Ikadalawampu't Apat na Kabanata

96.8K 2.3K 813
                                    

Kabanata 24

Porn

Back to basic. Back to what it was like before. Ni katiting hindi ako nagsisi. Napailing ako. I know I should have guarded my heart from any possible pain. I am not doing anything.

Siguro kailangan ko ring pagdaanan ang isang mapanakit na bagay para maramdaman ko talaga kung paano mabuhay. It was stupidity. Kung saktan mang muli ni Cadence ang puso ko, hindi ko iyon kontrolado. It is his choice to make. And I hope, he doesn't. I don't know what else to feel with the second blow.

Umaga pa lang ay bumangon na ako para ipaghanda sina nanay ng agahan. Mamaya pa ako susunod sa greenhouse para tumulong sa pamimitas ng gulay. May mga araw na tumutulong na rin ako sa pagtatanim. Mukhang mayroon din akong green thumb na tinatawag. I can plant. Samantalang natuyo't ang mga halamang inalagaan ni Nena. Hindi na ito muling tumulong sa pagtatanim.

I coughed as the smoke billowed in the air. Ilang sunod - sunod akong napaubo. Ilang araw na rin akong inuubo simula noong umulan at hindi agad ako nakauwi ng bahay. Sa may kamalig nina Cadence kami sumilong. Ayokong pumunta ng mansyon nila, nahihiya akong magpakita sa mansyon, hindi na rin ako pinilit ni Cadence.

We talked. Mula sa pinakawalang - kwentang bagay hanggang sa mga topic na hindi maarok ng pagkatao ko. Halos nawala ang sense of time, gabing - gabi na rin ako naihatid ni Cadence. Si tatay ang unang sumalubong sa amin sa bahay, I felt the tension. At kahit ngayon, ramdam ko pa rin ang nangyari. He didn't say anything to me, and that made me feel even worse.

Isa yata iyon sa pinaka-traumatic na katahimikan sa buong buhay ko. Walang komprontasyon pero ramdam ko ang galit niya.

"Inuubo ka pa rin, Sai?"

Napalingon ako sa gawi ni nanay na kababa lang ng hagdan. She was combing her hair with a neat brush. Dumiretso siya sa mesa upang magtimpla ng kape.

"Medyo po, 'nay." Hinalo ko na iyong itlog sa ampalaya.

"Sabi ko sa'yong uminom ka ng gamot. Mayroon tayong solmux d'yan. Baka mas lalo pang lumala, malapit na ang moving up mo." Narinig ko ang pagsasalin niya ng mainit na tubig galing sa thermos.

I shook my head. "Hindi po iyon pwede, 'nay. Ayoko pong mag-self medicate. Iinom ko na lang po nang maraming tubig."

"Nako, Sai. Siguraduhin mo lang na hindi iyan lalala."

"Hindi po, 'nay." confident kong sagot. "Hindi naman po ako tinatablan ng sakit,"

Noong mga paunang araw lang naman nagbabanta ang lagnat, noong mga sumunod, mukhang nadala na rin sa pag-inom ng tubig.

Kumuha ako ng mangkok para isalin ang ampalayang initlugan. Malay ko ba kung anong tawag sa lutong ito. Ipinaghain ko na rin ng kanin si nanay.

"Anong balak mo pagkatapos ng grade ten, Sai? Anong kukunin bang track sa senior high ba iyon? Desidido ka na ba?" usisang muli ni nanay nang mailapag ko ang sinandok kong kanin. "Dapat ngayon pa lang desidido ka na sa gusto mong gawin sa buhay."

Nag-isip ako ng ilang segundo. Next school year, senior high na ako. Pagkatapos ng dalawang taon, kung papalarin, mag-aaral ako ng kolehiyo. Para sa isang taga-bukid, it was to be thankful for. Hindi lahat ay nakakaabot sa ganoong estado. At isa ako sa mga pinagpala. Alam ko ang hirap ng mga magulang ko para igapang sa pag-aaral.

"Kung papayagan niyo po ako, gusto kong mag-ABM." I answered. Pinagdaop ko ang dalawang kamay. "Accountancy, Business and Management po ang ABM. Kung kakayanin din po, gusto kong kumuha ng Accountancy sa college."

The Governor's Son ✔ (Haciendero #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon