Chapter 47

3K 105 7
                                    

Franco's POV


At MMB Agency . . .


"Pupusta ako na wala pang fifteen minutes ay nandito na agad si Kevin" natatawang sabi ni Dontee habang pinaglalaruan ang lapis na hawak nya


Nagkibit-balikat si Gian "Siguro. Alam mo naman yun. When it comes to Elli, he can do everything just for her. Kahit siguro gumawa pa sya ng time machine ay gagawin nya."


"He's been our friend since that day" nasabi na lang ni Jared


Tumango ako "Yeah. Kung hindi pa siguro ako bumaba ng kotse ay hindi pa sila titigil sa pag-aaway. Mabuti na lang at hindi nakita ni Kevin ang mukha ko"


After a minute of silence, nagsalita si Brandon "After this, what will happen?"


"Make our own story" simpleng sagot ko


Naibato naman ni Dontee saken ang throw pillow na nasa malapit sa kanya "Inlababo ka. Alam nya ba?"


I glared at him "Malamang. Matagal na. Galit pa nga sya saken, diba?"


Nailing namang sumingit sa usapan si Gian "Binigla mo kasi."


"I didn't!" Giit nito "Nalasing nga ako tapos nasabi ko yun. I know she has trust issues"


"The power of alcohol! Whooo!" Nag-apir naman sina Dontee at Brandon para mas lalong asarin ako. Mga gago talaga! Tss

Kevin's POV

Halos paliparin ko na ang kotse ko makarating lang sa MMB agency. Wala akong pakealam sa kahit anong rason ni Elli. Basta ang mahalaga saken ay sya at ang anak namin. I'll bring them back.

Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa entrance ng building pero hinarangan ako ng isang babae "I'm sorry sir. It's strictly not allowed to let anyone come here unless you have appointments"


I exhaled sharply "Will you just get out of my way" pinilit kong maging mahinahon.


Nakuha ko ang atensyon ng guard kaya lumapit ito samen "Ma'am Shiela may problema po ba?"


She scanned me from head to toe "Your head boss personally called me." may halong inis na sabi ko. Ayaw pa kasi akong padaanin. "So, can I come now? May mahalaga kaming pag-uusapan"


"Okay then. What's their names?" Hamon nya saken


"Damn it! Can you just cut this shit. Papapasukin mo ba ako o magwawala ako dito!?" hindi ko na napigilan at napasigaw na ako


Hinawakan ako sa braso ng guard "Sir alis na lang po kayo ng kusa"


"What the hell!?" Nagpumiglas ako


"Let go of him" pigil nung babae na ang pangalan ay Shiela. "Let him in. I know him. He's Kevin Roi? Am I right?"

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon