Ikatatlumpo't Siyam na Kabanata

121K 3.3K 2K
                                    

Kabanata 39

Miracle

When everything falls apart, my only alliance is myself and my an unborn child. Hindi ko kailangang iasa ang kapakanan ko sa mga taong wala sa aking tabi sa panahon ng paghihirap.

Sa pagguho ng mundo, tanging sarili ko lang ang dapat kong asahan at wala ng iba. I learned the hard way.

Nang dumating ang puntong wala ng pag-asa, tanging pagiging malakas lang ang pwede kong kapitan. Wala akong ibang choice. The experience must toughen me for my child. Less tears, more resources, new plans. There was no other way but to adapt to the environment I was in.

Kung mayroon mang magandang nangyari sa akin sa hirap at patuloy na paghihirap na dinaranas ko, natuto ako. It became substantial for my survival. I wasn't just a needy damsel with an ideology of a knight saving me. Walang darating sa akin para i-ahon ako sa kinasasadlakan ko ngayon.

Ganoon talaga siguro ang mundo, unfair ito para sa lahat at may parte sa aking gustong kamuhian ito.

Ilang buwan. Ilang malamig na gabi. Gutom. Kumakalam na sikmura. Pighati. Sandamukal na mga luha. Piping hiling sa mga tala.

Iniinda ko pa rin ang naturang pasakit. Hindi ko alam kung paano akong nakatagal at nanatiling kumapit sa malagim na tadhana. Wala akong ibang pagpipilian kung hindi maging malakas para sa batang nasa sinapupunan ko. Hinaplos ko ang umbok ng aking tiyan.

"May dala akong tinapay at mainit na sopas," sinabi ng bagong dating. Tumingin ako sa pinto ng maliit na barong - barong. Sumilip si Emma, kagaya ng sabi niya, mayroon itong dalang pang-alis ng konting hinagpis.

Nagkrus ang landas naming dalawa, unang beses rugby pa ang kanyang dala. Matagal na ang babae sa lungsod, dito na ito nagkaisip kaya alam niya ang kalakaran. Somehow, we managed to become friends despite the circumstance.

"Saan mo iyan nakuha?" tanong ko.

Mayroon naman akong konting pera sa naipon kong paglalako ng bakal at bote. Hati kami sa mga kinita namin.

"Doon sa may patay sa kabilang kalye. Kung araw - araw mayroong patay dito sa may atin, edi maayos na ang buhay natin, tutal wala rin naman silang silbi." maanghang na komento nito.

Umiling naman ako. Isinalin niya ang naiuwing pagkain sa iisang bowl na mayroon ang barong - barong, inilagay niya ang iba sa malinis na pinggan. Mas madaling maka-diskarte si Emma sa mga lamay ng patay.

"Kumain ka na," alok nito.

Hindi ko tinanggihan ang alok niya. Lumapit ako sa mesang may kalumaan na. Dinispatsa na ito ng totoong may-ari pero sinalba lang nga mga gaya naming walang ibang pagkukunan ng resources kung hindi ang mga bagay na tinapon nang iba.

"Sa tingin mo ba, makakaahon pa tayo sa hirap?" wala sa sariling tanong ko sa babae.

Emma looked at me dead in the eye. "Hindi, Sai. Ito na ang realidad natin. Kahit anong kayod mo, hanggang dito pa rin tayo, tayo pa rin ang nasa laylayan. Ang mayaman, patuloy na yayaman. Ang mahirap at pinagkaitan, mananatiling sadlak." And I knew, she was right.

"Anong plano mo para sa baby mo?"

Hindi ako sumagot. Magkaiba kami ng pananaw sa bagay na iyon. Hindi ko ipamimigay ag anak ko. Igagapang ko siya sa hirap.

Tinapos ko ang pagkain ng sopas at nagtira para sa mamaya. Hindi ko rin inubos ang rasyon ng tinapay. Nagpasalamat ako kay Emma. I will always be forever thankful to her. Kinupkop niya kami ng anak ko sa maliit niyang barong - barong. It was a better place than the city's streets.

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon