaplantsa ng uniform ko, nanay. Para 'di na po ikaw mapagod." Muli niyang isinubo ang kanyang kutsara.

"Sabihin mo sa tatay mo, okay lang. Kaya ko na ito, matatapos na ako."

Sumimangot na si Trojan, sumunod naman ito sa sinabi ko at muling tumungo sa ama. Itinupi ko ng maayos ang mga uniform na tapos ko ng plantsahin. Narinig ko ang mga yapak ng anak ko patungo sa aking gawi.

"Nanay, sabi po ni tatay, mas masarap daw po kapag mainit pa ang baked pasta. Kumain ka na raw po." Magkasalubong na ang kilay ni Trojan. Naainis na yata ito sa utos ng ama.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon