Chapter 25: SoLo Moment

3.9K 125 6
                                    

A/N: Writer's block! (-.-) Kainis na ito. Sorry guys ngayon lang nakapag-update. Nablangko bigla ang isip ko. I'm still finding ways to get rid of WB. Hay!

************

Sophie's POV



Nagpa-reserve ng isang kwarto sa isang resturant si Ms. Den para sa 'celebration kuno ko' daw. Kahit naman pala humindi ako ay matutuloy pa din ang celebration. Nagulat pa nga ako ng dumating ako sa office tapos sinabi ni manong guard na magpunta na lang ako sa'YAS FANCY RESTAURANT' para malaman ko kung anong meron.



Nalaman ko ding nagpadala ng mga pagkain si Ms. Den sa isang orphanage. Nakakatuwa naman! Wala na talaga akong mahahanap na mas mabait at mapagbigay na katulad ni Ms. Den.



Ako ang huling nakarating sa restaurant dahil ako lang naman ang hindi na-inform. Well, ano pa bang magagawa ko. Nandito na din naman ako.



Naupo na lang ako sa isang gilid. Nagpakuha din kasi ng karaoke si Ms. Den para kompleto na daw ang celebration.



"Ms. Forbes should sing" napalaki ang mata ko dahil sa biglang sabi ni Ms. Den. Nananahimik na nga lang ako dito.


Umiling ako "No ma'am. I don't know how to sing" nahihiya kong sabi


"Oh, really?" hindi makapaniwalang sabi nito "Okay then but next time you'll sing. I want you to practice. Okay"



Bumalik na ito sa pagkanta. Nakakatuwa nga kasi napakalapit ni Ms. Den sa lahat. Kaya din nyang makipagsabayan kahit na anong edad. Kahit na forty-three years old na sya. Cool, right?



Paminsan-minsan ay nakikisali ako sa usapan nila pero tumatahimik din sa huli. Hindi ko alam pero parang wala ako sa mood mag-party.



Ilang minuto pa ay naramdaman ko ng tinatawag na ako ng kalikasan kaya nagpa-alam muna ako sa isa kong ka-trabaho. Uuwi na din siguro ako maya-maya.



Habang naglalakad papunta sa cr ay nadaanan ko ang isang kwarto na may sumisigaw. Medyo pamilyar pa nga ang boses nung babae kaya napatigil ako. "Yanny?" bulong ko



Lumapit ako sa may pinto at pinakinggan ang nasa loob. Sigurado ako na boses yun ni Yanny.



"Honey? Honey? Bwisit ka! Bakit ka nandito!?" galit na tanong nya "At bakit mo hinalikan ang pisnge ko?"



I knew it! Si Yanny nga yun pero sino naman kaya ang kaaway nya dun. Lalo ko pang inilapat ang tenga ko sa may pinto para mas marinig ko ang pag-uusap nila.



"Ma'am is there anything wrong?" para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Sht! May nakakita saken. Paktay!


Umayos muna ako ng tayo saka ko sya hinarap "Nothing. I-i'm just looking for my . . . Ahh . . . my . . . earrings! Yes, my earrings" tsaka ko hinawakan ang tenga ko. Sana maniwala ka.


Nakahinga naman ako ng maluwag ng tumango-tango sya at lumapit saken. "I'll help you to find your earrings. What's the design of it?" tanong nya at nagsimula ng maghanap.


Hala! Hindi pa pala ako ligtas. Grabe naman kasi itong si Ms. Magsisinungaling na naman ako. Hay! "I found it!" peke kong sabi at ipinakita sa kanya ang earrings ko na katatanggal ko lang sa tenga ko.


Ngumiti naman sya ng maipakita ko na sa kanya "That's good. So, there's no other problem here. I'll go ahead" sabi nito


"Thank you" nakangiti kong sabi sa kanya



Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now